Cryhs's POV
"Hindi na kami close ni Laettner, pero I can tell you somethings I know about him."
Nginitian ko lang siya bago siya nag simulang magsalita ulit.
"We were childhood friends, parehas kaming 6 year old nung unang beses ko siyang nakilala. Laettner was a normal kid back then."
"Di na ba siya normal ngayon?" singit ko.
Pinitik niya ng bahagya ang noo ko, ang sakit nun ha.
"Patapusin mo muna ako! Normal siya for me, kasi masiyahin pa siya nun, or minsan naiyak. Lagi kaming naglalaro nun, we were really close. Hanggang sa pumasok na kami sa high school life. Doon na siya medyo nagbago. Especially when his family got murdered, he was really thirsty for revenge."
"Bakit pinatay pamilya niya?"
"Dahil hindi nila kayang kalabanin si Laettner, so ang kinuhanan nila ng buhay ay ang pamilya niya. Before that, nalaman nalang namin na naging leader siya ng isang Gang group na hindi ko muna sasabihin sayo. We knew, his family knew, pero kahit ganun, alam namin hindi siya pumapatay. Puro underground battles lang ang pinapasukan niya, masyado siyang magaling at malakas, takot din ang lahat sakanya."
"Pero after ng nangyaring pag kamatay ng pamilya niya, naging ibang Laettner na siya. He lost his smile, he lost warmth and love for others. Handa na siyang pumatay kahit galit lang siya. There's no mercy in him. Hindi na siya ang Laettner na kilala ko. Ang nagpapasaya sakanya ay ang pumatay ng kalaban. Hindi siya titigil, hangga't di sila nauubos. It's a fight between his Gang at ang grupo na pumatay sa pamilya niya."
Thats actually sad.
Hinihingal si Kaliah after ng mahaba niyang kuwento. Yun lang daw ang alam niya dahil simula ng napunta sila dito, ay hindi na sila nagpapansinan, at wala na ding ibang nilalapitan si Laettner.
Hindi ako nakatulog kagabi.
Ewan bakit ba ako interesado sa lalaking yun, at grabe nalang ang paglaki ng mga mata ko kanina. Sobrang gulat lang naman ako dahil merong tatlong pirasong gummy worms ulit sa desk ko.
Feelingera ata ako, pero isang tao lang naman ang sumagi sa isipan ko. Sino pa ba ang magbibigay saakin neto? Wala naman akong ibang kakilala dito.
Hinanap ko siya sa loob ng classroom, pero kahit anino ni Laettner ay hindi ko nakita. Parang nung first day of school lang. Di ata napasok ang lalaking iyon.
Buong week ay tatlong pirasong gummy worms ang naaabutan ko tuwing umaga sa aking desk. Buong week din siyang hindi pumasok.
Friday ngayon, and I tried to wake up earlier than usual. Gusto kong mahuli kung sino ba ang nagbibigay saakin nun. Pero nandito na ulit ang mga gummy worms. Hays.
Ngayon ko lang napansin na may note pala itong kasama.
"Meet me tonight, at 10:00 pm. See you in the abandoned fountain."
"Napaka daya! Bakit ka kinakausap ni Laettner?!" sigaw saakin ni Dean.
Nandito ulit siya sa dorm namin. Wala sana akong planong ipaalam sakanila na may pupuntahan ako mamaya. Pero pinilit akong tanungin ni Kaliah, at hindi ko din ata kayang mag sikreto sakanya.
"Hindi ko alam, pero mukha naman siyang mabait." sagot ko.
"Gurl! Mukha lang, diba sabi ko sayo wag kang lalapit dun." sabi ulit ni Dean.
"Inggit ka lang eh." sabat ni Kaliah.
"Ano ba naman kasi ito? May special treatment? Porke maganda ka? O sige Cryhs sayo na ang korona!"
Napatawa nalang ako.
After ng matagal na bangayan kina Kaliah at Dean, ay pinayagan naman nila akong pumunta dito.
Napakalamig ng simoy ng hangin. Manipis na maluwag na T-shirt lang ang suot ko at shorts. Gabing gabi na kaya medyo creepy. Nakalimutan kong magdala ng jacket kaya yakap-yakap ko ang sarili ko.
Dito ko na nakita si Laettner, nakatayo sa may fountain. Ang gandang nilalang talaga ng lalaking ito. Sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang buong mukha niya.
He's wearing his usual attire. He has black wavy hair, at chinito eyes. He has sharp nose and his lips are plump like a cherry. Lahat ng iyon ay nasa maliit niyang mukha. Idagdag pa ang isang itim na hikaw niya sa kaliwang tenga. Lastly, he's got this mysterious aura.
Ang pogi.
"Hi..." medyo naiilang pa ako sakanya, pano ba naman yan eh hindi naman kami close.
My heart skipped a beat when I met his eyes. Bakit sobrang pogi? Paulit-ulit na ako pero hindi ako mag sasawa. Nakatitig na naman siya saakin na parang sinasaulo ang bawat ditalye ng mukha ko, kaya nakakailang.
BINABASA MO ANG
Sardonyx Academy: School of Darkness
Romance𝐒𝐀𝐑𝐃𝐎𝐍𝐘𝐗 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘: 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐝𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬. 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐛𝐞𝐥𝐬, 𝐛𝐮𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐚𝐝 𝐛𝐨𝐲 𝐨𝐫 𝐛𝐚𝐝 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐥𝐢𝐯𝐞. 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐛𝐞...