22

154 5 0
                                    

LILA


Lumabas ako sa likod na parte ng hotel dahil may mga naka bantay na media sa labas. Panigurado ay kakalat agad ang balita at siguradong wala akong pakialam.

It feels so good.

The feeling of having control. The feeling of power. Kung hindi nila ako kayang bigyan ng respeto, wala silang magagawa kapag hawak ko na ang sitwasyon. I won't let them pull me again and drag me around like a rag. Sila ang lilinisin ko. Dahil sila ang kalat.

Humampas ang malamig na hangin ng gabi saakin pagka labas ko.

Akmang hahanap na ako ng taxi nang may humigit sa braso ko.

Umawang ang labi ko nang makita ang isang galit na Charlie. Nag taas baba ang dibdib neto sa bilis ng pag hinga.

"What, Charlie? Gonna scold me? Gonna spank my ass as punishment?" naka ngisi kong sabi. "Are you okay?" nawala ang ngiti ko sa labi at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Why?" wala sa sariling tanong ko. His expression softened. Hinubad niya ang coat niya at binalot ito saakin. "I won't make the same mistake again. I won't let you out of my sight now. Hindi ko hahayaang...saktan ka ulit ng kahit na sino" ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Wala akong masabi.

"Where do you want to go? Gusto mo na umuwi?" umiling ako, napipi. Tumango siya at hinila ako. Hinayaan ko lamang siya at dumeretso sa parking lot ng hotel.

Pinapasok niya ako sa sasakyan niya. Nang makapasok na rin ito ay agad akong nag salita. "Saan tayo pupunta?" he started the car and drove away from the hotel. "My place" tipid netong sagot at saglit na sumulyap saakin.

Hindi na ako sumagot. Dahil bukod sa pagod ako ay ayos lang naman saakin.

Hanggang sa makarating kami ay tahimik lamang ako. My whole body is drained. Pati ang utak ko ay ayaw nang mag isip pa ng kung ano.

Nilapag ko ang coat at purse sa coffee table at umupo sa couch. Sumandal ako at ipinikit ang mata. Ramdam ko ang paglalakad neto patungo saakin, sa harapan ko.

Nagmulat ako ng mata at itinuro niya ang isang pinto. "May damit ako doon kung gusto mong mag bihis.." tumango ako at mabilis na tumayo.

Tumawa ito ng mahina kaya nilingon ko ito at pinagtaasan ng kilay. "Is there something funny?" umiling ito saakin at ngumisi. "Nothing. Are you hungry?" umiling ako at nagpa tuloy sa pag pasok.

Kumuha ako ng isang puting shirt at isang boxer shorts. Mabilis akong nag bihis at lumabas. Naabutan ko si Charlie na may dala dalang bowl ng mga grapes, strawberry at chocolate dip.

Agad akong umupo at tumabi ito saakin. Dim na ang lights ng living room.

Kumuha ako ng isang strawberry doon at sinawsaw sa chocolate. Habang kinakain ay binuksan ko ang phone ko at nag check ng email. Ramdam ko ang pag usog neto at pag tama ng balat niya saakin.

"I thought you're tired?" bulong niya. Tumaas ang buhok sa buong katawan ko nang marinig ang baritono netong boses. "I'm just checking.." bulong ko pabalik.

Maya't maya ang kuha ko at pinapanood lamang niya ako, nakikitingin sa phone ko.

My hands froze when an email caught my eye.

HyronCervantes@mail.com

Goodmorning, Ms. Lila Sen. I'm wondering if you can make a portrait of me, oil painting. I'll double the pay if we can schedule it next week.

The email was sent yesterday.

Kinagat ko ang labi ko.

"Ayaw ko..." rinig kong sabi ni Charlie. Umayos ako ng pagkaka upo. "I don't want you near him" seryoso ang mga mata neto na naka tuon saakin.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon