KABANATA 36

10 2 0
                                    

“NASAAN SI MARITES AT ANITA!?!!!” umalingawngaw ang malaking sigaw ni Rasilita sa daang iyon na siyang ikinalingon ng gulat na gulat na si Felimon at siyang ikinaripas ni Juan takbo pabalik sa pinanggalingan ng sigaw.

Napaatras si Felimon nang makita ang naniningkit na mga mata ng Binibining kanina lang ay umiiyak. Agad kwenilyuhan ni Rasilita ang Ginoong kaharap.

“Nasaan!?” napayuko si Felimon dahil hindi siya makapagsalita. Tila’y kakaiba ang kanyang Binibini subalit wala pa rin siyang masabi sapagkat hiyang hiya siya sa kanyang mga kasalanan.

“Rasilita..” biglang napahawak si Juan sa braso nito na hinihingal pa.

Hindi natinag si Rasilita at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Felimon. Ngayo’y lumiwanag na hindi dahil sa buwan kundi nag-uumaga na.

Nanlaki ang mga mata ni Felimon sa narinig na pangalan.

“Oo, ako si Rasilita dela Concepcion at ang iyong nakausap kani kanina lamang ay isa sa aking mga kapatid. Kaya sagutin mo ako Felimon, nasaan si Marites!” nanginig ang mga tuhod ni Felimon na tila yata nawalan siya ng lakas sa mga narinig.

Sa iisang katawan? Magkahati ang mga magkakapatid sa iisang katawan.

“Tama na Rasilita. Hindi makabubuting makita tayo sa hacienda de Labrador…”

“Tumahimik ka.. hindi mo alam kung gaano ka mahalagang makita ko si Marites!” namumuo ang mga luha ni Rasilita nang maalala ang mukha ng mga anak nang ito’y umalis sa kanilang mansion.

Biglang napaluhod si Felimon sa harapan ni Rasilita kung kaya napaatras siya. Ngayo’y alam niyang magsasalita ito.

“Ipagpatawad ninyo ako Binibini subalit si Marites…” ibinaba nito ang ulo na tila yata may ginawang napakasama kay Marites.

Ang mga salitang iyon ay parang batong ibinato sa ulo ni Rasilita na siyang hindi niya kaya.

“WALA AKONG PAKIALAM SA KUNG ANO MAN ANG NANGYARI KAY MARITES! NASAAN ANG AMING ANAK NI RASILITA? NASAAN SI JUANCHO, NASAAN SI JUANA!?” nabitawan ni Juan ang braso ng bagong katauhang si Constantina.

Sinong Juancho? Sinong Juana? Pareho ang nasa isipan nina Felimon at Juan subalit hindi nila matanong ang galit na galit na si Constantina.

“Mamatay ka na sana. Maling maling inibig ka ni Zonya, wala kang naitutulong sa aming magkakapatid.” napatingin si Felimon sa mukha ng kanyang Binibini. Ngayo’y iniisip niya kung nababaliw na ba ito.

Napatingin si Constantina sa gulat na gulat na si Juan. Agad siyang napalibot ng tingin at nang mabatid na nasa ibang hacienda siya ay agad niyang kinaladkad si Juan papalayo.

“Bakit mo ba ako dinala sa hacienda ng mga de Labrador? Nahihibang ka na ba?!” naiiretang tanong ni Constantina habang nasa likuran niya si Juan na walang imik habang tumatakbo.


*******



Kanina pa nagpalibot libot ng silid si Juan na hindi maintindihan ang mga binigkas ni Constantina kanina. Kanyang naalala ang huling pagkikita nila ni Marites, may dala itong dalawang bata na sinasabi niyang anak niya.

Kanina niya pa kinakagat ang kanyang hintuturo na para bang hindi siya mapakali.

“Kaninong anak ang mga batang itinatakas ni Marites sa bayang ito? Kanino?” biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon at iniluwa ang ikalawang kapatid ni Juan na si Gregorio.

“Hinahanap ka ni ama… Bakit tila ay hindi ka mapakali?” agad napansin ni Gregorio ang ikinikilos ng bunsong kapatid. Agad itong tumingin tingin sa labas at sinarhan ang silid na siyang ipinagtataka ni Gregorio.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon