KABANATA 39

11 2 0
                                    

“Ika’y tumayo na riyan. Nais ko lamang sabihin na…..” naningkit ang mga mata ni Corazon.

“MAMATAY KA NA!” sigaw ni Rasilita sabay hampas ng kanyang kamay sa ulo ng nakayukong si Jaoquin.

Bago paman tuluyang mahampas ni Rasilita ang kanyang kamay ay nakuha na ito ni Felimon.

“Señior kayo po ay tumayo na.” madiin ang pagkakahawak ni Felimon sa kamay ni Rasilita. Bigla siyang pumikit at sa kanyang pagmulat ay nabitawan siya ni Felimon.

Ang pusong iisa ang itinitibok. Ang pusong kilala ang irog niya.

Tumayo naman si Jaoquin at nakangiting sumakay sa kanyang kalesa. Alam ni Zonya na nagbabalat kayo ito upang maawa ang mga tao sa kanya.

“Napakabait ng susunod na Gobernadorcillo ng ating bayan.” kahit malayo ay narinig iyon ni Jaoquin at napapangiti bago ito tuluyang nilisan ang baliw na dela Concepcion.

Sa hapong iyon ay nagpalakad lakad lamang ang baliw na si Corazon. Nagugutom siya subalit wala siyang kilalang makabibigay sa kanya ng pagkain. Kailangan niyang makapunta sa lihim na silid ng mga de San Antonio kung saan ginawa ni Constantina ang hindi niya dapat ginawa.

Madilim na ang daang tinatahak ng matapang na si Constantina. Wala siyang pakiaalam sa sakit ng kanyang paa at sa tumutunog na tiyan. Kanya lamang iniisip ang mga ngiti at mukha ni Jaoquin kanina.

“Tunay nga siyang demonyo.” ngumiti si Constantina na para bang nagugustuhan niya ang pagkamasama ni Jaoquin.

Napaupo siya ng biglang manakit ang kanyang tuhod at kalamnan. Napapikit at alam niyang si Rasilita ang papalit sa kanya dahil sa malakas din ito.

Sa kanyang pagmulat ay agad na tumayo si Rasilita at naglakad ulit. Mula sa madilim na daan ay naaninag niya ang tumatakbong Ginoong alam niyang sa kanya papunta.

Ang tunog ng insekto ang siyang nagsilbing tugtug sa bawat malaking hakbang ng Ginoo at ang alitaptap sa likod nito ang tumatanglaw sa kanyang daan. Napangiti si Rasilita.

Ang kulog ng kalangitan ay siyang kidlat ng kanyang nararamdaman. Ang kidlat na nagliwanag sa kaulapan ay siyang liwanag sa mga matang singkit ni Rasilita.

“BAKIT NGAYON KA LAMANG? AKALA KO BA’Y BABALIK KA BAGO MAG AALA SAIS NG GABI!?” galit na sigaw ni Juan habang habol ang paghinga at nakapambewang. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala na palaging nakikita ni Rasilita sa mukha ng pumayapang ama.

“HINDI KA NA LALABAS NG MANSION HANGGANG HINDI KO SINASABI!” dagdag pa ni Juan. Napangiting umiiyak si Rasilita. Itong pakiramdam na ito ang nais niyang maramdaman mula sa ina. Hindi niya alam kung bakit subalit ang tibok ng kanyang puso ay sumasabay sa pagkahingal ni Juan.

Alam niyang hindi siya maiintindihan ni Corazon, hindi magugustuhan ni Constantina at hindi tatanggapin ni Zonya ang kanyang gagawing kailanma’y hindi niya naisipang gawin. Ang kaaya-aya at may prinsipyong si Rasilita ay biglang yumakap sa nakapambewang at galit na si Juan. Mahigpit na mahigpit at isinubsub ang kanyang mukha sa matigas na dibdib ng Ginoong alam niyang ligtas siya.

Napabuntong hininga si Juan. Kanyang hinimas ang likod ni Rasilita at pilit nagpakakatag para sa Binibining ayaw niyang malagay sa panganib.

“Kaya sinabi ko sa iyong huwag kang magpapagabi sa daan dahil ako’y mag-aalala.” ngayo’y kalmado na si Juan subalit hindi pa rin kumakawala si Rasilita sa pagkakalubid ng kanyang mga kamay sa bewang ng Ginoo.

“Tayo’y malapit na sa dulo.” mahinang wika ni Rasilita at tumingala sa mukha ni Juan.

Madilim subalit alam niyang nakatingin rin si Juan sa kanya. Isang malambot na labi ang dumampi sa noo ni Rasilita. Kagaya ng huling halik ni Juan noong gabi sa isang silid.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon