Part 65 - ending

2.9K 213 44
                                    


A few months later

"'NAY NAMAN, eh!" kunwari ay angil ni Johna sa ina. Kanina pa siya nagpipigil ng luha pero hindi na mapigilan ang emosyon dahil umiiyak na ang nanay niya.

It was her graduation day. She was wearing a black gown and toga. Hawak niya sa kamay ang diploma. Tapos na ang ceremony at nagkakagulo na sa ground ng eskuwelahan dahil kanya-kanyang picture taking na.

Of course, nandito rin ang kanyang mag-ama. Karga ni Prince si Lia. Prince was also emotional. Bakas ang sobrang pagmamalaki sa guwapong mukha nito.

"P-proud na proud ako sa 'yo. S-siguradong ganoon din ang tatay mo," humihikbing sabi ng nanay ni Johna. Sabi nito, lahat ng problema ay may kasagutan at lahat ng pagsubok ay may dahilan. Binibigyan daw tayo ng Diyos ng pagsubok at problema, hindi para subukin ang katatagan at paniniwala natin. Ibinibigay raw iyon sa atin dahil kaya nating harapin.

Yumakap si Johna sa nanay niya. "M-maraming-maraming salamat po sa walang-kapantay na pagmamahal, 'Nay."

Yumakap din sa kanila sina Prince at Lia.

"Mama, tapos ka na pong mag-aral. Eh, di ibig pong sabihin mabibigyan n'yo na po ako ng magandang bukas?" inosenteng tanong ni Lia.

They all laughed. Iyon nga pala ang alam ng bata kaya siya nag-aaral. Kinarga niya ang anak at niyakap.

Ah! Hindi niya kailanman pagsisisihan ang pagdating ni Lia sa buhay niya.

Nag-picture taking sila. Nakiusap na lang si Johna sa isang kaklase na kuhanan sila ng family picture. May naghihintay nang party sa bahay nila. Nandoon na raw ang mga dating kapitbahay nila pati na ang ilang kasamahan niya sa trabaho.

"Lola, wiwiwi po ako," sabi ni Lia, na ang ibig sabihin ay naiihi ito.

"Siya, halika." Kinuha ng nanay niya si Lia.

"Samahan ko po kayo, 'Nay?"

"'Ku. Hindi na. Alam ko naman kung nasaan ang CR dito."

When they left, Prince drew her inside his arms. Pumulupot ang mga braso nito sa baywang ni Johna at hinapit siya. Ikinawit naman niya ang mga kamay sa batok nito.

"I love you," he mouthed at her.

Yumakap siya sa asawa at idinikit ang ulo sa tapat ng puso nito. She closed her eyes and listened to the most beautiful song she had ever heard. "I love you, Prince. Wait, alam mo kagabi, nanaginip ako. Nakasakay raw ako sa jeep. Pagkatapos 'yong jeep, sa mga ulap dumaan."

"And then?"

Nag-angat siya ng mukha. "Nakadungaw lang daw ako sa bintana, nakapikit habang dinadama ang pagtama ng hangin sa mukha ko. Gano'n lang. Paggising ko, I don't know but I felt strange. Parang hindi lang 'yon ang panaginip ko pero nalimutan ko na."

"Hmm, well, malay mo mapanaginipan mo uli at sa susunod ay maalala mo na ang kompletong detalye." He kissed her forehead. "Oh, naalala ko, habang wala kang malay, naririnig mo rin ba ang nasa paligid mo?"

Sandaling nag-isip si Johna. "Hmm. Hindi. Wala naman akong naririnig. Ang huling natatandaan ko lang ay nang maaksidente ako."

"Oh. I guess, iba-iba lang talaga ng sitwasyon. Anyway, natanong ko 'yon kasi may ini-reveal akong secret."

"Secret? Anong secret?"

Ngumisi ang asawa niya. "Na una kitang minahal noong seventeen ka pa lang."

"Ano?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Her heart was beating wild. "A-ano'ng ibig mong sabihin—" Natigilan si Johna nang biglang may eksenang pumasok sa isipan niya. "W-wait..."

"I fell in l-love with you when y-you were just seventeen..."

"Then I saw you holding baby Lia..."

"I... I d-don't care if the road was rocky... as long as you're with me. P-please hold on..."

"Oh, my God!" namamanghang bulalas ni Johna. She was in energy form. Hindi lang niya naririnig ang mga nasa paligid kundi nakikita rin niya! Nag-init ang kanyang mga mata. Namuo ang maiinit na luha. "H-hindi ko alam kung b-bakit nawala sa isip ko, o kung bakit parang nabura sa alaala ko ang nangyari... Pero t-tulad mo, naririnig ko rin kayo. Hindi lang iyon, nakikita ko rin kayo. I've been separated from my body. H-hindi ko lang kayo mahawakan..." garalgal ang boses na pagkukuwento niya.

Natutop ni Prince ang bibig. His eyes grew in amazement. She knew he was believing her. Mayamaya, niyakap siya nito nang mahigpit. "God..."

"I know... Oh, God..."

Miracle. They say it was a miracle. Naniniwala roon si Johna. At naniniwala siyang dahil iyon sa Kanya. Love and faith can do a lot of miracles. Kailangan mo lang maniwala.

Ilang tao ba ang nakaranas ng naranasan nila?

Hindi na malubak, maputik, at mabato ang tinatahak niyang daan. It was now smooth and straight. Walang humps, walang lubak, walang paliko-liko. Although alam naman ni Johna na hindi iyon ganoon habang-buhay. Of course there would be a lot of problems and trials in the future. Nakahanda naman siyang harapin ang mga iyon. Sa lahat ng darating na pagsubok, alam niyang hawak-kamay siyang dadamayan ng asawa.

Because they got each other's back. They got each other's hearts. Most of all, they have the greatest power on earth—love. And faith. Gumagawa iyon ng mga milagro.


••• Wakas •••


-----------------

Dito na po natatapos ang kuwento nina Prince at Johna. :) Thank you for reading. Kumusta po ang story? Nagustuhan ba ninyo? :) Let me know. Paki-Vote din po. And please, paki-share sa friends ninyo. 


Til next novel. Stay safe, guys. God bless us all!

Of Love... And Miracles (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon