CHAPTER 13: ROOFTOOP
“I nominate Amanda!” Bigla nalang naglinunan ang mga tao sa akin. Trip na naman ako ni Enzo? Tinignan ko siya ng masama.
“Bakit Anong ginawa kong mali?” Nagtanong pa siya.
Parang di maipinta yung mukha nila. “Bakit siya pa yung ninominate ni Enzo?” May nagbulungan sa harap. Rinig ko naman.
“Respetuhin mo nalang ang taste ni Enzo. Ganyan talaga kapag medyo foreigner, exotic ang taste.” Di ko alam kung panlalait ba yun.
“Salamat Enzo. Sige, sino pa ang inonominate niyo? Mabuti pa ngang magbotohan nalang.” Sinulat na ni Ate Jade ang pangalan ko sa board.
“Ate Jade wag ako!” Protesta ko.
“Hala. Bakit naman?” Waaaaah. Yung mukha niya. Bakit? Bakit ganun? Sa isang milyon kaya kong tumanggi, pero sa kanya hindi?
“Hindi po, ang ibig kong sabihin, hindi lang dapat ako. I nominate Carla!” Tinuro ko yung mahinhin na maganda. Tapos sinulat naman agad ni Ate Jade sa board yun.
Na-nominate rin si Jessa, Lea at si Irish. Mas okay kasi mas hindi nila ako bobotohin dahil ang gaganda ng mga kalaban ko.
May nag-close na ng nomination at simula na nga botohan.
“Paalala ko lang ha, kung sino man ang representative natin, buong puso natin siyang susuportahan. Simulan na natin.” Una nga pala yung pangalan ko. “Sinong boto kay Amanda?”
Owyeah! Walang nagtataas ng kamay! Yan. Dapat ganyan. Kung ako boboto, kay Carla nalang ako. “Wala talaga?” Wala nga Ate Jade. Akmang isusulat niya na yung zero.
“Ako po! I vote for Amanda.” Umepal na naman si Enzo. Hay nako. Ang sakit niya talaga sa kilay. Naiistress yung mga kuto ko!
“Sige na nga ako rin.” Nagtaas na yung iba. Wow ha. Parang utang na loob ko pa.
Mga 10 na yung nagtaas ng kamay. Pati si Carla kasama -_- Kaya yung zero, napalitan ng 10. Ay talaga naman.
“Sige, si Carla naman.”
Todo taas na ako. Dalawang kamay pa at kinakaway kaway ko pa. Pero bakit? Bakit lima lang?
Si Jessa, 6 votes. Kay Lea, 3 lang. Pero kay Irish 10 rin.
“We have tie! Yes! I’m so happy. Kaya ikaw nalang Irish!” napatayo pa ako sa sobang saya ko.
“Kumalma ka Amanda, hindi pa ako nakakaboto.” Sabi naman ni Irish.
“Iboto mo nalang sarili mo. Pleeeeeeaaaaaaaaaseeee” Nagpacute pa ako kahit alam kong mukha lang akong tanga.
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Подростковая литература"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...