News is Out!

416 23 21
                                    




Dani's POV:

Dumaan ang mga linggo ng mabilis, medyo nahihirapan ako sa trabaho dahil masama talaga ang pakiramdam ko tuwing umaga. Halos lahat sa set namin ay nahahalata na ang pagbubuntis ko dahil sa mga kinikilos ko. Napaglilihi-an ko nga yata si Dean dahil tuwang tuwa lang akong kasama siya, buti naman at naging mas mabait at maingat ito saakin dahil sa alam niya ang pagbubuntis ko.

Marami kaming minamadaling I tape dahil baka abutan ng paglaki ng tiyan ko, kaya halos wala akong pahinga, 2 beses kaming sumugod for emergency check up kay Robi dahil sa stress ko. Importante talagang malaman na ng mga tao para wala na akong dapat pang itago.

Luv: "Baby are you ready?"

Ngayong araw magaganap ang guesting namin sa *Maginhawang Buhay*. Sasagutin na namin lahat ng tanong na meron ang mga tao para saamin.

Dani: "Almost, tatahiin lang ni Milo itong tagiliran ng dress ko, masyado kasing maluwag nahuhulog sa harapan."

Luv: "Kitang kita yung dibdib mo baby-"

Dani: "Love huwag mo nang balakin pang papalitan saakin tong suot ko, wala na akong oras."

Luv: "Hindi ko naman papapalitan, sabi ko lang kitang kita yung dibdib. Ganito nalang dito nalang ako lagi tatayo."


Tumayo ito sa may likuran ko at niyakap ako sa may shoulders ko paharap.

Dani: "Mamaya ka na din maglambing baka ma late tayo Love! Stella! Ready ka naba?"

Isasama namin si Stella, kasama siyang manonood nila Milo sa audience. Bumaba muna si Luv para ihanda ang sasakyan.

Stella: "Tita I'm so stressed, hindi ko mahanap yung favorite kong dress."

Dani: "Yung bigay ni Athena?"

She nodded.

Dani: "Uhm, yaya ems, please pakihanap yung dress ni Stella, naku hindi yan aalis kapag hindi yun ang suot."

Luv: "The car's ready. Oh Stella bakit hindi ka pa bihis?"

Stella: "I can't find my dress tito daddy-"

Halos umiiyak na ito. Alam kong naging malapit din talaga ang loob niya kay Athena, sana balang araw, magkaroon muli sila ng pagkakataong magkita.

Ems: "Eto na baby Stella, nahanap ko na!"

Masaya naman itong tumakbo palapit sa yaya niya at nagpabihis na ito.

Busy naman si Milo na tahiin yung sa tagiliran ko.

Dani: "Aray!"

Milo: "Tiisin mo! Ikaw may gusto ng damit na ito!"

Luv: "Kita mo ikaw pala may gustong iyan ang isuot."

Dani: "Oh hindi pa pala tapos yung kaso nung isa, bakit kaya hindi nalang kayo magkampihan?"

Milo: "Oh ayan na okay naba?"

Dani: "Okay nayan!"

Luv: "Ang baba parin Love!"

Dani: "Luvisito tumigil kana ma-la-late na tayo, Stella let's go!"

Pag dating namin sa studio, sobrang daming mga fans na gustong gusto kaming makuhaan ng litrato. Si Stella naman ay tuwang tuwa sa atensyong nakukuha niya. Naku mukhang may susunod pa yata sa mga yapak ko, tama nga si ate Gela, sobrang pareho kami ni Stella.

Mukha namang kinakabahan itong poging doctor na kasama ko.

Dani: "Love are you okay?"

Luv: "Hindi naman ako sanay sa ganito, I mean press now and then sure, pero ito, sa harap ng talagang camera na, medyo nerve racking."

Along came Dr. LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon