KATELYN POV
Mapusok ang kahalikan naming dalawa ni hindi na namin namalayan na nandito na kami sa rooftop .
Bigla ko napansin ang mga ilaw na nakakalat sa mga halaman .
"wow " yun lang tangi kong nasambit .
At naglakad ako palibot . Ang ganda parang pinalilibutan ako ng mga fireflies .
" Mahal " - George
Nakita k siyang nakaupo at tinatapik ang katabi niyang inuupuan . may mga unan na maliliit at parang may kulambo pa lihim akong natawa sa kulambo .
" Anong tinatawa mo diyan " - George
" Napakaganda dito mahal "
Umupo ako at tumabi sa kanya wala akong masabi kaya humarap ako sa kanya at hinalikan siya ulit .
ilang segundo ang halik na yun . Kaya parang hinahabol kaming dalawa ng hininga .
" Iloveyousomuch mahal " - George
" Mas mahal kita " sabay dampi ng halik sa labi niya .
Ang dami naming napag usapan ni George kung paano siya nahirapan sa sitwasyon namin . Yung gusto niya ipagsigawan na ako mahal niya pero hindi pwede kasi ginagalang niya desisyon ko at gusto niya kung san ako kmportable .
Nakatitig lang ako habang nagsasalita siya .
" Sorry mahal" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit .
Ramdam ko ang paghimas niya sa likod ko habang yakap niya ako ng mahigpit . Ramdam na ramdam ko talaga yun pagmamahal niya para saken .
" Wag mo ko iiwan Georgia "
Hindi siya sumagot bagkus hinalikan niya ako sa noo .
"iloveyou " - George
Naghain na siya ng kakainin namin ang bango ng mga pagkain .
" Ako lahat nag luto niyan "- George
" Talaga paano ?" niloloko ko siya .
Nagpout siya . haha . Parang bata ang walangya " Baka pagnatikman mo to makalimutan mo pangalan mo " - George
" Aysus makalimutan kona pangalan ko wag ka lang " wala naman sa isip ko na banat yun or anything
" Chizylines mo na naman nakakainis ka mas magaling kapa bumanat kesa saken bakit parang ako yung chix sateng dalawa " - George
" Baliw totoo yun hindi yun chizy lines noh !"
"iyy" - George sabay kurot saken sa braso hindi naman malakas kurot ng pabebe langya .
" Iyy ka diyan kain na tayo nga "
" Opo relax ka lang diyan ako na mag hahain ng pagkain mo "- George
After namin magdinner nagyaya siya uminom ng alak .
" Ohh ladys drink lang to hindi to kasing tapang ng favorite alak niyo ni Philip " - George
May tono ng parang tampo ang boses niya . Natatawa na naman ako sa kanya hindi ko alam ang Georgiang masungit at napaka malditang babae may side pala siya ng pagkabata lagi kasi siya seryoso at kung nagloloko man siya sa babae nga lang yun .
Alam kong mahal ako ni George at hindi niya ako magagawang lokohin alam niya mawawala ako sa kanya pag ginawa niya yun .
" Alam mo mahal twing ginagawa mo yan lakas maka pogi titigan mo ko lagi na parang ako yung pinaka perpektong nilalang sa mundo "- George
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?