Chapter 25

1.6K 64 7
                                    

*Continuation...

Patay ako nito, tinignan ko naman si tanch ang sama ng tingin nya sakin isang maling sabi ko lang malilintikan na talaga ako dito.

Oh, may girlfriend kana pala sayang naman mas bagay tayo ea. Sabay kindat sakin

Nasisiraan naba ng bait tong babaing to? Ako ang kinakabahan sa mga pinagsasasabi nya ea. Sinulyapan ko namang muli si tanch hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang galit at selos nya. Patay na talaga ako nito, pwede bang umuwi nalang? Kinakabahan nako sa mga nangyayari ea.

Ah, sorry mas bagay kase kami ng GIRLFRIEND ko ea. Sabay hawak sa kamay ni tanch.

Diniinan ko talaga yung pagkasabi ko ng girlfriend nagbabakasakaling mahiya tong babaing kaharap namin.

Wow, nasayo talaga yung mga gusto ko sa isang babae, type na type talaga kita. By the way I'm cheska ramirez, eto nga pala ang number ko tawagan mo nalang ako paggusto mo gumimik. Maiwan kona kayo, bye babe. Sabay kindat sakin

Ang kapal talaga ng mukha neto excuse me di kita type no, tsaka ano nga ulit yung tawag nya sakin babe? Eww, mas gusto kopa yung love ea. Nilapag naman nya yung calling card nya sa mesa namin, tss anong gagawin ko dito? Ea nasa harap lang ng bahay ko yung taong gusto kong makasama sa lahat ng gimik na pupuntahan ko.

Tinignan ko naman si tanch halata mo sa kanyang nagpipigil lang sya ng galit nya, nalintikan na talaga ako neto.

Akin na yan sarah. Cold na sabi nito

Agad ko namang ibinigay yung calling card nung cheska ba yon? Nakakatakot talaga kase si tanch huhu, help me rein please. Pagkaabot ko ng calling card kay tanch agad naman nya itong pinunit kitang kita mo sa pagpunit nya yung galit, inis at pagseselos nya. Nakakatakot talaga sya, kasalanan to nung babaing yon ea huhu.

Sino yon ha? Galit na sabi ni tanch

A-ah...

Huyy tanch ano kaba, kumalma ka nga muna walang ginagawa si Sarah trust me yung babaing yon ang lumapit samin. Behave naman si sarah pagnagloko yan ako mismo makakalaban nya.

Pilit na pinapakalma ni rein si tanch mukhang effective naman ito. Tsaka totoo naman yung sinabi ni rein ea behave kaya ako bigla bigla lang talaga sumusulpot yung babaing yon. Tumingin tingin muna ako sa paligid natatakot ako sa tingin ni tanch, ano ba yan dapat sya matakot sakin ea. Medyo naiilang ako sa mga tao dito, kanina pa sila tingin ng tingin sakin pero wala akong pake naiinis lang ako sa mga tumitingin kay tanch arghh! Sino ba nagsabing pwede nila tignan ng ganyan si tanch? Tss. Lumapit naman ako kaagad kay tanch saka sya niyakap ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko pero gusto ko lang syang lambingin para mawala ang inis nya.

Oh, bakit moko niyakap? Inis na sabi ni tanch

Ahm? Sorry, hindi ko naman talaga alam na may lalapit sakin ea.

Ehem ehem excuse me may kasama kayo dito oh, respeto naman sa mga single.

Kumawala nako sa pagkakayakap ko kay tanch, feel ko kase humupa na ang galit nya.

Mamaya na nga kayo mag away jan madami pa kayong dapat ikwento sakin. -rein

Hinayaan ko nalang si tanch na magkwento ng lahat lahat. 3 hours din ang itinagal namin sa pagkwekwentuhan kaya naman nagpaalam na si rein na mauuna na daw sya. Maaga pa daw kase sya papasok bukas, nagpaiwan naman kaming dalawa dito ni tanch gusto pa daw nya kase magrelax pa.

Ahh tanch magcr lang ako ah, babalik ako agad. Pagpapaalam ko

Sure love hintayin kita dito.

Unconditional loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon