Chapter - 18

2.6K 233 52
                                    

Danica's POV.....

Mula ng bumigay akong muli kay Azzerdon ay tinanggap ko na rin sa sarili na asawa ko na ang lalaki at wala na akong magagawa pa don. Kahit madalas akong mairita sa kanya dahil sa mga banat nitong wala sa hulog ay natagpuan ko nalang ang sarili na ngumingiti na rin sa mga green joke nya. Ang problema ko lang ay masyadong active sa sex ang lalaki. Di ko alam kung ganon ba talaga. Halos gabi gabi itong natabi sa akin na di ko naman mapigilan. Ang inis ko ay naging prompt nalang. Basta nalang ako nagising na sanay na akong kasama sya, na katabi ko sya sa pagtulog at mukha nya ang una kong nakikita twing umaga. Tinanggap ko na rin na gwapo ngang talaga ito, magkaiba man sila ng kagwapuhan ni Traviz ay may appeal si Azzerdon na hindi ko maipaliwanag. Sa pagsasama namin ay nakita ko ang magaganda nyang katangian na una kong nakita noon sa La Vista, yung binatilyong kayang gawin ang lahat ng bagay. Kahit hindi ko alam kung bakit mayaman na ito at iba ang apelyedo ay di naman nagbago ang lalaki. Nung minsang magkaroon ng camping ang classroom namin ay sinamahan ako ng asawa. Sinabi ng prof namin na bawal ang ibang department pero dahil black knight si Azzer ay walang nagawa ang prof at pumayag narin.

Doon ay lalo akong natuwa sa asawa. Nakita ko kung gaano sya kagaling makisama sa mga kaklase ko. Tumutulong pa ito sa amin.

"Ms. Danica ang swerte mo kay Azzer, gwapo na boy scout pa" bulong sakin ni Cielo habang patingin -tingin ako kay Azzerdon na nagdidikit ng apoy sa mga tuyong sanga na syang gagamitin namin sa pagluluto. Ang topic kase namin sa camping na yon ay pagaralan ang lutong probinsya. Magluluto kami ng kakaibang putahe na ang sahog ay kukunin lang sa paligid.

Hindi ko masabi kay Cielo na galing sa hirap ang binata kaya marami itong alam. Pero masaya ako at nakadama ng pagmamalaki para sa asawa.

Nakita kong close sila ni Fathima.  Mula sa pwesto namin ni Cielo ay tanaw namin na laging nagtatawanan ang dalawa. Si Azzer kase ang nagpapa apoy sa sanga at si Fathima ang naglalagay non. Kumunot ang noo ko. Para kaseng may iba sa kanila. Pero iniwasan kong magisip ng ganoon. Kilala ko ang kaibigan. Pero lumapit pa rin ako sa mga ito.

"Fathima nakuha mo naba yung gulay na kailangan natin?" I asked. Tila nailang ang babae at nagpaalam .

Ewan ko ba pero naiinis ako sa nakita ko. At kay Azzerdon ko yon gustong ibuhos yon. Para kasing balewala dito ang paglapit ko, sige pa rin sa pagpaypay ng baga.

"Close kayo ni Fathima?" Pasimple kong tanong. Naupo din ako at inayos kunwari ang sanga na di ko naman ma-gets kung paano yon.

"Di naman masyado, school mate ko yon nung high school kaya medyo close " ngisi nito.

"Ahhhhh.." Reak ko lang.

"Danica don kana at baka mausukan ka lang dito, kami na ni Fathima ang bahala, " taboy ni azzer na kinainis ko.

Nagdadabog akong tumayo.

"Ah ganon pala, mas gusto mong kasama sya kesa sakin, di sige.." Pagtataray ko sa natulalang lalaki. Sa inis ko ay sinipa ko ang mga sanga hanggang mamatay ang apoy non saka madilim ang mukang iniwan ito.

"Laki ng topak mo ah!" Pahabol pa ni Azzer pero di ko na sya nilingon.

Unang gabi namin sa gubat. Maraming tent ang itinayo don at  magkakasama kami ni Cielo at ng isa pa naming kaklase. Napabukod si Fathima sa tent. Si Azzer ay may dalang sariling tent . Nagaayos na kami ng paghiga namin ng tawagin ako ni Azzer sa labas non.

"Asawa ko.."

Inis parin ako sa kanya dahil sa kanina kaya nakasimangot ko syang pinagbuksan ng tent.

"Ano ?"

May iniabot sya sa aking maliit na rechargable fan.

"Ano to?"

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon