CHAPTER 14: RESPONSIBILITY
Palakad-lakad kami sa hallway. Patungo sana sa SciMath room nang makasalubong namin si Enzo na yakap yakap ang bag ko habang mukhang tangang palingon lingon. Tinanggal na ni Oneal yung pagkakaakbay niya at hinayaan lang akong mauna ng onti.
“Hoy! Bag ko yan!” Sigaw ko.
“Hay nako. Kanina pa kita hinahap.” Mukha na nga siyang pagod. Pawisan yung noo niya tapos ang gulo ng buhok. “Kung alam mo lang pinagdaanan ko. Nilagaw pa ako ng mga pesteng babae. Kabanas. Di tuloy ako nakapag-lunch. Eto na bag mo oh.” Pareho lang naman kaming di nakapaglunch eh. Inabot niya na sakin. Pero parang....
“Halaaaa! Bakit nasira ‘to?” Natanggal kasi yung pangsabit sa balikat. Kaya pala yakap lang niya. Tapos punit na tin yung bulsa sa harapan. Dumumi pa lalo.
“Hah? Anong klaseng tanong yan Amanda? Sino bang nagbato sakin ng bag?!” Feeling ko naiinis na siya. Pero bakit ba ako lalong natutuwa. Hahaha.
“Hoy, Zachary Thomson” Lakas loob kong sinabi ang buo niyang pangalan. Wala naman kasi masyadong tao. “Hindi ganito ang sira ng binato. Ano ba ‘to? Baso?! Parang pinunit eh.”
“Ang kulit mo naman. Ilang beses ko ba dapat ulitin na hinabol nga ako ng mga babae. Inagaw nila, ayan tuloy napunit. Asar naman eh.” Hahaha. Ang cute talaga. Naasar na siya. Ganito pala siya ka-bugnutin kapag gutom. Pero di pwedeng ganito lang. Dapat mapalitan ang bag ko noh. Kasalanan parin ng kagwapuhan niya ‘to.
“Ang dami mong palusot! Palitan mo yan! Ngayon na!”
“Ano bang gusto mo, Amanda? Mag-magic ako ng bag? Di ba pwedeng kumain muna? Gutom na gutom na talaga ako eh.” Kawawa. Pero nakakatawa. Hahaha. Nasabi ko na bang ang cute niya? Pinunasan niyang pawis niya ng kamay niya. Tapos napapakamit narin siya sa batok dahil sa stress. Parang nawala tuloy yung gutom ko. O baka naman nalipasan na ako? Hahahaha.
“Ah, eh. Amanda, gusto mo bang samahan kita mamaya? Ako nalang ang bibili ng bag para sa’yo. Pakainin mo nalang muna yang kaibigan mo.” Bigla namang nagsalita si Oneal. Nandiya nga pala siya -_- Ouch naman. Di man lang niya mabanggit ng harap-harapan yung pangalang Enzo.
“Talaga? Maaasah—“ Di ko na natapos ang sasabihin ko.
“Hindi na. Ako na ang bibili!” Biglang sumingit si Enzo.
“Teka, okay lang naman sa kin eh. Kailangan ko ring lumabas mamayang hapon. Baka kasi may taping ka pa o kung ano man. Alam naman naming lahat kung gaano ka ka-busy bilang artista.” Sabi ulit ni Oneal. Oooohhh. Iba na ‘to ah. Parang may laman na di ko matukoy.
“Sino bang nakasira? Ikaw ba?” Aba, proud ka pa ba, Enzo na ikaw ang nakasira -_-
“Hindi mo naman kailangan mag-angas o magtaas ng boses porke artista ka e!” Omaygulay! Galit narin si Oneal. Umabante siya at matalim ang tinginan ng dalawa. Nakalimutan na nila ang existence ko.
“Bakit mo ba kailangan idamay ang pag-aartista ko? May sarili ka namang buhay. Atsaka bakit ka ba nangingialam dito. Hah?!” Hindi na’to nakaaktuwa.
“Teka nga!” Sumingit na ako bago pa man magkahawakan ng kwelyo. “Ang laki ng problema niyo! Bag lang yan! Ano ba! Para kayong mga bata! Eh ukay-ukay nga lang yan eh. Enzo, wag mo na pairalin ang init ng ulo mo.”
“Ako? Ako lang ba ang mainit ang ulo?” Ay nako. Para talagang bata.
“O—Hin—Basta pareho kayong mali! Ako na ang bibili ng bag ko. Oneal naman, wala ka naman kasing kinalaman dito.”
“Sorry, Amanda.” Yun lang sinabi niya at kumalma na siya. Habang si Enzo, para paring bata na nasiraan ng laruan.
“Sorry rin para sa bag mo. Ako na nga ang bibili mamaya at sasamahan mo ko. That’s final!” Edi sige. :3 Pagkasabi nun ni Enzo, umalis na siya agad.
*krrrriiing
2nd long bell na. Meaning, tapos na ang lunch -_- Nakakaloka! Di na talaga ako nakakain. Di bale, lunok laway nalang. Bumalik kami ni Oneal sa room.
~o0o~
Natapos na ang buong klase. Pinauna ko na si Oneal. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Enzo na ibibili niya ako ng bag. Sa totoo lang, joke lang yun kanina tapos ayun, naging seryosos tapos nagka-personal pa sila. Kaso, sa kabilang banda, wala na akong pera pambili ng bagong bag -_- Seryoso.
Palakad-lakad lang ako. Malapit na ako sa gate. Di ko alam kung bakit ko ba binabagalan. Di ko alam kung bakit ba ako umaasa na totoo yung sinabi ni Enzo? Mygoodness! Para akong tanga!
*beep
Agad naman akong lumingon. Akala ko si Enzo na yun. Yun pala, nakaharang lang ako sa daanan. Inikot ko ang paningin ko. Ay nako! Bakit ko ba siya hinahanap!
Ayun! Hala! Ayun lang pala siya! Lalapit sana ako pero nakakapit sa braso niya si Hazel -_-
Hindi ko alam kung bakit, pero naiimbyerna ako. OOOOOOOOOOY! Di ako nagseselos. Sadyang mainit lang dugo ko kay Hazel.
Ang saya nila ah! Sus, baka pinaguusapan lang nila yung tungkol sa showbiz.
Wews. Wala naman si Hazel sa showbiz. Bakit ang kapit niya? Sus, baka naman dahil sa modeling. Oo, tama.
“Amanda! Andyan ka na pala!” Like seriously, Enzo? Kanina pa po ako nandito. Lumapit silang dalawa. Bakit kasi silang dalawa! Sdapat sinisipa yang bruhang yan eh!
“Ano? Tara na?” Tanong ulit ni Enzo. Tinignan ko lang sila. Aalis ba kami? Tapos kasama si Hazel? Tae lang.
“Enzo, aalis kayo? Where are you going?” Medyo malanding sabi ni Hazel.
“Ah, Hazel, di na kami aalis. Enzo naman, wag mo namang iwanan yang GIRLFRIEND mo. Tsk. Tsk. Tsk. Baka mapanis yang mukha niyan eh.” Sarcastic kong sabi. Naasar si Hazel pero di niya pinapahalata. Ito namang si Enzo, halatang naiirita na sa pakapit-kapit ni Hazel.
“Hazel is not my girlfriend!” Sabay tanggal niya sa kamay nito sa braso niya.
“Why not?! I’m so pretty to be your girlfriend! I’m rich and famous pa.” Di lang siya pinansin ni Enzo.
“Tara na Amanda, ipagsho-shopping pa kita.” Sabay kindat ni Enzo habang lumalabas ang dimples niya. Kumapit naman din ako sa braso niya sabay dila kay Hazel. Hahahaha! Asar yung mukha! Laptrip!
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...