Chapter 12: Nomination

73 7 0
  • Dedicated kay Kyle Balbon
                                    

CHAPTER 12: NOMINATION

“Lahat ng estudyante dumiretso na sa gym.” Sabi ng guard. Ano kayang meron?

Naglalakad na ako papunta sa gym. Eh san nga ba ulit yung gym? “Oh, Amanda, saan ka pupunta?” Nakasalubong ko si Oneal na sa tingin ko ay mula sa parking lot.

“Sabi ni Manong Guard, pumuntaa daw ng gym.” Simple ko lang na sab habang inaayos ang pagbitbit ko sa backpack ko.

“Ganun ba? Mali kasi ang daan mo. Tara na nga.” Hinawakan niya ang mga balikat ko sabay tulak sa akin sa kabilang direksyon.

Pagdating sa gym, makikita mong nagkukumpulan ang mga estudyante. Ito ba yung club signing day? Di manlang ako nainform. Haaayy. Wala daw klase hanggang lunch time para dito.

May mga desks at booths na kanya-kanyang gimik para makahalina ng club members. Madaming pagpipilian eh. Tapos isang lang daw ang club na pwedeng salihan. Eh ano nga? Ang hirap mag decide.

Nakaupo lang kami ni Oneal sa gilid. “Ano? Nakapili ka na ba?”

Nilingon ko siya ng may nalilitong mukha. “Di pa. San ka ba diyan?”

“Photography and Journalism.” Tama. Pwede rin ako dun. Last year, writer ako sa campus newspaper. “Kaso Amanda, Required ang DSLR camera at sariling laptop.” Toinks.

Ang hirap naman. Magastos kasi karamihan diyan eh. “Oneal, pwede bang wag nalang sumali?”

“Uhm. Sa pagkakaalam ko hindi. May Extra Curricular Grade kasi diba?”

Sa pagiisip ko, nakita ko si Enzo. Tinitignan lang siya ng mga tao at parang inaabangan kung saan siya sasali. Pupusta ako. Sa Theater Arts siya sasali o kaya sa Dance Club.

“Tara na Oneal. Susubukan kong mag-inquire.” Sinamantala ko na ang katahimikan nila. Kami naman ni Oneal ang mag-sa-sign-up. Debate Club, Photojournalism, Theater Arts, Dance Club, SciMath, Cheering Squad, Swimming Team, Tennis, at marami pang iba. Blockbuster yung pila sa Dance Club. Eh hindi naman ako marunong sumayaw.

“SciMath nalang ako?” Kinalabit ko si Oneal kasi parang may kinakausap siyang clubmate from afar.

“Sige lang. Basta kung ano ang tinitibok ng puso mo. Sign-up ka lang ha. Tawag kasi ako ni Jef. Kailangan ko daw mag bantay sa booth.” Nagmamadali niyang sabi. Si Jef ata yung President nila.

“Walang problema.” Sagot ko. Kaya naman pumila na ako kahit ito yung pinaka maiksing pila out of all clubs. Parang feeling ko nga, dito talaga ako belong.

“Hello Amanda! Feel free to join the club!” Sabi ng babaeng nakaupo sa desk. She’s probably the president. Senior na siya ayon sa uniform niya.

“Bakit mo ako kilala?”

“Uhm. Kasi nakalagay sa ID mo.” Ay oo nga. Binalik ko ang tingin ko sa papel. Pang 9 palang ako? Poor little club. “Ako si Jade. SciMath President. Welcome! And we hope to see you at room SciMath Clubroom later.” Sabi niya matapos kong isulat ang pangalan ko. Wala naman sigurong masyadong gagawin sa club na ito. Kung quiz bee pa yan. Sige lang. Dun lang naman ako masaya.

Kissed by My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon