Vin's P.O.V
Pababa na ako sa hagdan ng may marinig akong nagtatawanan.
"Ay naku ikaw talaga Hija",boses ni manang yon.Ano naman kayang pinag-uusapan nila?Tsk!Madaldal pa naman yung babae na yun.Baka maikwento nya yung tungkol sa warehouse.
Nagmamadali akong bumaba papunta sa kusina.Naabutan ko ngang nagtatawanan sila.Maraming pagkain ang nakahain sa mesa puro gulay.Ayos lang naman dahil paborito ko ang mga ito lalo na ang chapsuy.
"Hijo,ano't parang nagmamadali ka?",napansin ata ni manang ang pagmamadali ko.Umupo ako sa kabisera samantalang si manang naman ay nilagyan ng kanin at ulam ang aking plato.
"Ako na manang,kumain ka na din",walang emosyong saad ko.Kung wala lang kaming kasamang iba ngayon ay tiyak na masaya akong kumakain subalit hindi ko pwede ipakita ang aking emosyon dahil sa babaeng nasa kanang bahagi ng mesa.
"Hijo,alam mo na ba ang pangalan ng babaeng ito?Sya si---"
"I'm Adah Laine Cwerin Zenery,18 yrs of age.Tiga-Greenland.I love travelling and taking pictures--",tinapunan ko sya ng masamang tingin at napansin nya naman ata iyon.Napakadaldal nya tila ba hindi sya napapagod kakasalita.
"Napakadaldal talaga ng batang ito.Kaya tuwang tuwa ako sayo.Eto kasing alaga ko eh madalang magsalita.Napapanis palagi ang laway ko",sumabog naman ang tawa ng babaeng ito.Ano bang nakakatawa?Ang tawa na nagmumula sa kanya ay nagbigay ingay sa tahimik na mansyon.Maging si Manang ay natatawa na rin.
"Its obvious naman po Manang",natatawang sagot ni Babae.Ano bang masama sa magsalita ng madalang?Hindi ko lang trip mag salita.Nakakatamad.
"Eh ikaw Hija,alam mo na ba ang pangalan ng alaga ko?Sya si---"
"Opo naman sya si Jan!Nice to meet you Jan!",napuno ng pagtatakha ang mukha ni manang nang marinig nya ang tinawag ni Babae sa akin.
Fvck!Pahamak ka Miss!
"Ano kamo Hija?Jan?Vince ang palayaw nya o kaya ay Vin hindi Jan",naguguluhang sabi ni manang.
"Ha?Pero po narinig kong ang tawag sa kanya ay Jan",litong paliwanang ni Babae.Ano nang gagawin mo Vince?Mag-isip ka kung hindi ay mabubuko ka ni Manang!Si manang man ay naguguluhan na.
"Hija,Paanong narinig mo eh hindi ba't napulot ka lamang ni Vince sa daan?",Mas lalo namang nagulat si Babae.What should I tell to Manang?Damn this so talkative Girl!
"Ano pong napulot?"Ngayon ay nagpapalitan na nga tingin si Manang sakin at sa Babae.Pahamak ka kahit kailan Miss.Kailangan mong mag -isip ng palusot Vince!
"Hija,baka naman nagkakamali ka lang.Ang sabi nitong si Vince ay napulot ka nya sa daan.Paanong nasabi mong Jan ang pangalan nya?John Gervince ipaliwang mo nga sa akin ang nangyayari!",malakas na sabi sa akin ni Manang.Paano ko ba lulusutan 'to?Isip,isip,isip.
"Hindi naman po nya ako napulo-"
"Ah baka narinig nya kanina Manang nung buhat buhat ko sya papunta sa guest room.Remember?Sinabi mo kanina ang buong pangalan ko yung nga lang mali ang bigkas nya",palusot ko.Shit!Sana ay maniwala si Manang.
"Ha?Pero hindi mo naman ako napulo--"Magsasalita pa sana si Babae pero isinubo ko na sa kanya ang nakita kong carrots.Napakadaldal nya!
"John Gervince!Ano ba umayos ka nga.Kung gusto mong subuan si Adah ay wag naman biglaan",nararamdaman ko ang kahihiyan.Hindi ko alam kung alam ba ni Manang ang pinag-sasabi nya.Para kasing dalawa ang kahulugan ng kanyang sinabi o baka utak ko lang talaga ang may problema.Tinignan ko naman si Babae at nakitang nagpatuloy na syang kumain ngunit nakasimangot.Ano naman kayang problema ng babaeng 'to?
YOU ARE READING
Captured Memories
Kurzgeschichten"She came unexpectedly in my life and I didn't know that she will left me unexpectedly too" ~John Gervince Le Davin