[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘥𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘯] 𝙾𝚘 𝚒𝚔𝚊𝚠
-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡
"Nak di ka pa ba nagugutom, kain ka na, nagluto si mama yung favorite mo." tawag ni mama sakin labas ng kwarto ko. Napayakap nalang ako sa tuhod ko at yumuko.
"Di po ako gutom." tugon ko. Mahina lang ang pagkakasabi ko pero mukhang narinig ata ni mama.
"S-sige nak, basta mamaya kain ka ha. Iiwan ko nalang ito dun sa lamesa." sabi niya at naglakad na palayo.
Napatingin ako sa bintana at napansing papalakas na ng papalakas ang ulan sa labas. Dinadamayan din ba ako nang panahon o ito yung umiiyak para sakin ngayon dahil wala na akong luhang maiiyak pa?
Pinagmasdan ko lang ang tubig na tumutulo sa labas ng bintana ko. Di ko maiwasang maalala ang nangyari noong araw na yun.
#
"Asan na kaya siya? Sabi niya hintayin ko siya dito sa gym." sambit ko. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa school gym namin. Magkikita kami ni Zain, yung boyfriend ko. 3 years na kaming magboyfriend at girlfriend. Nakilala ko lang din siya dito sa school namin.
"Ay kabayo, ano ba naman yang kulog na yan? Haisst mukhang uulan pa nga. Buti nalang may dala akong payong ngayon, si Zain kaya meron? Makakalimutin pa naman siya. " sabi ko sa sarili ko. Para na akong baliw dito kakaintay sa kanya pati sarili ko kinakausap ko na.
Asan ka na ba kase Zain?"Oh, Juliane bakit nandiyan ka pa? Hinihintay mo si Zain?" tanong ni Isaiah. Isa sa mga kaibigan namin ni Zain, tropa talaga niya si Isaiah pero nung naging kami na ni Zain naging kaibigan ko na din siya.
Kalalabas niya lang sa shower room, katatapos lang kase nang game nila kanina. Syempre nanood ako sinusuportahan ko yung boyfriend ko eh. Todo cheer pa nga ako sa kanya kanina, mashoot man niya o hindi chinecheer ko padin siya. Nakakaselosa nga lang kase madami ding nakikicheer sakin kanina na mga babae. Hmmp..
"Ah, eh oo. Hindi pa kase siya nabalik sabi niya hintayin ko siya dito, ihahatid daw niya ako pauwi. " sagot ko kay Isaiah at nginitian siya.
"Bakit san ba siya nagpunta?" tanong ulit niya at naglakad na palapit sakin sa bench.
"Hindi ko alam eh, basta may pupuntahan lang daw siya saglit mabilis lang." sabi ko.
"Oh sige, basta ingat kayong dalawa mamaya ha. Saka dapat di ka na pinagiintay nun baka may iba pang kumuha sayo." sabi niya. Ano daw?
"Anong kukuha sakin? " tanong ko sa kanya.
"Wala... Ah eh yung multo. Gabi na oh tapos ikaw nalang magisa dito mamaya hahahahaha, lagot ka. " pananakot niya sakin. Hinampas ko naman siya sa braso.
"Baliw ka! Tatakutin mo pa ako! Ako na nga lang magisa mamaya, nagsasabi ka pa nang ganyan sakin! " sigaw ko sa kanya.
"Inaasar lang kita eh hahahahaha. " sabi niya habang nakatawa. Ginulo niya pa nga ang buhok ko.
"Ano ba?! Umalis ka na nga! " pagtataboy ko sa kanya, tinulak ko siya nang mahina habang nakatawa pa din siya sakin.
"Sigurado ka gusto mo kong umalis? Ikaw nalang magisa dito mamaya." sabi niya. Napaisip naman ako sandali.
"Ano naman, darating naman na maya maya yun si Zain eh." sabi ko sa kanya. Kunwari nagtatapang tapangan ako.
"Sus, eh pano kung umuwi na pala siya di niya sinabi sayo? " tanong niya.