The pre-beginning.

19 0 0
                                    

Kapag ganitong idad ka na, siguro alam ng iba't ibang tao na hindi ganun kahirap mainlove. Innocent love ika nga. Marami pang mga feelings na hindi pa napapagdaanan at nararamdaman. Siguro marami ang pinagbabawalan magmahal kasi alam ng mga magulang natin kung gaano kasarap magmahal at makapiling ng may nagmamahal sayo... pero alam din siguro nila kung gaano kasakit masaktan.

"MItch ano ba ang tagal naman e!"
"OO ito na malapit na!'"

Si Mitch ay bagong graduate na kakukuha lang ng trabaho sa hospital bilang nurse. Para syang itlog,
matigas sa labas, pero sa loob alam ng lahat ay malambot. Kahit gaano kasiga, alam ng lahat na gustong gusto nya na may magmahal sa kanya. Ako nga pala ang kaibigan nya, si Luni. And I will also be your narrator for this wattpad story :)

"Lintik na! Iiwan kita dyan e!" sabi ng tatay ni Mitch.
"Tapos na! Ayan na o, halika na tay. Late na ko sa trabaho!"
"Ikaw, kelan ka ba magkakaboyfriend?"
"Pag nakaasenso na tay!"
"Pabilis bilis naman, para sya nalang ang maghahatid sundo sayo! Para kang bata e!"
"Tay naman, alam mo naman ay ikaw ang favoite kong driver, sige na."
"Manang mana ka talaga sa nanay mo! Sipsip!"

Samantala, sa ibang mundo andito naman si Andy.

"Musta pare! Ang saya kagabi! Inuman ulit! Chicks!"
"Naku Andy ayan ka nanaman, di ka ba napapagod sa gimikan?" sabi ni Troy, kaibigan ni Andy.
"Never pare! Party till the end of time! WOOO!"

Si Andy, mahilig sa labasan. Gabi gabi, umiinom kasama ng mga basagulero nyang mga kaibigan. Umuuwi ng madaling araw na amoy alak at babae. Never nagkarelasyon na sineryoso, puro lang sex ang hinahanap. Parang isip gago nga.

"Mitch! Mitch! Labas tayo ngayon!" sabi ng isang kaibigan ni Mitch, si Misa.
"Sige, saan labas?"
"May bagong restaurant daw dyan sa may Alabang. Masarap daw! Tikman natin?"
"Sige, punta tayo!"

"Troy! Kain tayo sa labas!"
"Saan?"
"Bagong resto daw dyan sa Alabang. Masarap daw, e pagod na ko sa kalinderya namin e. Araw araw adobo nalang kinakain ko."
"Ah sige sige, gutom na rin ako e. Lika na!'

Thirty minutes later...

"Wow, ganda naman Misa"
"OO nga eh. Parang nasa America tayo!"
"Gaga, makakain lang ang layo na ng narating mo."

"Wow, ang daming chicks tol!" sabi ni Andy.
"Tumahimik ka nga dyan, para kang hayop na pinakawalan sa koral"
"Joke lang, kain na nga tayo"

"Mi, CR lang muna ako ah"

"Tol banyo lang" sabi ni Andy.

Paglabas ni Andy ng banyo, nakatalikod si Mitch sa kanya at nakatinging sa salamin ng kaharap ng mga CR. Pagkatingin ni Mitch kay Andy sa salamin, nakita nya na may tinitignan si Andy sa may likudan nya. Feeling nabastos sya, tumalikod si Mitch at sinampal nya si Andy.

"ANONG TINITIGNAN MO HA?!"
"ANO BA?! Makasampal ka akala mo kung sino!"
"Bastos!"
"AKO NABABASTUSAN DYAN SA TISSUE SA PWET MO! LINISIN MO NGA"

And with that, umalis si Andy at hiyang hiya si Mitch.

"Lika na nga tol, bar na lang tayo. Nakakabad vibes mga tao dito"
"Bakit anong nangyari?"
"Etong babae, lumabas ng banyo na may tissue sa may pwetan. TInignan ko lang, bigla akong sinampal. Kung di ba naman sinaniban ni satanas!"

"Misa! My god, kailangan na nating umalis."
"Bakit?!"
"Hiyang hiya ako, dios me"
"Ano nga nangyare???"
"Eh kasi naman e, akala ko tong lalake binabastos ako kanina. Nakatingin sa likudan ko... yun pala may tissue pala ako sa pwet ko"
"HAHAHAHAHAHAHAHA.. so baket tayo aalis?"
"E... sinampal ko kasi yung lalake."
"BAKIT?!"
"YUN NGA, AKALA KO KUNG ANO ANONG TINITIGNAN!"
"HAHAHHAHA, halika na nga! Baka maaresto pa tayo dito."

Sabay din sila lumabas ng restaurant.

"Troy?!" sabi ni Misa.

"MISA!!! Long time no see!" sabi ni Troy
"IKAW?!" sabi ni Andy kay Mitch.

"IKAW?!" sabi ni Mitch. "Sinusundan mo ba ko?!"
"Ang kapal din ng muka mo, ikaw na nga sumampal sakin ako pa susunod sayo?! Lasing ka ata, waiter cape nga!"

"Whoa, chill lang kayo dyan. I'm sure, all of this is just one big misunderstanding." sabi ni Troy. "Misa, ito nga pala kaibigan ko si Andy. Andy this is my long-time friend Misa."
"So nice to meet YOU, Misa."

"Nice to meet you Andy." said Misa, "Eto nga pala si MItch. Mitch, si Troy at Andy."
"Nice to meet you Troy....ikaw, not so nice"

"Alam mo, ang ganda mo sana, sayang lang kasi demonita ka!"

Nung paguwi nila...

Misa: Alam mo, dapat nagsorry ka.
Mitch: Alam ko
Misa: O bakit hindi ka nagsorry?!
Mitch: Ewan! Sama ng kutob ko dun sa mokong yun eh
Misa: Oo nga eh, yun ata yung sinasabi ni Troy na basagulero nyang kaibigan. Pero okay din naman daw kung makilala mo.
Mitch: Kita mo? 


Habang naguusap sila Mitch and Misa tungkol kay Andy, katext naman ni Misa si Troy. May naisip silang plano na iset up sila Mitch at Andy. Matino daw naman si Mitch, at kailangan lang ni Andy ng totoong babae para matinuhan. Tuwang tuwa silang dalawa. "This will be fun to watch" sabi daw ni Troy. Pagkatapos nila tong pinagusapan, pareho din nilang sinabi kay Mitch at Andy.

Mitch and Andy: NO

Andy: Tol ano ba naman, rereto mo lang ako, dun pa naman sa anak ni Satanas!
Troy: Ito naman e! You never know if you don't try. Sa tingin ko naman makakabuti sayo ang makahanap ng matinong babae. Hindi yung mga iba't ibang babae na pinupulot mo lang dyan sa mga bars,
Andy: Yun na nga e. Ayaw ko pang magseryoso. Kaya nga one night stands lang mga hinahanap ko
Troy: Pare, kaibiganin mo lang. You never know, baka may mangyari na hindi mo maiexpect.
Andy: Maghanap ka ng iba. Ayoko dun sa babae na yun.

Mitch: EWW YUCK! Dun sa mokong na yun?
Misa: Anong mokong?! E ikaw nga sumampal nga dun sa tao kahit walagng ginawa sayo!
Mitch: Oh so ngayon, may utang na ko sa kanya? Nabastos lang ako, di ba nya kayang maintindihan yun?
Misa: MITCH! SINAMPAL MO YUNG TAO!
Mitch: Edi sorry sa kanya! Pero wala akong planong patulan yan
Misa: E paano kung ikaw patulan ;)
Mitch: Tumahimik ka dyan! Che!

 Sa ka dami daming beses na inisnob ni Mitch at Andy sila Misa at Troy, sumuko na rin ang pagseset up sa kanilang dalawa.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I hate you. I hate you more.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon