Chapter 47: Time
Freya's Point of View
Nagising ako at nahanap ang sarili na nakahiga sa puting kama. I squinted and looked around the room. A guy was frantically walking back and forth in front of my bed, his right hand on his mouth, biting his nails.
I groaned as I forced myself to get up. Napansin iyon ng lalake.
"Thank God you're okay!" nagdalawang-isip siya pero sa huli ay nilapitan niya ako. His face was still panicky. Bids of sweat present on his forehead.
"L-Luke?" nakilala ko siya. His face was guilty.
"I didn't do it," he raised his hands in a conciliatory manner. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ako ang dahilan sa pagkahimatay mo."
Saka bumalik sa aking alaala ang nangyari. Nanghihina ako habang kinakausap si Luke. Dahil siguro iyon sa paggamit ko sa ability ko. Hanggang sa nawalan ako ng malay.
"Alam ko," natahimik siya. Inayos niya ang suot na salamin. "Napagod lang ako, hindi pa kasi ako sanay na gamitin ang ability ko."
"That was you," he concluded. "Ikaw iyong dahilan kaya hindi ko magalaw ang katawan ko kaya ako nadapa." Tumango ako dahil iyon naman ang totoo. Bumalik sa akin ang nangyari.
Nakayuko lang si Luke, nakatayo sa gilid ng kama ko habang napapakamot pa sa ulo nito. Tahimik lang siya at tila nahihiya pa ito.
"Uhm," he started shyly. "Nasa infirmary ka ngayon, dinala kita rito pagkatapos mong mahimatay. Apat na oras ka nang tulog. S-sorry sa nangyari." Alam ko na kanina pa na nasa infirmary kami ng school. Napatingin ako sa bintana, nagsisimula nang dumilim.
"S-sige aalis na ako," paalam niya ng hindi ako tinitignan sa mukha saka siya nagmadaling umalis.
"Ikaw ang gumawa no'n diba?" napatigil siya.
"Huh? A-anong pinagsasabi mo?" putol-putol niyang sagot at tila kinakabahan pa. Ayaw niya bang may ibang makaalam? "Aalis na ako."
"Wala akong pagsasabihan," napatigil siya. Napabuga ako nang malalim na hininga. "Kung natatakot ka na may ibang makaalam, wala akong pagsasabihan. Konti lang din friends ko so your secret's safe with me."
Nilingon niya ako saka siya napalunok. May nakita akong pvc na upuan sa gilid. Tinitigan ko ang upuan at ginamit ang ability ko.
Nandilat ang mata ni Luke nang biglang gumalaw ang upuan at pumwesto ito sa harapan niya.
"Upo ka," inayos ko ang aking pagkakasandal sa headboard. Halata sa mukha ni Luke na nagdadalawang isip siya. Tinitigan niya muna ang upuan at sa huli ay umupo rin.
"I hope na wala akong pagsisisihan," pumikit siya at huminga ng malalim. "Ako si Luke---"
"I know," pagputol ko sa kanya. "I'm Freya." Tumango siya.
"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang pangalan ko---"
"I happen to find your I.D.," pagputol ko ulit sa kanya. "Minsan akong sumabay sa cafeteria sa'yo kasi wala na akong mahanap na ibang upuan. Ang I find you weak to resist me kaya ikaw ang napili kong sabayan. Then you accidentally left your I.D., at least that's what I thought." Tumango si Luke sa mga sinabi ko at parang hindi naman nainis.
"I hate to admit it pero iyong nangyari kanina. Iyong pagtigil ng lahat ng tao at bagay dito sa campus---"
"Ikaw ang gumawa? As I suspected."
"Pwede bang patapusin mo muna ako?"
"Sorry," nag-iwas ako ng tingin.
"Oo, ako nga gumawa no'n," hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya pero napatigil lang siya. Tulala at tila malalim ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___