Thia.
"Ma, kain na po." Ani ko habang nag aayos ng lamesa para sa umagahan namin, pangatlo ako sa magkakapatid at ako ang panganay sa amin, mabuti nalang at nakuha ako bilang iskolar sa UST para mabawas bawasan naman yung mga gastos namin.
Bata palang kami nang mag loko ang tatay ko, alam ko na nagbibigay naman siya kay mama ng sustento para sa aming magkakapatid. Hindi madali syempre, na makita yung nanay mo na nasasaktan at umiiyak gabi gabi dahil ang hirap na nga namin, mas pinahirap pa ng tatay ko yung sitwasyon imbis na mag tulungan sila, para saan pa at nag pakasal sila kung mag hihiwalay din pala sa huli?
"Ate Thia, kaylan po ang pasukan niyo?" Tanong sakin ng bunso kong kapatid, alam kong pangarap niyang maging iskolar at makapasok din sa UST kaya palagi kong sinasabi sa kanila na mag aral sila ng mabuti para pag nakapag tapos sila, hindi sila mapagkakaitan ng magandang trabaho at ng pagkakataon.
Nakatira kami sa dito sa La Union. Dito ako pinanganak at lumaki, Ngunit dahil sa kahirapan ng buhay at hindi na ako kayang paaralin ni nanay dahil na din siya ay may edad na, Naisipan akong tulungan ng aking tiyahin, si Tita Thylane.
1st year college na ako sa susunod na pasukan.
"Baka sa susunod na buwan pa bunso. At mamaya na ang alis ko patungong maynila." Ani ko pagkatapos kong iba ang kutsara't tinidor.
"Nakapag impake kana ba, nak?" Tanong sakin ni nanay.
"Opo nay, pagkatapos natin kumain ay hihintayin ko nalang ang tawag ni Tita Thylane." Sagot ko pagkatapos ko uminom ng tubig sabay himas sa aking tiyan dahil sa sobrang pagkabusog.
"'Nay! Ako na po ang mag huhugas, mag pahinga nalang po kayo diyan." Napangiti ako ng sambitin iyon ng aking pangalawang kapatid, masaya akong maganda ang pagpapalaki namin ni nanay sa kanilang dalawa. Magalang at masipag.
"Theo at Thezia, alagaan niyo ang nanay habang wala ako rito, ha? Ang mga gawaing bahay pag tulungan niyong dalawa, at ang inyong mga takdang aralin ay palagi ninyong gagawin." Tiningnan ko silang dalawang maamong nakikinig sa lahat nang sinasabi ko. Napangiti ako sa pumasok sa aking isipan, "Ang walang palakol na grado ay makakatanggap ng regalo mula sa akin!" Nakangiting sambit ko at mukhang nagulat silang dalawa dahil alam kong pagbubutihin nila para makuha ang regalong iyon. Ganon sila ka desidido.
Tumayo na ako para ligpitin ang aming pinagkainan at dinala iyon sa lababo, habang si Theo naman ay nagpupunas ng lamesa at si nanay ay nagpapakain sa mga alaga naming pusa.
Napadako ang aking tingin sa aming kama ng makita kong mag ring ang aking telepono, dali dali kong tiningnan at nakita kong si Tita na iyon, napatingin ako sa aking mga kapatid at sa aming ina at doon ko simulang maramdaman ang lungkot.
Hindi ko akalaing mahihiwalay ako sa kanila para lang maipagpatuloy ko ang aking pag aaral. Wala naman akong choice dahil sa paraan narin na iyon ko sila maiaahon sa hirap. Napayuko ako ng maramdaman kong nagsisimulang mamasa ang aking mga mata tsaka ko sinagot ang tawag.
"Alethia! Malapit na ako sa inyo, naka handa na ba ang iyong mga dadalhin?" Tanong niya sa akin na pinagsang-ayunan ko nalang.
Hindi ko alam kung tama ba ang pandinig ko o talagang mali lang ang pagkakabigkas nya sa pangalan ko? Natawa ako sa aking naisip.
"Anak." Napalingon ako sa pintuan ng aming kwarto ng makita kong naandon ang nanay at mga kapatid ko, dali dali ko silang nilapitan at niyakap isa isa.
"Nay! Mag iingat kayo dito palagi ha!" Sambit ko ng mag unahan ang luha sa aking mga mata tsaka ko niyakap ang nanay, mas lalong bumuhos ang luha ko ng yakapin din ako sa bewang ng dalawa kong kapatid tsaka ko sila binalingan at ginulo ko ang mga buhok nila. "Ingatan nyo ang sarili niyo." Tsaka ko sila ginawaran ng mga halik sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (ONE-SHOT)
Short StoryNashinyia Elythia, Isang babaeng galing probinsya na lumuwas ng maynila para makapag aral. Dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsya, Hindi na kaya ng kanyang magulang na paaralin sya doon. Ngunit, sa kabilang banda, papaano kapag nasira ang kanyang...