Chapter 27

5.4K 265 18
                                    

Sabrina's POV


Palabas na siya sa gate nila para pumasok sa school ng may maulinigan siyang mhinang nagtatalo sa labas ng gate. Bahagya siyang sumilip. Nakita niya si Mickey at isang lalaki na nakatalikod sa gawi niya.

"Sasama ako sa'yo, Jude! Buntis ako, kaya sasama ako sa'yo!" mariin pero mahina lang na ani ni Mickey.

"Sira ka ba? Anong gagawin mo sa Manila? Saka malay ko bang mag-alaga ng buntis?" sagot naman ng lalaki.

She wonder kung ito ba ang nakabuntis kay Mickey.

"Ipalalaglah ko 'to kapag 'di mo ako isinama! Tutal gano'n din naman panigurado ang ipagagawa sa akin ni Mommy kapag nalaman niyang buntis ako!" Umiyak si Micket at natigilan naman ang lalaki. Nakaramdam siya ng inis sa lalaking kausap ni Mickey. Bakit baa yaw nitong isama pa si Mickey?

Natigilan siya. 'Isama'. Shit sasama din siya!

"Sshhh... okay, okay, sige na, isasama na kita. Ampanget mong umiyak!" ani ng lalaki saka niyakap si Mickey. "Susunduin kita mamayang ala-una ng madaling araw, sasabay tayo sa tracking."

Mabilis siyang bumalik sa loob nang makitang papasok na si Mickey. Nagkagulatan pa sila ng magkasalubong sila sa sala. Mabilis na nilampasan niya ito at lumabas ng bahay.

Hanggang sa makarating sa school iniisip niya ang narinig kanina. Malalim ang iniisip niya kaya hindi niya agad napansin na may makakabunggo pala siya pagliko niya sa pasilyo. Tiningala niya ang nakabungguan niya. Si Gabin. Blangko ang ekspresyon nito habang nakayuko sa kanya.

"Sorry," malamig na anito saka siya nilampasan.

Napalingon na lang siya dito. May kirot sa puso niya na parang baliwala na siya dito. Siguro sobrang nasaktan niya talaga ito

"I'm sorry..." bulong niya sa hangin.

Nang sumapit ang breaktime pumuwesto siya sa harap ng kinuupuan ni Gabin. Nagulat ang ibang kasama nila pero hindi na umimik. Ngayon na lang kasi siya sumabay ng kain sa mga ito. Si Erika ang hindi nakatiis at padabog na umalis. Si Gabin naman ay parang walang pakialam sa mga na sa paligid nito. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin.

Tiniis niya iyon kahit pa parang pinipiga ang puso niya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ito. Kinabisado ang bawat detalye ng mukha nito. Kahit sa huling pagkakataon gusto niya itong matitigan.

Babalik ako Gab... Ikaw yung tumupad sa pangarap natin. Maging matagumpay ka para sa anak natin. Lalayo ako pero babalik kami ng anak mo. Hintayin mo kami ha, wag kang lalandi sa iba. Babalikan pa kita.

Bulong niya sa sarili. Kahit na natatakot siyang baka wala na siyang balikan, pipiliin niya pa rin ang lumayo rito para magkaroon ito ng magandang kinabukasan ng walang sasagabal.

Tumayo na siya pigil ang luha na lumabas na siya ng canteen. Nagtuloy siya sa restroom at doon umiyak nang umiyak. Bago lumabas ay sinugurado niyang hindi mahahalatang galing siya sap pag-iyak.

Bumalik siya sa room at pumuwesto sa dati niyang upuan, sa likuran ni Gabin. Hanggang sa mag-bell na hudyat ng uwian nakatingin lang siya sa likuran nito. Naninikip na naman ang dibdib niya, dahil alam niya matagal na uli bago sila muling magkita.

Tumayo si Gab. Sumunod siya pero naglagay siya ng distansiya. Alam niyang ramdam nito na nakasunod siya rito. Hanggang sa makalabas ng scholl at naglalakad na sila sa kalsada nanatili lang siyang nakasunod ditto, minememorya ang bawat galaw nito.

Hanggang sa tumigil ito sa paghakbang. Natigilan siya pero hindi hindi siya huminto sa paglalakad hanggang sa malampasan niya na ito.

"Sabrina..."

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon