WEOB 4

358 15 0
                                    


WEOB 4
speed

"GAGO ka!" Bulyaw ko sa kasama ko ngayon habang dumadaan kami sa corridor.

Ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nairita. "Yeah, guwapo ako."

Tinulak ko siya papalayo sa akin. Ayoko kasing magkaroon kami ng issue. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao at kapag dadako ang tingin nila sa akin, tinataasan nila ako ng kilay.  Like what the hell did I do to these people for them to raise their brows at me? Baliw ba sila?

"Tumahimik ka, Vinnian, hindi 'yon ang sinabi ko!" Nagpatiuna ako sa paglalakad na parang nagdadabog, busangot pa ang aking mukha.

Kairita! Nabibingi na yata ang lalaking 'to. Kung wala lang sana siyang mga kalmot sa mukha niya, hindi talaga ako magdadalawang-isip na saktan siya ulit.

Sumisipol-sipol lang ang katabi ko habang papunta ako sa silid ko. Ayaw ko talaga siyang pagtuonan pa ng pansin, baka kasi akala niya may gusto ako sa kanya. Para nga siyang aso ngayon na buntot lang nang buntot sa kanyang amo.

Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad para iwanan si Vinnian. Pero nang malapit-lapit na ako sa silid ko, bigla niya na lamang niyang hinablot ang aking braso.

His grasp is not too tight but it is enough to stop me from leaving him. Nilingon ko siya gamit ang nakakunot kong noo at nakataas na kilay. Ginawaran niya lang ako ng malamig na titig kaya nainip ako.

"Ano ba'ng kailangan mo, Vinnian?" I bit my lip to keep myself calm.

Bumuga siya ng hangin kasabay ng pagturo sa mukha niyang may galos. "Take me to the infirmary, Scyther," he commanded.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa ng pagak. "Why would I even do that? Excuse me, you're not a King for me to follow your orders."

Nagtiim-bagang siya at umigting pa ang kanyang panga. Ginawaran niya ako ng malamig at masamang titig kaya dumagundong na naman ang kaba sa aking dibdib.

"You're asking me why?" he scowled. "Have you seen my face? I look like I've gone into some fucking cat fights!"

Inirapan ko siya. "Oo na, tangina! Ikaw din naman ang may kasalanan kaya ka nagkagan'yan!"

Vinnian just chuckled at what I said like it's just a mere joke. Napatulala naman ako saglit habang nakatitig sa kanya. Gagong 'to, kahit pagtawa, guwapo pa rin. Kahit marami ng kalmot at galos sa mukha at braso, guwapo pa rin! Wala bang hustisya d'yan?

Inismiran ko siya. "Let's just go. Stop laughing, you look like a mad man!"

Nagpatiuna ulit ako sa paglalakad pero tumaas ang kilay ko nang wala pa rin siya sa tabi ko. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakatayo lang siya sa pwesto namin kanina habang nakatitig sa 'kin ng diretso.

Naglakad ulit ako pabalik sa kanya at saka tinaasan siya ng kilay. "Ano na naman ba'ng problema mo?"

His lips protruded and made his eyes look like those of a puppy. "I can't walk, babe..."

Kumulo ang dugo sa ulo ko at nagsiabot ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Hindi ko naman siya binalian ng buto kaya bakit hindi na siya marunong maglakad? At babe? Babe na naman?!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Tatawag na lang ako ng 911 kung nahihirapan ka ng maglakad. Okay na ba 'yon?"

Mabilis siyang umiling at mas lalo pang nagpa-cute. Putangina! Pinaikot ko ang mata sa ere at binigyan siya ng walang ganang titig.

Inangat niya naman ang kanyang kaliwang braso. Siguro para maalalayan ko siyang maglakad. "Just infirmary, babe, I want to rest."

I scowled at him. "Hindi mo 'ko babe!"

Amore #2: Withered Epitome of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon