1

6 0 0
                                    


Phae's POV


Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa canteen ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Ate Rain! Ate Rain!" Lumingon ako sa sigaw ng isang senior high school student na hindi ko mawari ano ang pangalan nito.

"Uh.. yes?" Takang ko sa kanya at tumingin kay Blessie na busy naman sa pagtatype sa cellphone.


"Ate Rain may project po kasi kami. Gusto po sana namin kayo interview-hin. Kung okay lang po sayo. Hehe!"


"Oh, okay. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko pa rin kasi high school pa lang ito at napaka imposible naman yata na makilala ako nito unless..

"Si Ate Blessie po ang nagsabi na isa ka pong Dean's Lister sa Department niyo po bukod sa pagiging varsity player ng badmiton."

Tumingin ako sa bestfriend ko at napa peace sign na lang ito sa akin.


"Okay, ano ang pangalan mo?" Ngiti kong tanong sa bata kasi mukhang tense na ito.


"Riley po. Hehe! Ang ganda niyo po pala Ate Rain! Idol po kita simula nung napanood ko po iyong game niyo po!" Ngiti nitong sabi.


"Ganon ba? Ikaw talaga nambola ka pa. Kailan niyo ba balak mag interview?" Tumabi muna kami dahil nakaharang na kami sa entrance ng canteen.


"Ah, eh? Ikaw po ate kung kailan ka po available?"


"MWF available ako tuwing 1-2:30 pm. Kapag TTH naman 10-11 am."


Tumango ito at nagsulat sa notebook niya na pakiwari ko ay reminder para sa interview.

"Sige po Ate! Sasabihin ko na lang po kay Shon yung schedule niyo po."


"Shon? Sino yun?"



"Ah! Kasama ko po siya. Bale dalawa po kami sa project na ito Ate. Hehe!"



"Ah, okay. Sige ha mauna na kami. Nagugutom na kasi kami."


"Sige po ate! Salamat po. Hehe!"


Nagpaalam na kami at dumiretso na sa usual spot namin.


"So? Care to tell?" Tingin ko kay Blessie na abala sa pag oorder sa menu.


"Classmate yun ng kapatid ko babe. Crush niya yun si Riley kaya siya na nagrepresenta na tumulong kaya yun nagtanong sa akin at sinabi ko ikaw."


"Pwede naman ikaw bakit ako pa babe?" Nakakainis naman. Ibinenta pa ako ng buhay! Wala man lang akong ka malay malay.


"Alam mo naman hindi ko type yung mga interview na yan babe. At saka matalino ka kaya keri mo yan!"


"Oo na lang." Kinuha ko ang phone ko at nag online muna sa Facebook.



"Hello, what can i get you?" Isang malamig na boses ang nagtanong sa aming dalawa ni Blessie kaya hinayaan ko na lang na siya na ang sumagot dito dahil siya naman talaga ang nag oorder ng pagkain tuwing breaktime namin.



"Ikaw? Pwede? Haha! Joke lang pero kung gusto mo okay lang."

Don't get her wrong. Playful lang talaga ang bestfriend ko kaya hindi ko na pinansin ang sinabi nito.

"Ikaw naman hindi ka mabiro. Seryoso mo. Dalawang order ng creamy pasta with fries at dalawang mango shake na rin. Salamat gandapogi!"


"Your order will be serve in 20 minutes Ma'am. Excuse me."



"Balik ka ha? Hihi." Talandi naman talaga!


Patuloy pa rin ako sa pagi-scroll ng may makita akong nagfriend request sa akin.


Riley Ocampo. Base sa profile picture nito ay masasabi mo na maganda ito. Palangiti, maputi at masasabi mo na may kaya ito sa buhay. Accept ko na lang tutal mukha naman mabait.


"Babe, nakita mo ba iyong waitress? Mukhang bago pero gandangpogi babe!" Kilig na sabi ni blessie at napatingin naman sa kanya ang babae dahil nakatingin siya sa may counter ng canteen.


"Naku, tigilan mo nga yan babe. Ganyan ka naman talaga sa lahat ng nakakasalamuha mo."


Nag log out na ako at hinarap ang bestfriend ko na ngayon ay busy na ulit sa pagse-cellphone.

"Babe, iba siya. Like, cold ang personality pero ang cool niya babe!"


Hay naku. Ayan na naman siya. Paminsan gusto ko ng itanong sa kanya kung bisexual ba siya. Pero hahayaan ko na lang na siya mismo ang magsabi sa akin.


"At sino naman ang katext mo diyan?" Turo ko sa cellphone niya na kanina pa nagvavibrate.


"Ah, kapatid ko. Nagtanong kung nakausap na tayo ni riley. Sabi ko pumayag ka na."


"Ikaw binenta mo na ako ng buhay babe wala man lang ako kamalay malay." Tampong sabi ko sa kanya na ikinatawa naman ng bruha.


"Babe, may binenta ba ng buhay na nagsasabi? Syempre wala!"


"Ganon? Ganyanan na tayo ngayon?"


Napatawa na lang kaming dalawa sa sinabi namin at hinintay ang pagkain.


"Alam mo babe, 1st sem pa lang natin pero may practice na tayo. Hectic agad ang schedule natin."


"Oo nga babe. Baka pinaghahanda tayo sa darating na Palaro."


"Siguro babe. Rinig ko nga sa student council sino ang nanalo sa high school team e makakalaban natin. Haha."


"Talaga? Well, mas maganda nga yun babe para naman makilala natin ang mga players ng high school. Bihira lang kasi natin sila makita."


"Oo nga babe pero kita mo naman iisang canteen lang ang meron tayo dito sa school. Haha."



"Haha. Parang meeting place na rin ito ng high school at college. Balita ko babe dito raw trinansfer ang anak ng may ari ng school."



"At saan mo naman nalaman yan?"



"Alam mo naman ang balita may pakpak. Haha."



"Babe sana pala journalism ang kinuha mo. Haha."


Dumating na ang inorder namin at patuloy pa rin kami sa pagkekwento tungkol sa experiences namin nung bata kami. Childhood friend ko si Blessie kaya alam na namin ang flaws ng isa't isa.



Paalis na kami ng makita kong nakikipag usap si Riley sa isang babae na tingin ko ay nagtatrabaho dito sa canteen base sa suot nito. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila dahil nakasimangot si Riley at pakamot kamot pa ito sa makapal na kilay niya. Hindi ko naman makita ang itsura ng babae dahil nakatalikod ito na sa tingin ko ay hindi rin nagugustuhan ang sinasabi ni Riley.


Perks of being a Psychology student.


~

Err.. too awkward to give a note. - Elle

Boundless LoveWhere stories live. Discover now