Minsan sa buhay natin marami tayong nakikilala at nakakasalamuhang tao,
Yung iba pa nga hindi lang naging kaibigan mo kundi naging kabiyak ng iyong puso.Minsan may nasabi mo pa nga na "Siya na talaga", pero di mo lang pala alam kayo'y pinagtagpo lang ngunit hindi itinadhana.
Masakit isipin na kahit paulit ulit na tayong nasasaktan sa isang tao lang pero nagagawa pa rin nating patawarin bunga rin ng ating karupokan.
Kung minsan nga rin parang droga,
"Sa una lang masaya"Oo sa una lang talaga masaya kasi nawawalan na kayo ng oras sa isat isa, kung mag cha chat ka na tapos na seen kalang ayaw mo na.
Ginawa mong mundo ang dapat lang sana ay tao,
Ginawa mo pa ring ipaglaban ang meron kayo kahit alam mong siya ay matagal nang sumuko.Masaya pa rin sya kahit na wala ka, mas masaya pa nga siya kapag wala ka na talaga sa buhay niya.
Di mo man lang inisip na yung oras mo dito sa mundo unti unti nang naglalaho.
Na kahit anong gawin mong pag iisip na anong nagawa mong masama sa kanya di mo lang talaga matanggap na wala na kayong dalawa.
Di lang oras yung nasayang galing sayo, di ba nadamay pa yung perang pinaghirapan mo para lang mapasaya mo yung maling tao?
Oo matapang ka, kahit nga nasasaktan ka na nagawa mo pa ring tumawa, at dahil sa katapangan mo naipaglaban mo pa rin yung relasyon nyo kahit alam mo na itoy hindi na ma e salba at nanlalabo.
Nagmahal ka nga, minahal mo nga sya. Minahal ka ba?
Bina balik balikan mo yung mga oras na magkasama kayong masaya yung mga oras na ngiti lang ang meron sa inyong dalawa. At yung mga oras na yon ay di na maibalik pa.
~ E.C.L.
So yun po, any suggestions or feedbacks are now open. Haha sana nag enjoy kayo :))