KABANATA 33

10 3 0
                                    

“Subalit kahit nais nilang pakasalan ka ay mas gusto kong pakasalan si Jaoquin.” napangiti si Constantina at biglaang niyakap ang Ginoong nasa harapan niya. Ngayo’y nasa isip ni Constantina na magpanggap na susunod siya sa nais ng mga kapatid.

Hinayaan lamang ni Juan si Constantina sa matagal nitong pagyakap sa kanya. Ang ulo nito ay nakasandal sa kanyang balikat at unti unti niyang nararamdaman ang pagkabasa ng kanyang damit.

Umiiyak siya. Umiiyak si Constantina.

“Hmmm kung ika’y napapagod na ay maaari kitang ihatid sa silid na aming inihanda para sa iyo.” biglang kumawala si Corazon at pinahid ang mga luha.

Napatitig si Juan sa mukha ng Binibini. Ang nakikita niya ay ibang katauhan.

“Ako si Zonya dela Concepcion, ang ikatlong katauhan ni Corazon.” pagpapakilala nito.

Hindi makapagsalita si Juan. Ang mukha ng Binibining ito ay ang nakita niya noon sa Ilog ng Kataksilan.

“Ipagpaumanhin mong naiyak ako sa iyong balikat. Hindi ko nais na gawin iyon subalit hindi ko napigilan.”

“Ika’y may karapatang umiyak sa aking balikat Binibini.” dahan dahang napahawak si Juan sa kamay ni Zonya subalit umaatras ito na ipinagtataka niya.

“Wala akong karapatan. Ikaw ay umiibig sa isa sa amin, habang iniibig ka lamang ni Rasilita. Si Corazon ay humahanga kay Ginoong Jaoquin kahit na nakagawa ito ng masama sa kanya.” napayuko si Juan sa narinig. Alam niya iyon subalit ang kanyang nararamdaman ay iba.

“Kung gayun ay sino ang iyong iniibig Binibini?” napalulon nang sunod sunod si Zonya.

“Ipagpaumanhin mo Ginoo subalit hindi mo na dapat malaman kung sino man ang nais kong maging kabiyak ng aking puso.” napabuntong hininga si Juan.

“Maaari mo ba akong bigyan ng pagkakataong makilala ka?” napatitig si Zonya sa mukha ng kinakausap. Hindi niya ito mapaikot sa kanyang mga palad. Ang nais niyang sabihin kanina pa ay hindi niya gusto ang Ginoo subalit…

“Hindi. Ang nais ko ay hayaan mo sana akong umibig sa iba. Hayaan mo akong hiramin ang katawan ng iyong magiging asawa.” napangiti si Juan at agad nahimas ang buhok ni Zonya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

“Kung iyon ang makapapanatag ng iyong kalooban ay pagbibigyan kita. Subalit sana’y iyong maintindihan na kahit na sinuman ang lumabas na katauhan sa katawang ito ay mahal ko.” kumawala agad si Zonya. Hindi niya alam kung saan naggaling ang init na kanyang naramdaman sa kanyang mga tenga.

Agad siyang napatalikod at napangiti ng lumingong muli.

“Hindi ba magagalit ang iyong ina at nakatatandang kapatid sa kasulatang ating ginawa?” malaki laki ang boses nito kaya napangiti si Juan.

“Hindi ito ang panahon upang ika’y ngumiti.” napaseryoso ng mukha si Juan. Alam niyang ito si Rasilita.

“Sila’y kakausapin ni ama mamayang gabi, mahal ko.” biglang kumawala ang mga ngiting nanunukso sa mga labi ni Juan at ang biloy nito ay ganun rin.
Biglang nanigas si Rasilita sa narinig. Subalit alam niyang hindi ito ang oras ng kanyang pag-ibig. Pagkakataon ito upang ipaghingante ang kanyang ama at ina.

Agad siyang napatalikod sa kirot na naramdaman ng maalala ang ina at ama. Hindi niya ito nasilayan sa huling pagkakataon at sa burol nito’y hindi rin siya nakapunta.

Kumalma siya ng may biglang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Napailing-iling si Rasilita at hindi niya nais na maging mahina. Mula sa likuran niya ay dahan dahang niyakap ng mga kamay ni Juan ang malungkot na siya.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon