CHAPTER 60:THE END?

56 1 0
                                    

CHAPTER 60:THE END?

Zyleer's Pov:

Nasasaktan ako,hindi dahil sa saksak na natamo ko,nasasakta ako dahil wala na ako'ng magawa. Tila napaka-lupit ng tadhana at hindi man lang ako pinagbigyan sa gusto ko. Pero ano'ng magagawa ko,wala na ito na ang huli ko.

Tangi'ng pag-hingal na lang ang nagagawa ko habang nasa malaki'ng bato at nakasandal. Pilit ko'ng tinatakpan ang dalawa'ng saksak sa tyan ko at pinipigilan ang pagdaloy nito pababa.

'Maski dugo ko ay natatakam ako.'

Nakataas ang mga kilay ko'ng nakatingala sa nasa harap ko. Para sya'ng sinapian ng kung ano'ng demonyo dahil sa palalim na titig nya saakin at mabilis ang maghinga nya habang makahawak ang dalawa'ng kamay n'ya sa ispada na nakatutok mismo sa puso ko. Tumatawa sya na para'ng baliw at 'yon ang mas ikinataas ng mga balakibo ko,hindi ko mapigilan ang mabilis na pag-kabog ng puso ko. Nakakatakot sya'ng tignan at ano ma'ng oras kaya n'ya isaksak ang dulo ng ispada n'ya sa mismo'ng puso ko.

Umaasa pa rin ako'ng makabalik si clarence kahit ngayon lang,naluluha ako at sabi na makasama s'ya rito. Hindi ko mapigilan ang mga mata ko'ng mangilid ng luha at unti-unti ko'ng nararamdamanang init no'n.

Kay sarap balikan ng mga magaganda'ng at masasaya'ng alaala sa oras na ito. Maalala ko ang mga ngiti ni Clarence habang unti-unti ako'ng nauubusan ng hininga. Hindi ko na maramdaman ang sakit na 'yon kaya napapatawa ako'ng bumaling sa harap ko tumatawa s'ya ngunit patuloy ang pa-agus ng mga luha n'ya. Sa pag-luha nya'ng 'yon unti-unti ko'ng nakikita ang katauhan ni Clarence ngunit nangangamba pa rin ako dahil naka-angat pa rin ang espada at saakin pa rin iyon nakatutok. Para sya'ng nababaliw dahil sa papalit-palit nito'ng pag-tawa at pag-iyak.

"C-clarence."usal ko sa pangalan n'ya at tumingin sya saakin. Masama ang mga tingin n'ya ngunit nakita ko sa mga mata n'ya ang papalit-palit na kulay no'n.

Naluha ako ng maisip ang nakita ko'ng 'yon. Napaka-bilis ng pintig ng puso ko dahil sa sigurado ako.

'Lumalaban s'ya.'

Mas lalo'ng hindi ko napigilan ang pag-luha ko dahil sa sinabi ko sa isip. Mas nagkaroon ako ng pag-asa na babalik s'ya,alam ko'ng lumalaban s'ya sa loob at hindi ko maiwasa'ng ihinto ang paglundag ng puso ko ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

[0__0]

Kuminang ang dulo ng ispada at nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita'ng diretsyo ito'ng bumaba patusok sa puso ko. Kaya hindi ko maiwasa'ng mapapikit.

'A-ahh' ramdam ko ang pagtusok ng dulo'ng 'yon ngunit hindi na ito nagtuloy pa.

"E-erghh."

"T-tumigil ka na!!"

"Papatayin ko s'ya."

Dalawa'ng boses ang naririnig ko'ng nagtatalo at pabulat ko ng mga mata ko. Bumungad saakin espada na nakatarak sa tapat ng puso ko. Dahan-daha'ng inalis 'yon na ikinataka ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita'ng pinipigilan ng isa'ng kamay ni Clarence ang kamay nya'ng may hawak ng ispada.

"Wag mo ako pigilan."

"Hindi ako papayag!" Dalawa'ng boses na naman ang narinig ko mula sa iisa'ng katawan at isa do'n si Clarence. Naramdaman ko ang hapdi ng tulya'ng makaa-alis ang tulis ng ispada kaya bahagya pa ako'ng mapahinto sa pag-hinga.

Sweet Blood (My Vampire Lover)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon