Dani's POV:Dalawang buwan narin nung magbalik ako sa trabaho. Matapos lahat ng nangyari, inisip kong wala na masyadong proyekto ang ibibigay sakin, pero nakakabiglang sunod sunod pa nga lalo ang trabaho ko, mas dumami ang mga taong sumusuporta sakin, at sobra naman ang pasasalamat ko. Sa pinaplano kong pag aampon kay Stella, kailangan handa ako.
Ngayong araw na ito na ang launch ng tambalan namin ni Dean Cramer, sa totoo lang hindi masyadong masaya si Luv nung malaman niya yung balita na mag-uumpisa na kaming mag shoot para sa magiging pelikula namin ni Dean. Kahit naman kasi marami ng bali-balita sa internet tungkol saamin ni Luv, hindi parin kami mismo harapang umamin sa publiko ng relasyon namin. Meron pa kaming shoot pagkatapos ng launch kaya malamang ay medyo late na rin akong makauwi. Pinauna ko ng umuwi si Milo para palitan si Luv magbantay kay Stella dahil umalis si Yaya ems kaninang tanghali para umuwi muna sandali sakanila, birthday yata ng tita niya.
Dean: "So, are you excited for this project?"
Dani: "Oo naman, medyo nakakakaba, nasanay na akong iisa ang ka-partner ko for years, so- siyempre meron kahit papaanong kaba."
Dean: "There's nothing to be nervous about, ako lang naman ito-"
Napataas naman ang kilay ko, iba nga pala talaga ang lakas ng loob ng lalaking ito.
Dean: "Besides napanood ko yung mga pelikula mo, you're good, did you hear? super requested tong tandem natin ng mga fans. I can't blame them, mukhang bagay naman talaga tayo."
Dani: "I mean, sana nga, para hindi naman ma disappoint yung mga tao for requesting na ipareha tayo sa isat isa."
Dean: " Masungit ka ba talaga madalas?"
Dani: "Oo. Tara shoot na."
Pinanood ako nitong maunang lumakad palapit sa photographer.
Luv's POV:
Luv: "Milo, magbibihis lang ako ha, pero babalik ako, let's order something for dinner?"
Milo: "Buti pa nga, wala rin palang maluluto, hindi pala nakapamili si ems bago umalis."
Luv: "I'll do some food shopping tomorrow then before ako umuwi from the clinic, just list down what you need, palit lang ako ng damit, order whatever you want."
Pag bukas ko ng pinto, nasa harap ng unit ko si Sam.
Nagulat ito na sa kabilang pinto ako lumabas.
Luv: "What are you doing here?"
Milo: "Si Dani na ba yan?"
Sumilip si Milo sa pinto at nakita niya duon si Sam.
Milo: "Ikaw nanaman? Ano nanamang ginagawa mo dito?"
Sam: "Pwede ba I'm not here to talk to you, I'm here to talk to you Luv, please? Just give me a chance to talk to you, you can call the security, drag me out, ban me here, I'd still come back, wait outside until you talk to me. Please."
Milo: "Iba sa kapal yang ex mo, matindi-"
Sam: "Can you please stop butting in? This is none of your business-"
Luv: "Milo, ako ng bahala, just tell Dani please about this, nasa baba lang kami. Let's go Sam."
Milo: "Sasabihin ko talaga, ngayon pang naka recover nayun, patay ka, mata lang ang walang latay!"
Nilingon ko ito bago ako bahagyang ngumiti.
Sa may poolside bar ko nalang siya dinala para mag usap.
BINABASA MO ANG
Along came Dr. LUV
Chick-Lit(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...