Hanggang Kailan? (ONE-SHOT)

53 0 0
                                    

Heto ako ngayon. Nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi na lang akong, nadarapa ngunit heto bumabangon pa rin! Chos lang. 

Kasalukuyan kong inii-stalk ang Facebook profile ng ONE AND ONLY ko. Mahal ko siya? OO, Matagal na. Simula bata pa kami, crush ko na siya. 

Naalala ko pa noon, ako'y inosente pa lamang habang siya'y gurang na. HAHAHAHA. 

Bago pala ang lahat ng to, ako nga pala si Ezra Jimenez,14 taong gulang at 3rd year high school. Sabihin niyo ng malandi, pero nagmamahal na ako kahit ganito pa lang ang edad ko.

Simula bata pa lang kami, gusto ko na siya. Walang iba kundi ang kababata ko. Si Angelo Ramos. 6 years ang tanda niya sa akin. Magkapitbahay lang kami, kaya noong mga bata pa lang kami palagi kaming naglalaro at nagtatawanan. Childhood friend ika nga.

Noon Grade 4 ako at 3rd year highschool siya, hindi na kami nag-usap, nagkikita at naglalaro dahil naging busy kami sa mga buhay namin. 

FLASHBACK

Grade 5. Yes! Malapit na magbakasyon!! Chos, December pa lang, bakasyon agad? Agad-Agad? 

"Ezra! Ezra!" ate ko. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay namin.

"Oh, bakit ate?" 

At pumasok SILA sa bahay. Opo, SILA. Kasama ni ate ko sila Kuya Jude at Kuya Angelo, Mga childhood friends ko sila. Mag-bestfriend tong dalawag to. Mas matanda ng 1 year si Kuya Jude kaysa kay Kuya Gelo.

"Uy! Ezra, dalagang-dalaga ka na ah!" Kuya Jude nang makita ako. Grade 5 pa lang, dalaga na? AGAD-AGAD?!

"Pero di pa pwedeng ligawan yan ah?" Mama ko. LAH?! Ligaw? AGAD-AGAD?! 

"Baliw ka, Tita." Kuya Jude

"Bat nga pala kayo napadalaw sa bahay?" Mama

"Ahh, kasi si Gelo, sabi ko kasi parehas sila ng cellphone ni Ezra eh kaya ayun titignan daw niya kung totoo nga." Ate Merriam

"Nako, kung alam mo lang Merriam, gumagawa lang ng paraan yang si Gelo para makasilay kay Ezra. Hahaha!' pabulong na sabi ni Mama kay Ate pero narinig ko pa din. =___= Ge.

Busy ako nung mga panahong yun sa paggawa ng project ko kaya di ko siya pinansin habang nakatambay sila sa bahay namin.

Pero yung puso ko? Biglang tumigil sa pagtibok. Chos lang. Hahaha. Pero totoo, simula noon bumalik na yung pagkakaroon ko ng CRUSH sa kanya. Hindi ko na siya makalimutan. 4th year na siya noong panahon na iyon, at inaamin ko. OO, sobrang gwapo na niya. Matangkad, Maputi, Gwapo, Makulit at Gwapo ulit. Lahat ng hinahanap ko sa lalaki, na sakanya na.Hihihi :3

Dumating yung time na nagkatext-an kami. Pero, di niya alam na ako yung katext niya, Kinuha ko kasi sa Ate ko yung number niya. Rihanna ang pakilala ko sakanyang pangalan at Rain naman ang pakilala niya sa akin.

Bihira lang kaming magkatext. Pero, nung practice nung Foundation day namin, ang dami niyang texts sa akin. At! TUMAWAG PA SIYA! Pwede na sana akong kiligin eh, ang kaso! Late ko na nakitang tumawag na pala siya. Sayang lang yung pagkakataon. TT___TT

FAST FORWARD... XD 

 December 21, 2008. Bakasyon na namin to. XD  4 days nalang at Pasko na.  Gabi na, at busy pa din ako sa pagi-internet. Hoho. 

"Ezra, labas ka dali!!" Ate

"Ano nanamang meron?" sa isip isip ko.

"Bakit po?"

"........." Ay? NR? No Response? HAHAHA. Baka lumabas ulit si Ate. Eh sa tinatamad ako eh. Paks mows?

Maya maya...

"Ezra!! WAAAAHH! Flowers oh! Pinabibigay ni Kuya Gelo mo!!" 

O______O Ano. Shet. Kinilig ako. Gagaaaa!! TOTOO?!?! WAAAAAAAAAH! Dahil sa kilig ko, hindi ako lumabas ng bahay at kunwaring hindi ako affected. PROMISE, HAHAHA. Pero, kinikilig talaga ako eh! HUWAAAAAAAAAH! :"")

Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko na din siya nakita. Busy kasi kami sa school na eh. Tsaka syempre, pag Christmas busy din kami.

FAST FORWARD!! XD

Bakasyon na namin. Oyiiis! Grade 6 na ako next year. Lah? Excited mats? Kasalukuyan kaming nasa Court ng subdivison namin. Kasama kasi sa Liga yung boyfriend ng ate ko. At dahil bakasyon naman at wala akong kasama sa bahay, Sumama ako.XD 

Habang naghihintay. SHOCKS! Tama ba ang nakikita ko?? Si.. Si.. Si.. KUYA GELO AY NANDITO! KYAAAAAH! Shet naman oh, at papunta rin siya dito. Waaah. Omo omo! Oxygen. Ang gwapo niyaaa! >///////< 

Nag-uusap lang sila ng ate ko sa likod. Habang ako, shet. Kinikilig ako eh! HAHAHA.

Dahil sa malaki ang tenga ko.

Ay Joke.

Dahil sa malakas ang pandinig ko, nageavesdrop ako sa usapan nila.

"May gusto ka ba kay Ezra?" Ate 

"Ahhhm, ehh. Bata pa siya eh."

Sa narinig kong iyon, nadurog ang puso ko. Kemeruth! Oo, nasaktan ako. Pero, sa sinabi niya ding yon, doon ako umasa. Na one day kapag nasa tamang edad na ako magkakagusto din siya sa akin.

PRESENT TIME NA! :) 

Siguro, sa tingin niyo sobrang babaw lang ng dahilan para umasa at minahal ko siya ng ilang taon. Pinilit ko din kalimutan siya, pero... Bumabalik at bumabalik pa rin yung nararamdaman ko para sa kanya eh,

Teka nga, Facebook ulit ako baka sakaling i-accept niya na ako. Weird no? Childhood friends kami pero di kami friends sa Facebook. Snob na nga siya ngayon eh, kaya sa Facebook na lang talaga ako umaasa kung ano na ang balita sa kanya. Nag-iba na rin kasi yung number niya, Bihira ko na lang siyang makita.At si Ate Merriam, nag-asawa na. Siya lang din kasi ang ka-close ni Kuya eh. Pangatlong beses ko na nga siyang ina-add ulit eh. Ewan ko ba dun, abnormal yun eh. Pero baka busy lang. You know? Graduating na siya ng college. TT__TT

Hmp! Bahala na nga. Kaka-sign in ko lang sa Facebook. TEKA! IS IT REALLY REALLY TRUE-LY?! OMAYGAAAAS! Inaccept niya na ako sa Facebook! Pakshet. Kinikilig ako. :""">

Kaya naman, binuksan ko agad yung profile niya kahit kinikilig pa din ako!! :""> Pero... nang mga sandali ding iyon nadurog ang puso ko nang sobra-sobra. <////3

Paano ba naman kasi, naka-in a relationship na siya. At! Naka-tag pa yung babae. 

Nagstalk pa ako sa profile niya. At nalaman ko na, 3 years na sila. Legal na sila. Ang sweet nga nila eh. TT___TT Pwede na ba akong maglaslas? Hehe. Masakit kasi. Masakit. 

Bata pa lang kami, gusto ko na siya eh.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, 4 months na din nang malaman ko na may girlfriend na siya. Kunsabay diba? 4th year college na siya.  Pero, di ko pa din siya nakakalimutan. Umaasa pa din ako na, balang araw. Magiging kami din. 

Gusto ko, siya ang First ko. Sa lahat.. Na-imagine ko na ang buhay kasama siya. First Love ko siya. At sadyang ang hirap niyang kalimutan. Simula bata pa kasi ako, siya na ang unang lalaki na nagpadama sa akin kung paano maging masaya sa mga bagay na nakapaligid sayo.

Pero, sadyang hindi sumasang-ayon ang tadhana. May iba na siyang mahal. Kinalimutan  na niya ang childhood friend niya. Na lihim na nagmamahal sa kanya nang maraming taon. Sakanya ko naramdaman ang unang kilig at ang unang pagpapaganda sa tuwing pupunta sya sa bahay.

Siguro nga, bahagi lang talaga siya ng PAST ko. At hindi na madadagdagan pa. Mahal ko pa rin siya at umaasa pa rin ako sakanya pero

HANGGANG KAILAN?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan? (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon