𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝒻ℴ𝓊𝓇

90 14 0
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇫 🇴 🇺 🇷 

🇦 ʙᴀʟᴀ ako sa paglalaro ng doll house mag-isa dahil ayaw naman ni Rem na makipag-laro sa akin kaya mas minabuti ko munang maglaro ng doll house. Isang linggo na rin ang nakakalipas noong bumisita sina Mama rito sa bahay nina Tita Grace kaya iniuwi muna ako nila Dada para makapag-bonding muna kami at sobrang saya ko dahil kahit papaano ay na kasama ko na ulit sina Mama at Papa na sobrang na miss ko.

Sinusuklayan ko si barbie habang naka-indian seat ako sa sahig. Wala kaming pasok ngayon dahil weekends. Simula rin noong nakaraang linggo ay hindi na ako kinausap ni Sperm, tamang tango at iling lang siya kapag may tinatanong ako o 'di kaya ay iiwasan niya ako sa paraang pagkulong niya sa sarili sa k'warto. Nakakalungkot lang dahil umasa akong friends na kami dahil sinasamahan niya ako noong nakaraang linggo. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya nag walk-out noong sinabi ko kina Dada na friends na kami. Kaya, kapag naiisip ko ang nangyari noong nakaraan ay gusto ko na lang umiyak.

Gusto ko sanang makipaglaro sa kaniya ngayon kaso baka sigawan niya ulit ako tulad kahapon. Napaiyak tuloy ako dahil sa pagsigaw niya sa akin kaya pinagalitan tuloy siya ni Ate Neigh. Wala kasi sina Tita Grace at kaming tatlo lang ang nasa bahay maliban sa mga maids dito sa bahay nila at sigurado rin akong pagagalitan siya ni Tita at Tito dahil pinaiyak niya ako pero dahil mabait ako ay hindi ko siya sinumbong kay Tita pero si Ate Neigh ay sinumbong siya. Kaya ayon, pinagalitan pa rin siya na mas lalo niyang ikinagalit kaya hanggang ngayon ay hindi niya na ako pinapansin at nasa k'warto na lang siya magdamag. Dinadalhan na lang siya ng katulong nila ng food kapag kakain na.

Sina Ronnie naman, hindi sila p'wede dahil busy na sila, daig pa mga magulang ko sa sobrang busy. Ang bata pa nila pero puro aral inaatupag nila. Hindi nila ako gayahin na ine-enjoy ang buhay bata dahil hindi na maibabalik ang bawat oras at panahon kapag gusto ulit nilang maging bata. Naniniwala kasi ako sa mga matatanda na 'Mas masarap maging bata . . . ulit.' Dahil daw kapag bata ka wala ka pang masyadong problema na sobrang makaka-stress sa'yo. Maliban na lang sa kalaro mo na laging nandadaya kapag naglalaro kayo. Bukod do'n ay wala ka nang problema. Na e-enjoy mo kasi ang bawat araw na nakakapaglaro ka kasama ang mga kaibigan mo o 'di kaya, wala ka pang pakialam sa mga problema sa mundo dahil ang problema mo lang ay kung paano ka makakatakas sa Nanay mo na bantay sarado dahil pinipilit kang makatulog habang may hawak-hawak na hanger na ipang-papalo sa'yo kapag nakita ka pa niyang gising. Naranasan ko 'yan kay Mama.

Wala akong kalaro. In short, loner ako ngayon dahil sobrang busy nila Ronnie sa pag-aaral sa bahay nila. Ayaw nilang magpa-istorbo, bukas na lang daw. E, ako naman ang busy bukas dahil naka-schedule na ako magdamag. Kakain at manonood ako hehe.

Hanggang sa tinamad na akong maglaro ng doll house kaya iniligpit ko na ang mga laruan ko saka ako umakyat sa second floor para bisitahin si Rem kung ano'ng ganap sa k'warto niya na baka nakipag gyera na naman sa sanggano. Kumatok ako ng dalawang beses at inilapat ang tainga sa pintuan pero wala akong naririnig mula sa loob at hindi niya pa rin binubuksan 'yong pinto. Naka-lock pa rin at mukhang ayaw niya pa ring makipag-usap sa akin.

Parang ewan talaga 'tong si Rem. Bakit kaya ayaw niyang i-enjoy ang pagkabata niya? Gusto na atang mamroblema sa mundo. Napailing-iling na lang ako dahil kay Rem. Kawawang Sperm, ayaw niyang maging bata dahil gusto na niya agad maging matanda, para ano? Para mamroblema rin kagaya ng mga matatanda? Paano kung tumanda siyang dalag-- este binata? Wala siyang maging asawa dahil sa sobrang pagmamadali niyang maging matanda. Kawawa naman 'yong kaibigan niya kung gano'n. Kawawa 'yong espada ni Sperm, hanggang sperm na lang sila dahil walang gustong makipag meet and greet na egg cell sa kanila.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon