---(4:30 am, Monday, March 23, 2019)
Tumunog na ang alarm clock ni Yesha. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata, sumilay ang ngiti sa labi sa kaisipang nasilayan niya namang muli ang panibagong araw sa buhay niya.
Pagkatapos manalangin ay pumasok na siya sa banyo upang maghanda sa pagpasok. Final exam week na, kaya't siguradong magiging busy ang lahat sa paghahanda at pag-aaral. Summer na sa susunod na linggo, tiyak na marami ang excited ngunit para kay Yesha ay ordinaryong panahon lamang ito. Ordinaryong panahon kung saan araw-araw niyang dinadalangin na sana'y maramdaman ang pagmamahal ng pamilya at muling makasama ang kuya.
"GOOD morning, class! Simula na ng final exam week ninyo. Nakahanda na ba kayo?" nakangiting ani ng guro pagkapasok niya room.
Agad naman nag-ingay ang lahat upang ipaalam ang iba't ibang hinaing. Habang si Yesha naman ay tahimik lang sa katabi nitong si Kate na pangiti-ngiti lang habang hawak-hawak ang librong inaaral.
Ilang sandali lang ang lumipas at nagsimula na ang exam. Lahat kabado, bagaman ay excited sapagkat sa susunod na linggo, pagkatapos ng moving up ceremony ay summer na.
"WAHHH! natapos rin. Grabi ang hirap" Tumayo si Kate saka tinitigan si Yessa na nagliligpit pa lang ng gamit.
"May apat na araw pa, Kate."
"Ano 'to, Yessa? Ba't may pasa ka?" nagtatakang tanong ni Kate habang hawak ang kaniyang kamay at hinitigan ang braso nito.
Nagtatakang namang napatingin si Yesha sa brasong hawak ng kaibigan.
"Ha? Ah... Ewan, na bangga ko siguro. 'Di ko lang maalala." Nakakunot noo nitong tugon dahil nakapagtatakang nagkapasa siya ganoong hindi niya maalala kung saan niya ito nakuha."Yesha, Kate!" Napalingon ang dalawa sa kung saan nagmula ang boses.
"Yes? Bakit, Josh?" Nakangiting sagot ni Kate habang si Yesha naman ay tamihik lamang.
"Hindi pa natin gagawin 'yong ng final requirement natin? 'yong gagawa tayo ng dream workplace using popsicles? Sa friday na pasahan n'on eh," saad niya habang nakapangalumbaba.
Natigilan si Yesha sa narinig. "Oo nga pala, lagot. Hindi ako nakapagpaaalam."
"Hay nako, simulan nalang natin ngayon para kunti nalang gagawin natin sa susunod at para makapag-aral pa tayo sa susunod nating exam." Tumayo si Kate at sinabit ang bag kaniyang likod saka hinila patayo si Yesha, si Josh naman ay nakasunod lang.
Sa school library ang tungo ng tatlo, dumaan muna sila sa canteen para bumili ng maiinom.
"Ahmm.. kayo nalang Kate, Josh, hindi naman ako nauuhaw eh," nahihiyang ani Yesha.
Napalingon naman si Josh ng nakakunot ang noo. "Ha? Sa hirap ng exam natin hindi ka man lang nauuhaw or nagugutom man lang?"
Taimtim siyang titigan ni Kate, "Halika ka nga," sabi nito saka siya hinila patungo sa canteen. Maaga pa lang ngunit kunti lang ang tao sa canteen dahil maaga ring nagsi-uwian ang mga studyante para makapag-aral sa susunod na exam. "Two kalaminsi juice and two sandwich, please." Inabot niya ang bayad saka ibinigay ang isang sandwich at juice kay Yesha.
"Ni libre mo siya, Kate? Wow, cool! Ako rin naman, ang unfair mo ah!" Pagbibiro nito.
Natawa naman ito. "Ano ka ba! Ang yaman-yaman mo eh, nagpapalibre ka."
"Mayaman rin naman si Yesha, ahh." Nagtatakang binalingan siya nito.
Napayuko nalang siya upang maiwasan ang titig ng huli. Ang alam ng lahat ay mapera siya. Totoong mayaman ang pamilya niya, ngunit simula noong umalis ang kaniyang kuya ay hindi na siya nakatanggap ng pera para sa allowance niya. Ang perang bigay ay tama lamang sa kaniyang gastusin sa paaralan. Swerte nalang kung may matitira pa para sa personal niyang kakailanganin kaya madalas ay nililibre lang siya ni Kate, at lingid iyon sa kaalaman ng lahat.
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Teen FictionYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...