"Sunny, truth or dare? " tanong ng kaibigan kong si April sakin.
"Truth." maiksing tugon ko.
"Nacucurious talaga ako sa crush mo eh. Di din namin alam kung sino. Kaya the question for you is... Who is your crush? " curious na tanong niya.
Di ko talaga sinasabi sakanila yung crush ko kasi unang una di nila kilala to at pangalawa ayokong sabihin dahil di din naman niya ako gusto.
"Si Kiel." sagot ko.
"Sinong Kiel? San mo nakilala? Taga saan? Alam niya bang gusto mo siya? Gusto kaba niya? San nag aaral? Ilang taon? Gwapo ba? Matalino? " sunod sunod na tanong niya.
"Heps isang tanong lang." nakangising sagot ko.
"Hmp ano ba yan." nakangusong saad niya.
"Okay. Paikutin uli ang bote!" sigaw naman ni Rose na leader ng grupo namin.
Umikot muli ang bote at tumutok sakin.
"Truth or dare?" nakangising tanong ni Mae sakin.
"Truth." sagot ko.
Lumaki ang ngisi niya sakin.
"Sino si Kiel? San mo nakilala? Taga saan? Alam niya bang gusto mo siya? Gusto kaba niya? San nag aaral? Ilang taon? Gwapo ba? Matalino? " sunod sunod na tanong niya.
Napabuntong hininga nalang ako saka sumagot.
"Si Kiel yung crush ko. Nakilala ko sa omegle. Taga region1. Hindi niya alam na gusto ko siya at wala akong balak aminin sakanya na gusto ko siya. Hindi niya ako gusto .UST. 19 na siya. Yeap. And Yeap." sagot ko na nakatingin sa mata niya.
"Aww di din siya crush ng crush niya. Hayaan mo na nandito naman ako ,Sunny "ani ng kaibigan kong si Darrell sabay akbay sakin. Siniko ko siya sa tyan kaya nasapo niya ang kanyang tyan.
"Aray ko ah. Binibiro lang naman kita eh." nakangusong saad niya habang sapo sapo padin ang tyan niya.
Inirapan ko lang siya saka tumingin sa mga kaibigan ko.
"oh? May tanong pa kayo?" tanong ko.
Nag taas naman ng kamay si alexandra at Anne.
"oh anong tanong mo, Alexa? " tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.
"Anong course niya?" tanong ni Alexa.
"Engineering. Civil engineering." sagot ko.
"Sino yung gusto niya? Ka age mo ba? Or mas matanda? "tanong naman ni Anne sakin.
"Di ko alam. Pero mas bata ata sakin ng dalawang taon. Saad ko.
"Halla pedophile." mag kasabay na saad ni Jerick at Patrick .
Tinignan ko sila ng masama saka nahiga.
"Ayoko na. Nakakadepress yang topic natin." saad ko habang nakatakip yung unan sa muka ko.
"Aww yung pinaka isio bata natin sa grupo malungkot." rinig kong sabi ni Rey at Jay-bee.
Binato ko sila ng unan kaya tumawa sila.
"Teka last question nalang." rinig kong tanong ni Lie.
"Ano? " Tamad na tanong ko.
"Binati ka na ba niya?" tanong niya.
Tahimik akong umiling sa kanila saka nag baba ng tingin.
Lumapit sakin si Rose at niyakap ako."Kaya naman pala kanina kapa tahimik at naka tingin jan sa phone mo" ani Princess.