Kabanata 27
Multo
"Jo, ikaw na bahalang magligpit nito."
Dinala ko na ang tray na may pagkain ni mama. Katatapos ko lang magluto ng tanghalian namin. Niluto ko ang paboritong Sinigang na Hipon ni mama. Nasa kwarto lang siya at hindi kami kinakausap. Umakyat ako sa second floor at inilapag muna ang tray sa mahabang table na malapit sa kwarto nina mama. Kumatok ako bago pumasok.
Nakahiga lang si mama sa kama at nakatalikod sa akin. Isinara ko ang pintuan ng kwarto.
"Ma, kain ka na po.. Niluto ko yung paborito mo." Inilapag ko sa bedside table ang tray at umupo sa tabi niya. Niyakap ko siya at tinapik-tapik sa braso.
"Ma, bawal kang magpagutom. Kain ka na ma, please." Humalik ako sa pisngi ni mama. "Lalamig na yung sabaw, ma."
Maya-maya ay bumangon na rin si mama at malungkot akong tinignan. Hindi na namumugto ang mga mata niya, pero kitang-kita ko ang sakit. Tahimik lang siyang kumain ng niluto ko. Umaasa akong magsasalita siya, pero hindi parin. Lumabas na ako sa kwarto nang matapos siyang kumain.
Naabutan ko naman sina Marlon at Arjon na nakaupo na sa hapag. Si Marlon ay pinsan namin, anak ng kapatid ni mama, si Tita Nanet. Nagja-Japan kasi si Tita Nanet kaya dito nakatira si Marlon.
"Kumain si mama?" Tanong ni Arjon.
"Oo, kaso hindi niya ubos." Umupo na rin ako at nagdasal kami bago kumain.
Isang linggo na rin ang nakalipas. Ginawa namin ang lahat para mapasaya si mama. Alam kong hindi agad-agad 'yon, kaya naman lagi lang kaming nakaantabay para sa kanya.
Nagpaalam na maglalaro ng basketball sina Arjon at Marlon kaya pinayagan ko naman. Ako naman ay nagligpit at naglinis lang dito sa ibaba. Bumawi rin ako ng tulog dito sa sofa. Madilim na nang magising ako. Agad ako g bumangon at nabigla ang ulo ko kaya sumakit.
"Ano ba 'to, hindi ako ginising," bulong ko sa sarili habang naririnig ang patugtog nina Arjon at Marlon sa labas.
Pumumta ako sa kusina para uminom ng tubig at umakyat para tignan si mama. Nagulat ako nang makitang wala siya doon. Kaya naman bumaba ulit ako para hanapin si mama. Lumabas ako at umikot papunta sa likod ng bahay kung saan may tambayan doon.
"Arjon, nakita mo ba si mama?" Kinamot ko ang kaliwang balikat ko nang makaramdam ng kati dito. Ngunit walang sumagot. Naglakad ako papunta sa may isa pang tambayan na malapit sa maliit na garden namin.
"Arjon—" nanlaki ang mga mata ko nang makita si mama na tumatawa. Kasama nila si Eli! What the fuck?
"Ashley! Gising ka na pala!" Masigla ang boses ni mama na ikinapagtaka ko. Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ni Eli ang tingin ko.
"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
"Ashley, ano ka ba? Bisita natin 'to!" Ani mama at pinalapit ako sa kanila. Ang dalawang binata naman ay nakatingin lang kay Elijah. Tss. Ngayon lang ba sila nakakita ng isang magandang nilalang? Nasampal ko ang sarili sa isipan.
Tinignan ko ang lamesa at nakitang may mga baked cookies doon na gawa ni mama. Yung chewy chocolate chip cookies! Mukhang bagong luto pa!
"Hindi mo naman sinabing may boypren ka na pala," ngumuso saglit si mama sa akin. "Ang bait naman pala nito ni Elijah."
Hindi makapaniwalang tinignan ko si Eli na katabi ni mama. Anong ginawa nito at napangiti agad si mama? Alam ba niyang hirap akong pangitiin ang nanay ko, tapos siya ay sumulpot lang, tumawa agad? Jusmeyo! At paano naman niya nalaman na dito kami nakatira?

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...