Bandang ala una tambay Lang sa bahay. Wala kasing magawa kakatapos Lang Kasi Ng Graduation ko Ng college waiting na Lang sa clearance para makahanap na Ng Work Ng makatulong Naman Kay mama at papa. By the Way Ako Pala Si Dwight Abarques 18 years old. 5'5 medyo Moreno typical na Mamayang Pilipino.May nagsasabi kahawig ko daw si Marky Cielo ? Kilala nyo ba Yun ? Haha. Yaan Mona! Di Naman mahalaga.Nag iisang anak Lang ako. Walang kapatid kaya Wala din kalaro sa bahay Kaya puro computer games Lang Ang tema Di Rin kami mayaman Ang tatay ko ay isang jeepney driver at Ang aking nanay ay Isa Naman Vendor Ng Isda sa talipapa masipag sila kaya napagtapos nila ako Ng college sa saint Adeline University bilang isang comtech. Napilitan Lang kunin Yung course na Yun Kasi Walang Ng slot para sa ibang course hehe. Bandang ala una nun ako Lang Tao sa bahay umalis Sina mama at papa para maghanap buhay nakatambay sa bintana maglalaro Sana ako Ng games kaso mainit pa sa taas namin Wala kasing kesame. Maya Maya pa ay may narinig along boses mula sa baba namin.
"Pabili Pabili pabili Po yelo "
Agad agad akong bumaba para Makita Ang bumibili. Nagtitinda si mama Ng yelo para dagdag Kita. I hope tumitigas pa Yung mga yelo Kasi ung ref namin mas lamang ung init kesa sa lamig haha
Pag baba ko ay binuksan ko Ang pintuan para Makita Kung Sino Yung bumili. Isang batang lalake I think mga 16 years old na sya base Lang sa akin ha. Maputi at matangkad may kakapalan Ang buhok at kilay. Payat bilugan Ang kanyang mga Mata parang batang tambay sa pisonet ganun. May itsura Naman sya kaso madungis nakapaa pa. Mukang inutusan Lang."Ilang yelo ?
"ah Isa Lang Kuya.Ngayon ko Lang nakita Ang batang Yun. Kung sa bagay di Naman Kasi ako palalabas Ng bahay namin. Agad akong tumalikod para kunin Yung yelo. Pag balik ko nagulat ako Kasi pumasok siya sa loob Ng bahay.
"oh bakit ka pumasok ?
Ang dumi Ng paa mo '" Ayt kuya ano to ?
Dali dali nyang dinampot Yung poster na nakarolyo sa ibabaw Ng Mesa namin. Kakabili ko Lang Ng Anime poster na Yun sa SM manila kahapon di ko dinidikit Kasi tinatamad pa ako.
"Ui wag mong pakielaman Yan.
Ngunit bago ko pa makuha Yung poster. Ay natanggal nya na yun sa pagkakarolyo nito sa goma Ng Makita nya yung design Ng poster ay kitang Kita ko sa Mata Niya Ang sobrang saya. As in sobrang saya Bata talaga.
"WOW KUYA ANG GANDA ' Bleach poster San mo nabili ?
BLEACH- anime Yun na pinapalabas TV. Ika nga Ng Sabi ko mahilig ako sa games and Anime.
"Ui akin na Yan baka mapunit mo.
"Patingin muna kuya sige na.
Binaba ko muna Yung dala kong yelo para kunin sa kanya Yung poster. Pero ayaw nya padin ibigay. Ang siste' nag agawan kami.
"Oy Bata akin na baka mapunit .
"Wait Lang titignan Lang eh !?
Patuloy kami nag aagawan para sa isang pirasong poster. Hinila ko sa kamay nya Ang poster na may pwersa.
Yun nangyari Ang di Inaasahan nahati sa dalawa Ang poster."Yan ! Napunit na tuloy !
Nakita ko Ang reaction Ng batang Yun Ng tuluyang mapunit ung poster laking gulat at takot nya.
"Aw kuya sorry po.
Ayaw mo kasi ipakita eh."SO AKO PA ? AKO PA MAY KASALANAN NGAYON ! Ano na gagawin mo ! Punit na !
"Ah eh - Kasi kuya so so sorry talaga' di ko Naman sinasadya...
Nakita ko sa Mata Ng batang yun. Yung takot sa nangyari Wala naman talaga ako balak sigawan sya nagulat Lang talaga ako. Di Naman akong masamanng Tao. Maya kinalma ko Yung sarili ko baka mamaya umiyak Yun. Sumbong pa ako sa tatay nya gulo pa.
"Tsk' sige na okay Lang umuwi kana kunin mo na Yung yelo mo pag didikitin ko na Lang...
"Sorry talaga kuya di ko Naman sinasadya babayaran ko na Lang.
"Sige sige na Ali's na.
DAHAN dahan din lumabas Yung batang makulit. Mukang di Naman talaga nya sinasadya Yung nangyari napaisip tuloy ako Kasi nasigawan ko sya..
YOU ARE READING
Nothing To Do
Randomhirap explain Kung ano Description gusto ko Lang magsulat bahala na.