Chapter 1

22 1 0
                                    

2nd Anniversary namin ngayon. Akalain mo tumagal kami. Maraming tao ang nagtataka kung paano naging kami. Kase nga madaldal ako habang siya tahimik. Matalino siya tapos ako sapat lang.

Marami rin ang may ayaw sa akin. Pero pinapabayaan ko lang iyon. Kase buhay ko ito hindi naman sa kanila. Sadyang pakielamera sila sa buhay ng iba bakit hindi nila pakielaman buhay nila noh.

Papunta na ako sa condo ng boyfriend ko. Syempre dala ko yung cake na pinaghirapan ko. Ako nag-bake nito at ito lang ang matinong cake na nagawa ko. Puro sunog kase yung mga nauna.

Nasa tapat na ako ng pinto ng condo ng boyfriend ko. Kinakabahan ako hahaha. Hindi ko alam kung bakit. Kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan ang pinto. Nang makapasok ako sa condo ng boyfriend ko. Bigla akong nagulat sa nakita ko..--

"Akin na nga iyan!" naiinis na sabi ko sa kaibigan kong si Hera habang kinukuha ko ang libro sa kamay niya.

Ano nang mangyayari sa bida? Sino kaya yung nakita niya sa condo ng boyfriend niya.

Baka yung dati niyang bestfriend. Grabe nakakasira ng utak.

"Yadira, May meeting kayo diba?" sabi sa akin ni Hera habang nakataas ang isa niyang kilay. Ano ba iyan! Kung kailan malapit ko nang matapos.. atsaka maaga pa eh. Kailangan ko nang matapos yung story na iyon.

Anong oras na ba? Napatingin ako sa aking relo. 3:50 PM palang naman. What?! 3:50 PM?!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" naiinis na sabi ko kay Hera.

"Ilang beses ko nang sinabi sayo. Sadyang busy ka lang sa binabasa mo," sabi ni Hera sa akin.

"Sabay tayo umuwi mamaya. Hintayin mo na lang ako sa gate," sabi ko kay Hera at nagmamadaling umalis.

Bakit kase nakalimutan ko yung tungkol doon. Lagot ako kay Leo nito. Kasalanan ko bang nagandahan ako sa story.

Habang naglalakad ako sa hallway biglang may umakbay sa akin. Kaya napatingin ako kung sino iyon.

"Late ka na naman," sabi niya habang nakaakbay sa akin.

"Atleast Late hindi nag-cutting classes," naiinis na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka sa akin pinsan. Sinaktan mo ako," sabi ng pinsan ko habang umaarte na nasasaktan.

"Layuan mo nga ako Rei. Manghihingi ka na naman ng pera sa akin," sabi ko at mahinang tinulak si Rei.

"Paano mo nalaman? Hindi ko pa nga sinasabi," sabi ni Rei.

Mas binilisan ko ang aking pag-lalakad para makarating na ako sa Writer's Club. Pero kahit bilisan ko pa naaabutan pa din ako ni Rei. Bakit kase ang laki niyang humakbang?

"Pinsan, 20 pesos lang naman hinihingi ko eh," nagmamakaawang sabi ni Rei sa akin.

"Wala akong pera ngayon Rei. Kaya layuan mo muna ako ngayon," naiinis na sabi ko at tumakbo ng napakabilis at pumasok sa room ng Writer's Club.

Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa pagod. Mabuti hindi na ako sinundan ni Rei. Nang mahimasmasan ako tumayo ako ng tuwid. Nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Kanina pa ba sila nakatingin? Nakakahiya ka talaga Yadira.

"You're 10 minutes late," galit na sabi ni Leo sa akin na naging dahilan ng tawanan ng aking mga co-writer's.

"Sinabi ko bang tawanan niyo si Yandira?" naiinis na sabi ni Leo sa mga co-writer's namin.

Ayan mga pabida kase. Papansin lang kay Leo Tsk.

"Yadira, umupo ka na," utos ni Leo sa akin.

Nagmamadali akong umupo sa aking upuan na malapit sa may basurahan.

Ito na talaga ang pwesto ko. Kase sa paningin nila basura ako.

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit nandito kayo ngayon. Dahil malapit na ang foundation day. Napagpasyahan namin ng mga officers na gumawa ng kakaiba," sabi ni Leo habang nakatayo sa harapan.

May isinulat si Leo sa board na naging sanhi ng pagkagulat ng lahat.

Writer's Club x Animator's Club

Nag-simula ang mga bulungan. Kahit ako ay nagtataka. Bakit kami makikipag-collab sa mga animator's?

"Anong binabalak ni Pres. Leo?"

"Ano na naman ang gagawin natin this foundation day?"

"Mukhang kakaiba nga ang gagawin natin,"

"Alam kong nag-tataka na kayo. We will create a short anime story," seryosong pagkakasabi ni Leo.

Halos lahat ay biglang napatahimik. Tama ba yung narinig ko? Anime? Short Anime story? Hindi ako makapaniwala.

"Alam kong nagulat kayo sa sinabi ko. Gusto ko kase na maging exciting this year. Alam niyo naman ang nangyari sa atin last year," sabi ni Leo.

Biglang may nag-taas ng kamay. Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Mahirap gumawa ng short story at animation pa," sabi ni Claire.

"Oo nga,"

"Matatapos ba nila iyon?"

"Madali lang iyon sa kanila. Kaya dapat tapos niyo na ang story na napag-usapan ninyo," sabi ni Leo.

Nakakabilib ang naisip nila Leo. Sa tingin ko maraming pupunta sa booth namin ngayon. Kakayanin ba namin ito?

"The president of animator's club and i are the one who decide who will be your partner," sabi ni Leo sa amin.

Halatang excited ang mga co-writer's ko. Syempre mga gwapo yung mga nasa animator's club sabi ng iba pero hindi ko pa nakikita.

"So see you tomorrow," sabi ni Leo habang nakangiti sa aming lahat.

Mukhang good mood si Pres. Leo. Umalis na ako doon. Wala naman akong makakausap at alam kong naghihintay na sa akin si Hera.

Habang nag-lalakad ako sa hallway. Kasabay ko ang mga co-writer's ko. Halata sa mukha nila na excited sila bukas. Sana naman matino yung magiging kapartner ko.

Biglang nag-ring ang cellphone ko sa aking bulsa na naging dahilan ng pag-lingon sa akin ng mga tao sa paligid ko.

Just close your eyes, the sun is going down~

Kinuha ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Nakakahiya naman kase kung hindi ko sasagutin.

"Hello?"

"Yadira! Nasaan ka na ba?! Kanina pa ako dito,"

Boses palang niya alam ko na kung sino. Kaya nagmamadali akong pumunta sa gate. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin ng mga tao sa akin.

Papalitan ko na nga ringtone ko mamaya. Nakakahiya ka talaga self. Kanina ka pa eh.

The Story Of How We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon