NAMICHIKO
Nagising ako ng maramdamang may kung ano sa may paanan ko, at ng subukan kong imulat ang mga mata ko ay nakaramdam ako ng matinding hilo at labis na sakit sa bandang likod ng ulo ko, tila ba'y pinukpok ito ng napakalakas.
Itinaas ko ang kamay ko para sana hilutin ang ulo ko ng marealize ko na wala nga pala ako sa bahay.
Bagaman nahihilo ay natataranta kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Bumuo ang kaba at takot sa aking sistema ng mapagtanto kung nasaan ako ngayon.
Ito ay iyong lumang gusali! Napagtanto kong nakaupo pala ako sa isang lumang bath tub ngayon, punong puno ito ng pulang likido, batid kong dugo iyon.
Narinig ko naman ang pagtulo ng kung ano sa may likod ko, dahilan para madagdagan ang kaba at takot na nararamdaman ko. Dahan dahan ko itong nilingon, kitang kita ko ang dalawang paa mula sa gilid ng aking mata, para bang may nakabigti.
Ng tuluyan ko ng malingon iyo ay napasapo ako ng bibig. Bumungad sakin ang katawan ni... Nicole.
Marahan pa akong napaisod dahil sa nakita. Nagsimula na ding manginig ang aking mga kamay, na ngayo'y kulay pula na dahil sa dugong nagkalat sa bath tub. Nagsimula na ding mamasa ang mga mata ko.
Bumungad sakin ang katawan ni Nicole, nakabigti at puno ng saksak ang katawan. May kutsilyo ding nakatusok sa kanyang ulo, at tumagos pa ito hanggang sa kanyang baba. Mukhang bago at presko din ang mga dugong dumadaloy dito kaya batid kong kanikanina lang siya pinatay.
Hindi na ako nagaksaya ng oras pa. Dali dali akong bumangon at umalis doon sa bath tub, ginagawa ang lahat ng makakaya para hindi makagawa ng tunog.
Dali dali akong tumungo doon sa pinto na katapat lang nung bath tub na kinaroroonan ko kanina at bubuksan ko na sana iyon ng may narinig akong putok ng baril at nakita ko rin kung paano dumaloy ang dugo sa kamay ko na nakahawak sa door knob. Saglit pa itong namanhid at bigla bigla ding kumirot.
"You're going nowhere, Nami."
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Tajemnica / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"