Prologue

111 5 10
                                    

The Man Who Loves Her

PROLOGUE

“DOK…..” nagpapanic na sigaw ng  nurse habang ito’y palapit sa doctor. “..Dok kailangan ninyong tignan ang isa sa mga baby, umiiyak po ito at namumula.” hinihingal man ay tumakbo ulit ang nurse kasunod ng doctor.

“Ano ba ang nangyari dito?” nag-aalalang sabi ng doctor habang chinecheck ang heartbeat ng baby boy na katabi ng baby ni Mrs. Peyton. Nataranta ang doctor ng marinig ang napakalakas na tibok ng puso ng lalaking baby.

“Itinabi ko lang po sya sa baby ni Mrs. Peyton ng sandali, then bigla po itong umiyak at namula. Napansin ko rin po ang bilis ng pagtibok ng baby na ito.” ni hindi maipaliwanag ng nurse ng buo ang mga pangyayari. Sa gabi din kasing iyon, tatlong ina ang tinulungan nilang manganak, at isa sa mga naging problema nila ay ang pahirapang pagpapanganak sa isa sa mga buntis.

Inilipat ng doctor sa kabilang incubator ang baby ni Mrs. Peyton upang mas masuri ng maayos ang batang lalaki. Nagulat sila ng makitang tumahan na’t tumigil sa pag-iyak ang baby boy. Tinignan ulit ng doctor ang heartbeat ng baby at napansin na umayos ulit ang tibok nito. Inilagay ulit ng doctor ang baby sa tabi ng baby ni Mrs. Peyton, at agad na naman ito umiyak at namula. Nataranta ulit ang doctor kaya inilipat ulit sya ng incubator. Tumahan ulit ang baby at nawala ang pamumula.

“Weird!” iyan lang ang nasabi ng doctor.

“Dok, napapansin mo ba?”

“I know it’s weird.”

“Meant to be since birth Dok. The baby boy fell in love with Mrs. Peyton’s baby. Bumibilis ang heartbeat nito kapag nasa tabi nito ang baby girl.” nakangiting sabi ng nurse.

*********

Tumatakbong lumabas ang batang lalaking ito kasunod ng kanyang mga magulang. Agaw-pansin ito dahil sa kaputian at sa kagwapuhan nito. Bata pa lamang ay may maipagmamalaki na, ika nga ng iba. Naaninaw nila ang isang kotseng nakaparada sa labas ng airport, ito ay ang matalik na kaibigan ng mag-asawa.

“Welcome back Mich.” nakangiting bati sa kanila ni Mrs. Peyton na katabi ang asawa. Humalik ito sa pisngi ni Mich Simmons. Mula ng sabay silang nanganak, naging malapit sila sa isa’t isa. Kahit na tatlong taong nanuluyan si Mrs. Mich Simmons sa US, hindi pa rin nawawala ang closeness ng dalawang pamilya.

Kinuha ng driver nila ang mga bagaheng dala ni Mrs. Mich Simmons at inilagay sa loob ng kotse. Sama-samang pumasok ang dalawang pamilya sa kotse at doon ay nagkwentuhan. Samantalang ang batang lalaki nama’y nakadungaw sa labas ng bintana’t inaaliw ang sarili sa bagong environment.

Hindi rin nagtagal at bumaba sila sa kotse sa harap ng isang malaking bahay. Tatakbo sana papasok ang batang lalaki ng makita ang isang playground. Walang pasubaling tumakbo ito’t tinignan ang magandang palaruan.

“Cool.” sabi ng batang lalaki. Tatakbo sana ito sa isang monkey bar ng mapansin ang batang babaeng papunta sa mismong palaruan.

*dug* *dug* *dug*

Hindi maipaliwanag ng batang lalaki ang pagbilis ng kanyang puso. Hindi nito maalis ang tingin sa batang babaeng mukhang naiirita na sa mga titig nya.

“HOY IKAW…” sabi ng batang babae sabay duro sa kanya. “…ba’t ka tingin ng tingin sa akin, gusto mo bang maupakan?”

Walang naririnig na ano man ang batang lalaki. He’s just 4 years old, but he don’t know what happens to his heartbeat. Hindi nito napansin na napangiti sya habang nakatingin sa batang babae. Lumapit ito at inilahad ang kamay.

“I’m Andrei Harsher Simmons. How about you? What’s your name? I want to be friend with you.” dahil sa tagal na pananatili ng pamilya nila sa US, wala itong nalalaman na kahit na anong Tagalog words.

“Hoy nasa Pilipinas tayo, kaya magtagalog ka.” iritadong sabi ng batang babae sabay irap.

“ANDREI…” tawag  sa kanya ng ina at tumakbo palapit sa batang lalaki’t niyakap ito ng mahigpit. Naiiyak ang ina nito sa pag-aalala. “…I thought I lost you.”

“Oh stop the drama Mich, Andrei is a big boy right?” nakangiting sabi ni Mrs. Peyton. “…nagkakilala na pala kayo ng anak ko. So Andrei this is Scarlett---“

“Mom, Brai (pronounce as Bray)not Scarlett.” iritadong sabi ng batang babae.

“Okay fine.” natatawang sabi ng kanyang ina. “…Andrei this is Brai, my daughter.”

Inilahad ni Andrei ang kamay nya, ngunit binalewala ito ng batang babae. Umalis na lamang ito habang tulalang nakatitig sa kanya ang batang lalaki.

*dug* *dug* *dug*

The time that she leaves, the moment his heart beats faster more and more.

***

a/n: Happy New Year. New Year's Resolution ko ay mas maging active at hindi na magiging snob. JK! Sina @Debonair_Yulti and @Mischie_Kiss lagi yun sinasabi sa kin. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man Who Loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon