Cold Treatment
"I'll stay here, I have more work to do"
Malamig at seryosong sagot ni Rk ng pinuntahan siya ni Miya at tanungin kong anong oras ito uuwi.
kanina pa niya ito hinihintay at ang alam niya'y hanggang alas-otso lang ang office hour nila pero magaalas-nueve na ng gabi hindi pa rin ito lumalabas mula sa opisina nito kaya pinuntahan na niya.
Sa totoong lang medyo nahihiya parin siyang humarap dito pagkatapos ng nangyari kaninang umaga pero dahil assistant siya nito trabaho niyang i-assist ito at tulungan sa tuwing may gagawin.
Sa isip niya'y anong silbi ng pag-hire nito sakanya kung mula pa kanina ay hindi ito humihingi ng tulong sa tuwing may gagawin ito para ngang hindi nito kailangan ng assistant at kayang kaya naman nitong kumilos mag- isa.
Napaka flexible nito sa trabaho at kahit napaka cold nito sakanya ay namamangha siya rito kaya lang sa tuwing magsusubok siyang tumulong ay agad nitong tinatawag si Sir Floyd at iniignora siya.
Kahit hindi sabihin pansin niyang napapansin din ni Sir Floyd ang nangyayaring akwardness sa pagitan nilang dalawa.
Sa mag-hapon ay wala siyang ibang ginawa kundi umupo at hintayin kung kailan ito mag-uutos pero sa kasawiang pala ay maghapon din siya nitong di pinansin. Nagmukha tuloy siyang display sa isang tabi sa kawalan ng gingawa at parang hanging di nakikita.
Napakaseryoso nito at hindi man lang siya binalingan ng tingin nang sumagot.
"O-okay"
Tugon niya pagkatapos ay dahan dahang isinara ang pinto ng opisina nito. Hindi kasi siya lubusang pumasok at dumungaw lang siya kanina.
Naglakad siya pabalik sa upuan niya kasunod ng pagtunong ng kanyang tiyan, malamang nagrereklamo na sa gutom.
Kung alam lang niya na malilipasan siya ngayong gabi dinamihan na niya sana ang kain kaninang lunch break pero dahil bothered siya sa treatment ng binata ay di niya magawang makakain ng marami kaya nagmasid-masid nalang siya at di mapigilang magselfie sa bawat sulok ng kompanya kahit sa cafeteria di niya pinatawad, masyado siyang naoverwhelmed sa laki at ganda at pansamantalang nakalimutan ang tungkol dito na sobrang pinagsisisihan niya ngayon.
Napabuga siya ng hangin at binalingan ng nakamamatay na tingin ang pinangalingang pinto.
"Ano ba kasing problema mo at kung makaasta ka ay parang may isang dram ng yelong nagtatago diyan sa katawan mo, masyado kang cold hanggang dito ramdam!"
Reklamo niya na parang kausap talaga ang binata. Muli siyang napahawak sakanyang tiyan ng muli itong tumunog.
"Sandali lang, makakakain ka rin mamaya huwag kang mag-alala! hays! Anong oras ka ba kasi uuwi? Hindi ka ba nagugutom? Wala ka man lang konsiderasyon, reklamador pa naman tong tiyan ko. "
Himas niya sa tiyan, sobrang sama ng tingin niya sa pinto at iniimangine na ang binata ang tinitignan.
"Napaka- insinsitive!"
Habol pa niya saka Isinandal ang likod sa upuan at sandaling ipinikit ang mga mata pagmulat niya'y napatalon siya sa gulat ng bumungad sakanyang paningin ang nag-aakusang mukha ni Sir Floyd. Nakatayo ito sakanyang harapan habang nasa likod ang mga kamay. Ang creepy ng dating!
"Sinong kausap mo?"
Tanong nito at bahagya pang nagmasid-masid sa paligid hinahanap ang kausap niya.
"H-ha?"
Kinabahan siya, narinig ba nito ang lahat ng sinabi niya? Hala! Baka isumbong siya nito! Sana hindi!
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...