Hindi na ako muli babalik
Hindi na ako babalik sa nakaraan
Na kung saan ako'y na saktan
Na meron hapdi,pait at sakit
Kung babalikan ko pa ang nakaraan ako'y masasaktan muli
May tao kase gusto bumalik sa buhay ko
At ang tao na yun sya ang nakasakit ng puso ko
Hindi ko alam kung bakit sinusulat ko to
Dahil ba nagdadalawang isip ako
Sa mga sinabi mo
Na kung babalik ka sa buhay ko itutuloy naten ang relasyon na to
Pero napagtanto ko
Bakit ko pa pagiisipan yung sinabi moGusto ko balikan mo yung sakit na ginawa mo saken
Balikan mo kung paano mo dinurog ang puso ko
Wag mong balikan yung mga masasayang alala naten
Balikan mo yung araw na binitawan moko
Balikan mo yung araw na sumuko ka at iniwan moko
Sinulat ko to para alalahanin ka sa mga ginawa mo
Kase kung babalik kapa gugulo lang ang buhay ko
Wag mo nang ipilit yung mga plano mo na pede pa ibalik ang nakaraan
Ang nakaraan ay nakaraan
Ang nakaraan ay hindi na pwede pang balikan
At Ang nakaraan ay dapat itapon na lamang
At ikaw ay hindi ko na kayang pagbigyan
Hindi dahil madamot ako
Hindi dahil makasarile ako
Dahil yun sa mga ginawa mo
At dahil doon natuto ako .