Thoughts of an Ambitious Procrastinator

26 1 0
                                    

Prologue


Nakakilala ka na ba ng taong sobrang pagkakatamad? Yung as in hindi mo na mawari kung bakit ba ga naman sa dinami dami ng araw na nakalaan at lumipas e hindi man lang nagawang tapusin lahat ng kailangan niyang tapusin?


Nakakilala ka na ba ng taong malaki ang pangarap? Yung tipong mapapasabi ka na lang na 'ay kailangan ko magsipag para maabot yun?'


Pero paano kung ang dalawang katangiang iyan ay makikita mo sa isang tao? Ano nalang kaya ang makakamit ng isang taong may malaking pangarap pero tatamad tamad?


Eto ang kuwento ng isang kolehiyalang may taglay na hindi maitagong katamaran subalit may gustong makamit sa buhay. 

Ang kuwento ng modern modified Juan tamad. (A/N: Charottt!! hehezz)

Alamin ang kanyang kahihinatnan pati narin ang mga bagay na kahaharapin. 


Magagawa niya kayang makamit ang mga ambisyon niya?

O malulunod siya sa katamaran niya?


All Rights Reserved. Thoughts of an Ambitious Procrastinator 2020. 

mys_cha 2020


---


Ali's POV

Waaahhh ang boring boring boringgg. Boring nga dami naman nakatambak na gawain. Hays tinatamad pako magsimulang gumawa pero andami nila talaga. Ali papaano ka na niyan? Need mo na gawin kase may plano ka diba? Hays. 


"Ano ba yan! Kelan kaba gagalaw diyan? Kaninang kanina kapa paupo upo at higa. Ali aba ano? Ako na ba ang maghuhugas ng pinggan? Ikaw bata ka kung hindi ka tanghali gumising at pahilahilata diyan sa sofa ano balak mo gawin aber?" Singhal ni tiya Isabel sa akin habang may mga dala dalang kung ano ano. Kanina pa siya pabalik balik mula kusina, kwarto, dine sa sala, pati sa may bakuran. Malay ko kung ano ginagawa, kakatamad naman alamin e. Lagi naman siyang naglilinis kakapagod kaya. Hindi ba siya napapagod?


"Sinasabi ko sayo matanda kana magbebente anyos kana sa Disyembre tas wala ka parin pinagbago tatamad tamad ka pa rin! Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang bihira ka gumawa ng gawaing bahay ha? Sumasakit na talaga ulo ko sayong bata ka! Kapag ako talaga naman ay napuno humanda ka sakin! Ibabalik kita kay Hilda ha. Parehong pareho kayo ng nanay mong tatamad tamad e." 


"Tiya, maghuhugas na po ako ng pinggan. Are na ho. Wag na po kayo manermon ere na, tatayo na. Wag lang natin pag usapan ang babaeng yon. At isa pa po, magkaiba kami tiya." Bahagya akong tumayo at tamad na tamad pumuntang kusina para umpisahan ang sandamakmak na hugasin. Paano ba sila kumain? Para naman lagi kaming may bisita sa dami ng hugasin e. Ano ba to? May karinderya ga dine na hindi ko alam? Aa naman e. 

Thoughts of an Ambitious ProcrastinatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon