Gabino's POV
5 years later...
Busy ang buong kitchen staff niya sa restaurant niya dahil dito ginanap ang binyag ng anak ni Arjhay at ng bunsong kapatid niyang si Jasmine.
Regalo niya sa pamangkin ang cater. Kahit pa gustong bayaran ni Arjhay ay tumanggi siya. Alam niya naman kasi na gusto lang patunayan ni Arjhay na karapat-dapat ito sa kapatid niya. At matagal niya ng alam na karapat dapat ito. Simula pa ng maglasing ito at magtangkang magpakamatay - uminom ito ng isang bote ng shampoo. Dahil ayaw pumayag ni Jasmine na panagutan ni Arhjay ang pinagbubuntis nito. Pati sila ni Arjhay ay nagkasamaan ng loob. Nasapak niya pa ito ng malamang nabuntis nito ang kapatid niya. Wala silang ka-alam alam na may relasyon na pala ang dalawa.
Kung hindi pa naglumuhod sa harap niya si Arjhay di niya malalamang buntis na pala si Jasmine.
Naging-ayos naman na ang lahat. Naikasal na ang dalawa bago pa man makapanganak ang kapatid niya. Tanggap na rin ng Mommy at Daddy nila ang lahat. Na sa US na ang mga magulang nila. Hindi nga lang nakauwi ngayong binyag dahil hindi pinayagan ng doctor ang Daddy nilang makauwi. Kaka-opera lang kasi ng Daddy nila sa puso.
"Kuya..." tawag ni Jasmine sa kanya. "Hinahanap ka ni Kuya Manolo," nakangiting anito.
Umiwas siya ng tingin. Simula kasi nang marinig niya ang pagtatalo ni Erika, Sab at Manolo noon iniwasan na niya si Manolo. Muntik na rin silang magpang-abot noon dahil kay Sab. Isa ito sa sinisisi niya kung bakit umalis si Sab. Bumuntong-hininga siya.
"Lalabas na'ko," tugon niya dito. Lumabas na uli ang kapatid niya. Hinubad niya ang apron at ipinunas sa kamay. Hindi naman niya habang panahon maiiwasan si Manolo.
Papunta na siya sa dining ng lapitan siya ng janitor. Namumutla ito at pawis na pawis.
"S-Sir..." pukaw nito sa kanya.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya dito. Naging alerto rin siya.
"Yung isang guest may ikinulong na babae sa stock room!"
"Ha?"
Mabilis siyang sumunod sa janitor. Nang buksan nila ang pinto nakita niya ang isang bisita ni Arjhay na walang malay na nakahiga sa sahig. Dali-dali niya itong nilapitan at pinulsuhan. Humihinga pa ito. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito pero hind ito nagigising. Binuhat niya ito at mabilis na inilabas doon at patakbong tinungo ang pinto.
Nakita siya ng ibang bisita at nagkagulo ang iba. Lihim siyang napamura. Wag naman sanang mamatay ang babaeng ito dahil malamang na eskandalo ang aabutin ng restaurant niya.
Papalapit na siya sa kotse niyang mapansin ang isang bata na sa tingin niya ay na sa dose na ang idad. Parang nakita niya na ito kung saan.
"Sino yan, Tay?" tanong nito sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad at napatanga dito. "Anong nangyari sa kanya?" tanong uli nito.
"H-Ha?" he was dumbfounded.
"Dadalhin mo ba siya sa ospital, Tay?" nakakunot noo na tanong ng bata sa kanya. "Bubuksan ko yung car!" prisinta nito saka nagtatakbo sa kotse niya at binuksan ang backseat. "Tay!" anito at kinawayan pa siya.
Wala sa loob na sumunod siya dito. Ipinasok niya sa backseat ang babae. Ang bata pa ang nagsara ng pinto.
Tumakbo ito paikot at binuksan ang passenger seat at sumakay.
"H-Hoy t-teka!" Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay na rin. Prenteng nakaupo ang bata sa tabi niya at naka-seatbealt pa! "Paano mo nabuksan ang kotse ko?" takang tanong niya dito. Dinukot niya ang susi niya sa bulsa niya saka iyon isinuksok sa ignition. Ang alam niya nilock niya ang kotse niya.
Ngisi lang ang isinagot nito sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi paandar ang sasakyan at dalhin sa ospital ang babae sa backseat niya.
Agad na sinugod niya sa emergency room ang babae. Mabilis naman itong inasikaso doon. Paglingon niya nakita niya ang binatilyo sa pintuan ng emergency room. Nilapitan niya ito.
Agad na umayos ito ng tayo nang makita siya at agad na ngumiti. "Tay!" anito ng papalapit na siya.
Bago pa man niya ito malapitan ay hinarang na siya ng mga kaibigan at kapatid ni Melissa Andrade - ang babaeng guest na natagpuang walang malay sa stock room. Hindi siya mapakali pasulyap-sulyap siya sa batang na sa pintuan. Nakatanaw din ito sa kanya at halata na ang pagkainip. Nang muling lingunin niya ito ay wala na ito sa pwesto nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba kaya nag-excuse siya sa mga kaanak ni Melissa at lumabas. Nagpalinga-linga siya. Hindi niya makita ang bata. May kung anong takot ang umahon sa dibdib niya. Para bang may bumubulong sa kanya na hanapin ang bata. Naglakad-lakad siya at nagtanong-tanong sa mga naka-duty na guard doon hanggang sa makarating siya sa labas ng ospital, at may pamilyar siyang nakita. Yung bata na hinahanap niya. Nakatayo ito sa isang food cart at nakatingin sa mga streetfoods na binebenta doon.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita ito. Nilapitan niya ito.
"Hey..." pukaw niya dito.
"Tay!" anito ng malingunan siya. Parang kinalabog naman ang dibdib niya dahil sa itinawag nito sa kanya lalo na ng yakapin siya nito. Kusang yumakap ang mga braso niya dito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may kulang na napunan. Nakakatawa pero parang matagal niya ng kakilala ang batang ito. "Tay, gutom na'ko," anito na nakalabi pa sabay tingin sa mga fishball.
Napangiti siya. "Halika gutom na rin ako." Ginulo niya ang buhok nito saka ito inaya pabalik sa parking ng ospital para kunin ang kotse niya. Hindi siya dapat magtiwala agad. Paano kung myembre pala ng sindikato ang bata? At isa lang sa scheme ng mga ito ang paglapit sa ibang tao at pagtawag ng tatay?
Parang may kumurot sa puso niya sa naisip. Hindi pa man parang masasaktan na siya. Kabaliwan man pero... feeling niya siya ang ama ng bata. Lihim na lang siyang natawa sa sarili.
"Tay, Jollibee tayo ha?" masayang request pa nito.
"Teka bakit ba Tatay ang tawag mo sa akin?" tanong niya dito na may ngiti sa mga labi.
"Kasi ikaw ang Tatay ko," baliwalang sagot nito sabay lingon sa kanya.
Napailing na lang siya. "Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo? Saan ka ba nakatira?" tanong niya na lang dito.
"Na sa Bulacan ang Nanay saka sina Papa at Mama." sabi nito na titig na titig sa kanya.
May panghihinayang siyang naramdaman ng magbanggit ito ng Mama at Papa.
Napakunot ang noo niya. "Taga-Bulacan ka? Sinong kasama mong pumunta dito?"
"Ako lang. Sumakay ako ng bus sa alabang."
Napapreno siya sa sinabi nito. "S-Sino naman ang pupuntahan mo dito?"
"E, di ikaw po, Tay," natatawang anito sa kanya. "Di ba sinabi ko na kanina." Napakamot pa ito sa ulo.
"Hindi ako ang Tatay mo," sabi niya kahit na parang may bikig sa lalamunan niya ng sabihin iyon.
Hindi ito sumagot bagkus ay may dinukot ito sa bulsa ng bag nito at isang litrato ang iniabot sa kanya.
"Ikaw po ito, 'di po ba? Ikaw po si Gabino Melchor?" inosenteng tanong nito. "Nice to finally meet you, Tay," anito saka inilahad pa ang kamay sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...