"DERETSUHIN MO ako, bakit ka narito?" galit na tanong ni Angelu. Anj, Anj, kalma lang. Kita mo nga ang lalaking iyan, o, kalmadong-kalmado. Kung makaakto akala mo wala siyang mabigat na kasalanan. Huh! The nerve of this man! Ginagamitan ka pa ng charms! Sa malas, mukhang domoble ang bisa ang charms na iyon dahil napapasok agad ang sistema niya sa kabila ng galit niya.
Nick sighed. Naupo na uli ito sa gilid ng stretcher. Hindi niya gusto ang pagtingin-tingin nito sa kanya dahil pakiramdam niya ay nababasag ang depensa niya. "Honestly pumunta ako rito para kumpirmahin nga kung may anak ako."
Tumalikod si Angelu, namaywang siya. Then she laughs. She laughs, hysterically. Hanggang sa maiyak na siya. Maiyak sa galit. Damn this man. Bakit parang kontrolado nito ang sitwasyong iyon? Bakit ang cool nito? Bakit nakakaasta ito na parang wala itong kasalanan? He walked out on her for Pete's sake!
Napaigtad pa siya nang maramdaman ang palad ng lalaki sa kanyang balikat, balak atang kalmahin siya. "Don't touch me!" sikmat niya bago marahas na pinahid ang mga luha. Hinarap niya ito. "Akala mo nagsisinungaling ako nong sabihin ko sa 'yong buntis ako? Na gawa-gawa ko lang ang pregnancy test? Wow, Nicholas. Wow. Iba ka," buong sarkastikong sabi niya.
Nag-iwas naman ng tingin si Nick. Guilt crossed his eyes. "I'm sorry. I can't remember."
"Sorry? You can't remember? Wow! Hindi mo matandaan na noong sabihin ko sa 'yong buntis ako ay para kang aso na nabahag ang buntot at dali-daling umalis?" She exclaimed. "Kunsabagay, hindi mo nga rin pala matandaan kung sino ako, 'di ba?" aniya bago tinalikuran ito. Tinungo na niya ang pintuan.
Pipihitin na niya ang door knob nang magsalita si Nick. "Sa kabila ng kasalanan ko, hindi niyon maaalis ang katotohanan na ako pa rin ang ama ng bata," anito. Hindi maipagkakaila ang kaakibat na determinasyon sa tinig nito.
Totoo naman iyon. Balibaligtarin man niya ang mundo ay hindi magbabago ang katotohanan na ito ang ama ni Paolo. "Semilya lang ang galing sa 'yo. Kailanman ay hindi ka magiging ama sa anak ko. Inalis mo ang karapatan mo sa kanya noong talikuran mo ako."
"I'm really sorry," agad na sagot nito kaya hindi niya magawang pihitin ang seradura. Napapikit siya. He sounded as if he was really sorry. "Noong mabasa ko ang confession, hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang bagay na iyon. God, that was really horrible. That was unacceptable."
Muli siyang humarap. Diyos ko. Ang sarap sapakin ng lalaking ito sa mga pinagsasabi niya! "Nang mabasa mo ang confession? At, ano uli? Hindi mo maisip na magagawa mo ang ganoong bagay? Bakit? Nabura na ba sa utak mo ang pinaggagawa mo noon?" sarkastiko niyang tanong. "Are you kidding me, Nick? Are you taking me for a fool? Or, are you insulting my intelligence?"
"Naaksidente ako sampung taon na ang nakakaraan."
Natigilan siya. "What?" Tama ba ang narinig niya?
Hindi siya makahuma nang lapitan siya ni Nick. Tumalikod ito sa kanya, bahagyang nag-bend. Hinawi ng kamay nito ang ilang parte ng buhok at doon nakita niya mga prominenteng guhit ng peklat. "Naaksidente ako. Car crash. I had so many head injuries. Dahil doon ay dumaranas ako ngayon ng amnesia hanggang ngayon."
Napalunok siya sa narinig. Si Nick ay muli nang tumayo at humarap sa kanya. Amnesia? May amnesia ito? Kaya ba hindi siya nakikilala?
"I have no idea kung ano ako dati, pero maniwala ka, the moment I read the confession I was so determined to know the truth. Determinado akong kilalanin ang bata at akuin ang responsibilidad ko sa kanya. And never in my life na naging ganoon ako ka-determinado. I am sorry about yesteryears but I am a different person now. Sa maniwala ka at sa hindi, pakiramdam ko ay kasumpa sumpa ako dahil sa ginawa kong pagtalikod. Sa mga pagsasamantala ko noon. Hindi pa naman ang huli para magbago hindi ba? Hindi pa naman huli para maitama ang lahat."
Pagak siyang tumawa. Hinarap niya ito at binigyan ng nang-iinsultong tingin. "Kung hindi ka pa naaksidente, hindi ka magbabago? Great. Masyado ka na sigurong makasalanan kaya nilinis na ng diyos ang utak mo."
He was speechless and she felt good.
"GUSTO mo ba siyang makilala, Pao?" tanong ni Angelu sa anak. Nasa cottage na nagsisilbing bahay nila. Malayo iyon sa karamihan. Kani-kanina lang inireport sa kanya ng staff sa front desk na nag check in umano si Nick. Mukhang wala itong balak umalis hangga't hindi nakukuha ang gusto. Unfortunately, may kinalaman doon ang anak niya. "Of course you do." She fondly touches his face.
"A-ayoko po sa kanya kung sasaktan ka lang niya."
Saglit na ipinikit niya ang mga mata. Gustong-gusto niyang ipagdamot si Paolo. Gusto niyang itago ito mula kay Nick dahil para sa kanya ay wala na itong karapatan sa kanyang anak. Karapatang ito mismo ang nag-alis noong takbuhan siya nito. Gusto niyang magalit si Paolo sa ama nito. But Angelu knew better. Alam niyang hindi iyon makabubuti para kay Paolo. At kailan man ang tanging ginusto lang niya ay ang lahat ng mabuti para sa anak.
"Paolo, son, listen. Pareho pa kaming bata noon. Kapag mga bata pa ay sadyang padalos-dalos at may mga desisyon na pabigla-bigla at hindi pinag-iisipan. Nakakagawa ng mga maling desisyon na sa huli pinagsisihan. Maybe he walked out on us then because he was young, scared of the sudden responsibility, and he doesn't know what to do. Ma—"
"I'm sure you were scared, too. You were young then, too," katwiran ni Paolo.
"Yeah. I..." bumuntong-hininga siya. Hindi ordinaryong bata ang kanyang anak. He was matured at his age. May sariling isip. Hindi ito iyong klase ng bata na bigyan lang ng lollipop ay mawawala na ang pagtatampo. "Pao, ang totoo ay hindi pa kami nakakapag-usap ng d-daddy mo," hindi pa nakakapag-usap ng matino. "Kaya hindi ko pa sigurado kung ano ba talaga ang pakay niya rito. B-but he said he wants to know you..." Angelu tried so hard to contain her emotion. Gustong makilala ni Nick si Paolo at akuin umano ang responsibilidad nito. Ipagkakait ba niya ang pagkakataong iyon sa bata dahil lamang sa galit niya? No. She isn't selfish. Lagi na ay uunahin niya ang kapakanan ni Paolo kesa sa pansarili niyang interes. That's what mothers do. "Bago kita ipakilala sa kanya, sisiguraduhin lang muna ni mommy kung hindi ka niya sasaktan, okay?"
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...