#TLOQ08
That call is the longest call of my life. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari. Pakiramdam ko ay hindi si Hei Yi ang nakausap ko. He felt so unreal...
Dahil ba matagal ko siyang hindi nakakausap? Kaya parang bago na lamang sa akin ang kaniyang boses at presensya?
Pero hindi...
Parang may mali.
Pinayagan niya akong umuwi at puntahan ang aking mga magulang. I mean... bakit?! Bakit niya ako pinayagan?! Hindi ko pa iyon nababanggit sa kanya at siya mismo ang nagtanong sa akin kung gusto ko pa bisitahin ang aking pamilya.
Hindi ko alam. Masarap siguro ang pagkain niya kaninang almusal.
Bahala na. Basta pinayagan na niya ako at narinig ni Rhys 'yon. Hindi na niya pwedeng bawiin 'yon. Sinigurado niya rin sa akin na papayagan ako makalabas ng palasyo at hindi ko na kailangan pa ipaalam kay Lady Claret.
Ewan ko rin ba! Alam ko namang hindi ko kailangan magpaalam sa kaniya pero parang required talaga ako na ipaalam sa kanya ang mga ganap ko sa buhay! Unless, gusto ko na naman makwestiyon sa mga walang kwenta niyang assumptions.
"Ang lalim ng iniisip natin ah."
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko si Gu Si na nakatayo ngayon sa aking likuran. His eyes are smiling at me. He looks very happy... well Gu Si and his smiles, he's always like this.
"Anong ginagawa mo dito? Wala ka nang klase?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Yung tawag ko pa sa kanya nung isang gabi bago umalis si Hei Yi ang huling usap namin. Hindi ko siya palagi nakikita dito... siguro dahil nasa third year na siya. Ako naman first year pa lang sa pharmacy. Iniisip ko na lang na baka masyado nang busy sa third year dahil naka-focus na iyon sa mga hands-on na gawain.
Tumingin sa kanyang relo. Then he just shrugged. "Kumain ka na ba?" Tanong niya sa'kin habang hindi pinapansin ang tanong ko kanina. "Gusto mong kumain muna bago umuwi?"
Umiwas ako ng tingin. Hinihintay ko ngayon sina Rhys para sunduin ako. Maaga kasi nadismiss ngayon dahil pinapatawag daw ang mga Quinoffs sa palasyo. Lahat ng professors ko ay mga Quinoffs. Ito ay marahil ako ang consort ng Crown Prince. Kaya natutuwa palagi ang mga kasama ko sa klase sa tuwing pinapatawag ang mga Quinoffs. They were very thankful because they were at the same section as mine.
"Ayaw mo ba kong kasama?" Tanong ulit ni Gu Si. Ang kulit naman nito... tsaka ang tempting. Gusto ko rin kumain sa labas. Palagi na lang ako sa mansiyon kumakain eh. Hindi naman ako nagrereklamo kasi sa totoo lang, sobrang pagkain dun. Nanghihinayang lang kasi ako sobra...
Lalo pa ngayon na mag-isa na lang ako sa mansiyon. Isang tao lang ako pero sampung plato ng pagkain 'yung nakahain. Minsan nga tinatawag ko ang mga Indfu na sabayan ako pero hindi raw pwede... mapapagalitan daw sila.
Ang lungkot kaya sa bahay...
Gusto ko na umuwi sa lugar namin.
"Hinihintay ko sina Rhys. Susunduin nila ako." Sagot ko kay Gu Si na ngayon ay nakatingin pa rin sa'kin at tila hinihintay na sumagot ako ng "oo". Isa pa itong prinsipe na 'to... hindi ata tumatanggap ng sagot na "hindi" at "ayaw".
"And you're coming with them?" Natatawang sagot ni Gu Si. "What's with your breathing space, Lady Qin? Are you enjoying the mansion now?" Tanong niya sa akin habang natatawa pa rin.
YOU ARE READING
The Legend of Qin
Genel KurguShania Rylie was living her preferred normal life for eighteen years, where she can do everything under her control. Without rules, without anyone's order. Yet her normal life began to change when the Empress Dowager from the royal family summoned h...