"Yana do we really have to go? Pwede bang wag na lang ako pumunta? Kayo na lang please." Paghihimutok ko kay Yana."Best, you're already part of this group 'di ba? Kaya kumpleto dapat," balik nito sa akin. Yes, Yana is here in my condo para sabay kaming pumasok.
"Gusto ko talagang umabsent eh." I pout.
It's not that I got no energy to go back to our classes after that NCU anniversary pero parang ayokong makita muna si Ava, pero hindi naman pwede iyon dahil madalas akong hanapin nang grupo kapag missing in action ako sa cafeteria.
*
The day went pretty boring. Aside sa mga striktong professors namin ay halos buong oras lang akong naghihintay na matapos ang bawat klase ko na sa sobrang boring ay sumagi pa sa isip ko na kung nandirito pa si Ms.Carinya ay baka may spice pa ang boring subjects ko but I quickly shrug that off too kasi ibang kaso na 'yun dahil babae na ako at hindi na ako si Vion. Unless pati ba naman girl version ko ay papatulan nya. I smirked.
Well, I'm that amazing naman no matter what gender i'm in right? So full of myself right? ano ba naman 'tong pinag-iisip ko? Hindi nagtagal ay pinakahihintay kong event of the year na ang nangyari. Ang pagtatapos ng dalawang oras na subject ko sa management, kulang na lang magpafiesta ako. Dali-dali kong kinuha ang gamit ko at lumabas nang nagiisip. Damn, this is it. Kailangan kong pumunta sa cafeteria as usual.
"Ey, ey, eyyyyy! Nandito na ang ating pinakafamous friend! Vienne," masayang bati ni Mark sa akin na agad kong nginitian nang tipid.
Harvie hugged me and so is Yana and Camille. Ang iba naman ay ngumiti na lang sa tamad tumayo at syempre hindi ako tumingin kay Ava.
"Girl! You didn't tell us na ang galing mo pala kumanta. Shocked kami nung time na yun. Ikaw na!" puri ni Lean sa akin.
"Hala hindi naman guys. Pero thank you," nahihiyang sabi ko.
"Oo, totoo magaling ka kumanta. Halos maiyak nga ko dun sa last na kinanta mo, buti na lang wala akong boyfriend para maranasan yung ganung pain," saad naman ni Dazzy.
"You don't need to have one to experience pain," I plainly said.
"Hugggoootttt!" pang-aasar ni Perlo na ikinatawa namin.
"Totoo naman. You did great, Vienne. I kinda knew it nung nasa vacay tayo kahit ako lang yung kumanta nuon at nagguitar ka lang. I have a feeling you're great at singing too," pagsang-ayon ni Camille. She's really a mood lifter.
"She's always best at everything. That's what I like about her too," ngiting sabi ni Harvie na hindi nagpatalo.
Everyone just giggled. Except for Camille, Yana, Ava and Wilson. Di ba nila gets yung banat? Di naman totoo ang banat 'di ba?
Everyone was busy eating their own foods and so am I but I just kept quiet the whole time as much as I can, sumasagot lang ako kapag kinakausap ako nang kung sino man sa grupo except for Ava. Asa pa akong kakausapin ako nuon. Nakakalungkot lang lalo. The only thing I can do is to look at her whenever she's busy on her phone or is talking to someone pero something doesn't feel right. She's kinda gloomy right now at parang may iniisip sya kapag 'di sya nakikipagusap sa iba. Minsan ay nilalaro nya lang ang pagkain nya at natutulala. I wonder what's wrong.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
Художественная прозаVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...