KABANATA 40

12 2 0
                                    

“Tayo’y pumasok sa bunganga ng kamatayan.” wika ni Juan at nagbukas ang ilang pintuan sa silid na ito at lumubas ang di mabilang na guwardiyang may dalang mahahabang baril na nakatutok sa buong pamilyang de San Antonio.

“Ang pamilyang de Labrador ay inaatasang mamatay sa wika ni Don Lucio.” madiing sabi ni Felimon sabay tutok ng kanyang fistula sa ulo ni Juan.

Matapang na nakatingin si Don Ignacio sa pinuno ng mga guwardiya. Walang bakas na takot sa mukha ni Juan. Subalit hindi ng kanilang kasama.

“Sa aking bilang, magsimulang magpaputok!” sigaw ni Felimon kaya pumikit si Amanda. Napatingin si Miguel kay Cuerva. Habang napasubsub si Doña Caridad sa bisig ng asawa.  Ang kamatayan ay nasa pintuan na upang sunduin ang pamilayang de San Antonio.

Kinasa ang baril na mahahaba senyales na sa isang kalabit na lamang ay kakalat ang dugo at babaon ang mga bala sa katawan ng mga de San Antonio.

“Nasaan si Lucio?!” sigaw ni Don Ignacio subalit hindi kumukurap ang mga guwardiyang nakatutok sa kanila.

“ISA!” ang lahat ay naghanda. Ang ilang guwardiya ay napaluhod sa harapan ng ibang guwardoya na tila yata ang papaslangin nila’y lalaban sa kanila.

“Ano ang aming kasalanan upang kami ay maparusahan?!” umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Amanda sa mansion ng mga de Labrador. Napalibot ang mga mata ng mga Principales sa kanilang silid. Itinaas ni Don Lucio ang kanyang kanang kamay simbolong wala dapat silang ikabahala.

“DALAWA!” sa pagsigaw niyon ni Felimon ay hindi napigilan ni Cuerva ang lumuhod sa harap ng kanyang asawang si Miguel. Ngumiti ito na tila yata nagpapaalam.

“Ipagpatawad mong hindi kita minahal noong una. Ipagpatawad mong naging ilang akong asawa. Ipagpatawad mong…” napahawak si Cuerva sa kanyang tiyan sabay tulo ng kanyang mga luha na siyang ikinaiyak ng matapang na si Miguel.

“na hindi natin mapoprotektahan ang ating anak.” ang mga salitang iyon ay tila yata sandata na tumusok sa puso ni Felimon. Imbes na sumigaw ng tatlo ay nanigas siya.

“Pinuno!” sigaw ng isang guwardiya na handa nang magpaputok. Kanina pang naghihintay si Don Lucio sa putukang magaganap. Titig na titig siya sa mesa ganoon na rin ang pagkabahala ni Jaoquin na siyang katabi niya.

“Pupuntahan ko po ba ama?” wika nito subalit napailing iling siya. Ayaw niyang madumihan ang kamay ng susunod na Gobernadorcillo ng bayan nila.

“TA..” nahinto si Felimon nang biglang lumapit si Juan sa kanyang fistula at itinutok ito sa kanyang noo na para bang handa na ito sa kanyang kamatayan.

“Nais kong mauna.” wika ni Juan sa harap ng nanginginig na pinuno ng mga guwardiya. Napailing iling si Felimon na tila yata may hinihintay. Sa kanilang titigan ay may nabasa si Juan. Iisa ang nasa isip nila. Si Corazon.

Ngayo’y mamamatay silang lahat kapag hindi dumating ang kung sino mang tinutukoy ni Felimon.

“Nais kong ibaba ninyong lahat ang inyong mga baril.” wika ni Juan na hindi natatakot sa kamatayan.

Napatingin tingin si Felimon sa paligid subalit walang gumalaw sa kanyang mga tauhan. Alam niyang kay Don Lucio lamang ito susunod kaya kung kamatayan ang kabayaran ng lahat ng kanyang kasalanan ay ngayon niya ito tatanggapin.

Dahan dahang ibinaba ni Felimon ang kanyang fistula na siyang ikinagulat ng kanyang mga kasamang guwardiya.

“PINUNO!” halos magsabay ang dalawang guwardiya sa pagkakasigaw nito. Napangiti si Felimon sa kanila. Sa ngiting iyon ay mas naghigpit ang pagkakahawak ng mga guwardiya sa kanilang mahahabang baril.

CoRaZonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon