ITINUON ni Johna ang tingin kay Armia.
"That was it. That's my story," sabi niya. "Namatay ako sa aksidente. I didn't make it kaya nga sinundo mo na ako, hindi ba?"
Huminga nang malalim si Armia. "You've been through a lot."
Ngumiti si Johna. "Oo. But I think it's a worthy life. Lahat ng pinagdaanan ko ang humubog sa kung ano ako ngayon. Kahit si Vaughn, gusto kong ipagpasalamat ang pagdating niya sa buhay ko. Dahil kung hindi ko siya nakilala, wala akong Lia. Mabigat man ang pinagdaanan ko pero lahat ng iyon ay may purpose. It's a worthy life."
"Kapag nakaharap mo na Siya, ano ang isang bagay na masasabi mong ginawa mo nang tama?"
"Magmahal— lalo na sa anak ko. Ang ipanganak siya at mahalin nang higit pa sa buhay ko."
Armia gently smiled.
"Armia, nandito na tayo," sabi ng driver sa harap.
Napaigtad si Johna. Automatic na sumara ang librong nakapatong sa kanyang mga hita. Umangat iyon at sa isang kisap-mata ay nasa kamay na ni Armia.
"We've reached our destination, Johna. Halika na..."
Bumaba sila. Umalis na ang jeep.
Johna gasped at what she saw. Sa di-kalayuan ay may tatlong pinto. Isang papunta sa kaliwa, isang papunta sa kanan, at isang nasa gitna. The doors were made of mirrors. Maliban sa tatlong pinto, puro ulap na ang paligid. Bakit may tatlong pinto? Ano kaya ang ibig sabihin ng mga iyon?
Sumunod si Johna nang maglakad si Armia papalapit sa mga pinto. Nang makalapit, napasinghap siya nang makitang nagre-reflect sa tatlong salamin ang kanyang hitsura.
"P-pipili ba ako kung saan ako papasok?" tanong niya.
"Ang mga tao ay binigyan ng Diyos ng free will o kakayahang magdesisyon para sa sarili. Whatever the situation is, every one has always a choice. Laging may pagpipilian ang isang tao, kung kaya't nasa kamay ng bawat isa ang kahihinatnan ng kapalaran niya. Ang tao ang gumagawa ng kapalaran niya depende sa mga naging desisyon niya. There are certain decisions that could change one's life forever."
"Anong..."
"It's how you live your life-ang pagpili sa pagitan ng tama at mali. Pero hindi masamang magkamali, Johna, dahil ang bawat pagkakamali ay may katumbas na leksiyon at aral. Nasa tao na lang kung matutunan niya ang leksiyon. You did it, Johna. Nagkamali ka pero natuto kang panindigan at itama ang pagkakamali mo. You're full of love. You have so much love to give, thus, you're also receiving a lot of love. Naniniwala ka bang makapangyarihan ang pag-ibig?"
Tumango siya at emotional na ngumiti. "H-hindi lang makapangyarihan, mahiwaga pa..."
"It is. It is because our Creator Himself is love. God is Love..." sang-ayon ni Armia. Walang ano-ano ay bumukas ang pinto sa kanan. "Kanan..." komento ng babae. Binuklat nito ang librong kulay-pilak, sa bahaging kinasusulatan ng pangalan, edad, at petsa ng kamatayan niya. Mabilis lang na sinulyapan ni Armia ang nakasulat doon. Then she slightly nodded her head, like an act of approval.
"A-ano'ng meron sa kanang pinto?" curious na tanong ni Johna.
"You'll see." Lumapit si Armia sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan ang sentido niya at hinuli ang kanyang tingin. "Kailangan mong makalimutan ang sandaling ito. You never saw me, our conversation, and everything you saw."
"H-ha? B-bakit?" gulat na tanong niya.
"Because you're going back, Johna. Babalik ka sa mga mahal mo sa buhay."
Malakas na suminghap si Johna. Kahit walang physical body ay nakakaramdam siya ng kilabot. "Ibig sabihin..." Napatakip siya sa bibig. Oh, my God! Oh, my God! "T-totoo ba?"
Nakangiting tumango ang babae. "Love. Always believe in love and in Him."
Sa sobrang tuwa ay nayakap niya si Armia. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang katuwaan. "Can you thank Him for me?" pakiusap niya.
"He already knows you're thankful. Go, Johna..."
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Johna, tumakbo siya papunta sa nakabukas na pinto. Bago pumasok ay nilingon niya si Armia. "Salamat."
Tumango ito at nakangiting kumaway.
Pumasok na siya sa kanang pinto. The cloud enveloped her. Then everything else shut down on her.
BINABASA MO ANG
Of Love... And Miracles (Completed)
Romance"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay...