One

333 33 7
                                    

Ang sabi nila, posibleng maka-hanap ka ng taong mamahalin mo sa social media. Hindi ko gets nung una, pero nung dumating ka, naintindihan ko na.


Posible nga bang mahanap mo ang taong tulad niya sa social media?


Palaki na nang palaki ang kaso ng CoVid sa bansa, hindi ko na nga maintindihan kung inuuna pa ba nila ang pandemya o hinahayaan na lang nilang mamatay ang kapwa nila.


'Pre, punta kayo dito.' Sabi ko habang tinatawagan sila dahil halos sa kabilang kanto lang sila.



'Kung pwede lang baka noon pa diyan na 'ko tumira.' Sabay nito ang buntong hininga niya.


Ang hirap ng ganitong sitwasiyon, wala kang mapag-labasan ng problema. Nandiyan ang pamilya ngunit hindi mo naka-lakihan ang mag-labas sa kanila ng problema dahil masayahin ka, wala ang tropa dahil sa mga nangyayari, at higit sa lahat wala kang jowa na pwede mong masabihan ng problema kapag inaatake ka.


Lahat na nga ata ng kaibigan ko sa Facebook na-chat ko na nang 'hi', sa Twitter naman ay puro gwapo at magaganda, habang sa Instagram ay kanya-kanyang flex ng ginagawa nila ngayong Quarantine.


Kinuha ko ang aking laptop, nag-isip kung ano ang pwedeng pagka-abalahan ngayong pandemya.


"Do what you love and what you want. Escape the world."


Hindi naalis sa aking isipan ang sinabi niyang iyon, bago ako matulog ay pumasok sa aking isip na bumalik kaya ako sa pagsu-sulat. Tumigil ako sa pagsu-sulat noong bata pa ako dahil marami pa akong ibang pwedeng gawin, ngunit ngayon na parang nauubusan na ako ay naisipan kong bumalik.



Gumawa ako ng isa pang account sa Twitter, nabasa ko kasi na mas maraming tumatangkilik ng Social Media Seryes kung tawagin nila siguro ay dahil hindi ito ganoon ka-haba at talagang hindi ka tatamaring basahin.


'Uy support niyo Social Media Serye ko ah.' Sabi ko sa kanila habang nag-video call kami dahil miss na naming ang bawat isa.


Napansin kong may nakaka-pansin na nang aking gawa, hanggang sa naligaw na ako sa tinatawag nilang Stan Account. Kung saan nandito ang mga taong nagi-i stan kung tawagin sa kanilang iniidolo, ang buong akala ko'y sa K-Pop lang ito nangyayari, meron din pala sa kapwa natin.


Naging masaya ako dito, at nakalimutan ang totoong mundo.


Hi, I'm Katherine. Kath for short.


Nagulat ako ng mabasa iyon habang kumakain dahil hindi ako sanay na may formal na nag-dm sa akin. Agad koi tong ni-replyan.


Hi, I'm Juan Connorado. Juancho na lang.


Gusto mo ba nang lomi?


Ha?


Lomigaya sa buhay ko?


Halos matawa ako sa sinabi niya kaya hindi siya na-replyan agad, nag-tuloy an gaming pag-uusap . Mula umaga hanggang gabi ay tutok ako sa aking social media dahil hindi siya kayang iwan ng mag-isa.


Sending playlist.


Nagulat ako sa sinned niya at agad ko itong binuksan.


Hi, Juancho.

Crush Kita

Kaso

Hindi Ko Alam

Kung Paano

Koh

Sasabihin

Sa'yo

QuaranFling [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon