Ayra POV.
Nakahanda na ang mga bag ko,laman nito ang mga importanteng bagay na kailangan ko.Lumabas na ako ng kwarto ko at bumababa.
Nadatnan ko sina Mommy at Daddy ba nakaupo sa sofa,tila tahimik lang sila.Alam kong nag-aalala sila sa pag-alis ko,nag-alala sila sakin na baka may mangyari na naman sakin kung sakaling babalik ako sa Baryo Kabantugan.
Ngumiti ako sa kanila at tumabing umupo.
"Promise Dad, Mom,wala akong gagawing ikapapahamak sakin doon.Aalagaan ko po ng maayos ang sarili ko,at tsaka andun naman sina Lolo at Lola na magbabantay sakin diba?"mariing tugon ko sa kanila.
"Sasamahan kaya kita.."pag-aalalang tugon sakin ni Daddy.
"Please Dad,I can do it by my self.Wag na kayong mag-aalala, please.."niyakap ko silang dalawa.
"Noong nawala ka sa piling ko,pati ako nawalan narin ng pag asa na mabuhay pa.Kaya my dear Ayra,may tiwala ako sa'yo kaya hahayaan na kitang makabalik sa Lolo at Lola mo.."sabi sakin ni Daddy.
"Don't forget to call us,kapag nakarating ka na dun."saad naman ni Mommy sakin,tumango ako sa kanya at muling niyakap sila ng mahigpit.
"Thank you Mommy,Daddy.."
.....
"Magbabalik siya...Malapit na,paparating na siya.."
Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi,mariin niyang pinagmamasdan ngayon ang sulok ng kagubatan.
"Itinakda ang dapat, tadhana'y maisasakatuparan,ngunit pag-ibig na lubos bakit sa huli'y luha ay aagos.."
Tumalikod siya sa kagubatan at naglakad papalayo.
....
"Apo! Segundo,andito na ang apo natin..."nae-excite na saad ni Lola Alwina nang makita akong paparating.
Napansin kong itinabi ni Lola ang kanyang hawak na pandilig at nagmadaling sumalubong sakin.
Agad akong nagmano sakanila at niyakap sila ng mahigpit.
"Na-miss ko kayo Lola.."
"Ay naku,pati ako apo.Akala ko di mo na kami babalikan."nakangiting sabi ni Lola sakin.
Nasa 80's na sila ngunit kitang kita ko parin ang lakas nila,dahil siguro iyun sa kanilang mga pananim na gulay.
"O siya apo, pumasok ka muna alam naming napagod ka sa byahe mo.Ipagluluto ka namin ng paborito mong adobo.."sabi naman ni Lolo sakin.
Napansin ko ngang kumakalam na ang sikmura ko,halos isang araw rin ang binyahe ko mula sa Manila patungo rito sa Baryo Kabantugan.
Excited na akong muling matikman ang paborito kong luto nina Lola.Ibang iba kasi ang lasa niyon kesa sa mga resto sa Maynila,kaya sigurado akong mapapasabak ako ngayon.
Medyo dumidilim narin ang paligid kaya pumasok na kami sa loob,sinabihan naman ako ni Lola na nakahanda na ang silid ko sa itaas,kaya tumungo na ako roon upang magbihis.
Pagkabukas ko palang sa kwarto,ay sumalubong na sakin ang malamig na hangin,ang sarap sa pakiramdam niyon.Parang nanumbalik lahat ng mga ala ala ko,tiningnan ko ang paligid,maaliwalas ito at malinis.
BINABASA MO ANG
He's my Historic Guy
Historical Fiction(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng signal doon. Kaya't hahamakin niya na maghanap ng signal sa labas papasok sa kagubatan. Hanggang mapagt...