Kabanata 3

14 2 0
                                    


Author's Note: Kindly considerate typo graphical error and also the grammar. Kasalukuyang sinusulat ang storyang ito at may right time para sa pag eedit. Pasensya na. Happi readings. mwa!

____________________________________

'Elli Athena' -ani ni mama sa seryusong tono. Napagitla ako sapagkat sa ganitong paraan ng pagbanggit nya ay alam kong seryuso at importante ito. Napatigil din ang lahat sapagkat batid din nila ang nais ipahiwatig ng ina. Napatango nalang ako at dali daling kumain bago tumungo sa balkonahe. Sa gantong sitwasyon, dito lagi ang tagpo namin ni mama at ako lagi ang nauuna sa kanya. Nang dumating sya ay napatingala ako at ginawaran sya ng isang matamis na ngiti.

'Ma marahil importante nanaman ang pag uusapan natin sapagkat binaggit mo ang aking ngalan sa seryusong paraan na nakasanayan mo na sa twing may pag uusapan nga tayong importante.' ngiti ko sa kanya at bigla naman itong natawa ng pabahagya.

'Ikaw talaga iha, tama ka nga. Nais ko sanang pag-usapan natin ang nalalapit na kaarawan nang ating bunsoy. Batid nating ganito ang sitwasyon at iwas muna sa mga bisita kaya tayo tayo nalang muna. Pero inimbita ko na ang kaibigan mo nuong nagtungo sya dito. Kahit munting salo-salo lang para sa ating lahat. Mayo 25 na ngayun at isang buwan nalang ang nalalapit' saad ni mama. Tama nga si mama isang buwan nalang. Magpipitong taon na pala ang ellaine namin.

'Nais ko na samahan mo ako sa pamilihan anak. Tulungan mo akong mamili ng mga lulutuin at pandikorasyon nadin.' tumango nalang ako bilang tugon kay mama. Nagpatuloy pa ito

'Iha, wag kang puro tango. Kaya ka nga binigyan ng Diyos ng bibig upang makapagsalita. Hahays, lagi ko yang napapansin sayo. Hindi man ako ang nakakausap mo palagi pero kapansin pansin ngang talaga. Sige ka, baka isang araw magising ka wala na yan, binawi na pala' natawa nalang kami ulit umay na yan.

'Ma, ba't hindi natin kumbinsihin si kuya na ipakilala nya na ang kanyang nobya sa araw ding yun?' napaisip si mama at nagpatuloy ako 'kasi diba ma parang ang unfair lang kay papa, tayong lahat alam natin samantalang si papa ay hindi. Wala naman ni isang hadlang sa inyo ni papa pag dating sa buhay pag-ibig ni kuya. Kaya naisip ko lang, tiyak na matutuwa yun sapagkat sadyang napakabuti ngang talaga ng kasintahan ni kuya.' napatango si mama bago nagsalita.

'Tama ka nga anak, subukan mong kausapin ang iyong kuya ken patungkol dito pero kung hindi pa sya handa at alam nating may pagkatorpe din iyun, hayaan nalang muna natin marahil humahanap pa ng tyempo.' Tumango nalang ako ulit at napakamot sa ulo .

'Ikaw ba ay may sinisinta narin anak? Marami akong naririnig tungkol sa iyo ngunit di ako nanghihimasok kasi inaantay kong ikaw mismo ang magsabi at magpakilala sa akin.' Saad ni mama na animo'y nanunukso o nag tatampo na ewan. Pero naconfuse ako kung sino sa kanila? maraming flings at aminado ako doon pero hanggang doon lang un, pag alam kong parang lumalalim na bigla bigla nalang akong iiwas at di na magpaparamdam. Eh sa ayaw ko pa talaga eh. Tsaka ayaw ko talaga, lalo na sa commitment. Hayst di pa ako ready.

'naku mama, wag kang magpadala sa sabi sabi ng iba. Sakin ka lang maniwala tsaka magsasabi naman ako sayo diba ma? At kung meron man edi sana pinakilala ko na sa inyo ni papa, tsaka di naman basta basta makipagrelasyon ma hehe.' napakamot ulit ako sa ulo, may kuto ata ako hayst. charot

'Alam ko naman yun kaya nga hinahayaan ko at nag aantay lang ako ng galing sayo.' ito ang gusto ko kay mama, hindi nya ako pinapangunahan at nag aantay lang sya.                'pero anak sa tagal tagal mong nagkukwento sa akin tila napapansin kong hanggang sa pagpapakilig ka lang? ni hindi ko nga alam kong may naging kasintahan kana ba sa dami ng ikinuwento mo sa aking puros kalalakihan.' nagtatakang saad ni mama.

Pang Quarantine Lang! (on-going)Where stories live. Discover now