naglalakad na ako palabas ng school ngayon, walang susundo sa akin kaya magtataxi nalang ako pauwi. "Ella! uwi kana?" patakbong lumapit sa akin si Nathan, best friend ko siya since first year college. "Yes, ikaw?" tanong ko pabalik. "oo, tara sabay na tayo" tsaka niya ako inakbayan. "lakarin natin pa Cubao, kaya mo?" ngumiti siya ng nakakaloko.
"ulol" inirapan ko siya. "tinatamad ako gago pero kung bubuhatin mo ako ok lang naman" nginitian ko siya ng nakakaloko tsaka naman siya napakamot sa ulo niya.
"uy fishball!! tara libre moko!" hinila ko siya papalapit don sa nagtitinda ng fishball. Kumuha ako ng stick at tumusok na ng fishball, napatingin ako kay Nathan na nakatingin ngayon sa wallet niya. Lumapit ako kaunti sa kanya at sumilip din doon sa wallet niya na 50 pesos lang ang laman.
"Di ka nanaman napadalhan?" tanong ko sa kanya, agad niyang itinago yung wallet niya at nginitian ako. "ha? hindi ah, sige lang kuha ka lang ako bahala" tsaka niya ako nginitian ng kaunti.
nakatitig lang ako sakanya, "ano?" nagmamaang-maangan niyang tanong. Minsan kasi hindi siya napapadalhan ng mga magulang niya kasi wala din silang pera, nasa Leyte yung mga magulang niya at madalas 200 pesos lang ang naipadadala sa kanya para sa isang buwan na, kaya minsan hindi na siya kumakain ng lunch or bumibili nalang siya ng candy pantawid gutom.
Sumimangot ako habang nakatingin sa kanya, kawawa naman siya. Naalala ko sabi niya sa akin noon pag naging seaman siya ako naman ililibre niya kahit ilang fishball pa. Yan gusto ko sa kanya eh, may pangarap siya. Kaya sobrang proud ako dito eh.
"wag na, ako nalang magbabayad. Tsaka sumabay ka na sa akin, taxi tayo sagot ko na pamasahe" nginitian ko siya. Agad naman siyang umiling, "hindi na sige na kumuha ka lang kahit ilan gusto mo tsaka may pamasahe ako wag ka mag-alala" nag thumbs up pa siya pero hindi ko siya pinansin.
Nakakailang fishball at kikiam na ako pero napansin kong hindi parin siya tumutusok. Kumuha ako ng panibagong stick at tumusok ng limang fishball at tatlong kikiam tsaka yon ibinigay sa kanya.
"nako wag na—" hindi na siya nakaangal pa kasi nilagay ko na sa bibig niya yung stick na puno ng fishball at kikiam. Kinain niya nalang iyon at isinawsaw doon sa sauce. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya, "di ka naglunch noh?" tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot at nginitian niya lang ako.
"yung totoo, kelan last kain mo?" tinignan ko siya ng seryoso. "kakakain ko lang—"
"Nathaniel, kelan last kain mo" napakamot nalang siya sa ulo niya at saka tinignan ako "kahapon ng umaga" tsaka siya bumuntong hininga.
napa tsk nalang ako.
"bakit di mo sinabi sakin?"
"Kelangan mo ba malaman?"
"at bakit naman hindi? best friend kita" tinaasan ko siya ng kilay na ikinangiti naman niya. "Yieee labyu bestie!" tsaka niyako yinakap, agad akong kumalas sa yakap niya at tinignan siya ng naiirita. "Dude, are you gay?" natatawa kong tanong sa kanya pero natawa nalang din siya at umiling.
pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagbayad. "Saan ka na ngayon?" tanong ko sa kanya. "uwi na, andon na si auntie ko ata sa bahay tsaka maglilinis pa ako ng Cr pagkauwi baka kasi may masabi nanaman si auntie con sa akin eh" ayan nanaman yang pesteng auntie niya. Si Auntie Connie niya, yung bruhang auntie niya na matapobre akala mo maraming pera eh don lang naman sa kapatid niyang nasa Dubai humuhuthot ng wawarts.
"gusto mo sa bahay ka nalang? pwede ka naman doon eh kilala ka ni mommy at daddy tsaka ni kuya kaya pwede ka naman doon kesa sa jan ka sa tita mong bruha" ngumiti lang siya at umiling.
BINABASA MO ANG
Fair Winds and Following Seas, Captain (Oceanic Series #1)
Teen FictionIn a family of seafarers, Camyllah decided to follow her ancestors footsteps and took BS Marine Engineering course in Asian Institute of Maritime Studies. Ipinangako niya sa daddy niya na mag-aaral siyang mabuti para matupad ang pangarap na malibot...