Athena's POV
Daig ko pa estatwa dahil sa gwapo este gagong nasa harapan ko. Hindi ko sigurado kung ito ba ang kauna-unahang beses na natitigan ko sya sa dami ng beses na nagkaharap kami.
"Masyado bang maganda ang nakikita mo kaya hindi ka na nakagalaw dyan Athena ?" Nakangisi at nang-aasar na sambit nya
Mas lalo akong natulala sa sinabi nya.
Athena ? Binanggit nya ba ang pangalan ko ? Binigyan ko sya nang nagtatakang tinginHumalakhak sya Gumalaw ka. Pinagtitinginan ka na ng iba. Sa sinabi nya ay agad akong natauhan at agad na napatingin sa ibang taong naririto. Ang iba ay nanunukso at nagtataka. Ang mga babae naman ay masama na ang tingin saakin. Maging ang aking mga kaibigan ay binigyan ako nang nagtatakang tingin. Napapahiya akong nagbalik ng paningin sa gwapo este gagong nasa harapan ko
Narinig kong muli ang paghalakhak nya
"Alam kong masyado akong gwapo ngayong gabi. Pero wag mo naman ipahalata sa mga nandito na nahuhumaling ka"
What ?
"Ang kapal ng mukha mo, lumayas ka nga sa harapan ko !" Sigaw ko
natawa sya Fine. I'll see you later nakangising aniya saka ako tinalikuran
Natulala ako habang pinagmamasdan syang maglakad palayo. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may parte sakin na nanghihinayang dahil pinaalis ko sya. May parte sa loob ko na hinihiling na sana ay manatili sya. Na para bang may pakiramdam ako na hindi magiging masaya ang gabing ito kung hindi ko sya makakasama. Batid kong marami paring nagsisigawan ngunit tila ako nabingi sa hindi ko maipaliwanag na dahilan
Ano nangyayari sakin ?
Hoy !
Ayy, gago ! Sigaw ko dahil sa gulat.
Wala na 'te, gumalaw ka na. Baka matuluyan ka dyan Ani Arci
Tsss, Ewan ko sayo singhal ko
Sauce ! Naku, Athena baka nahuhulog ka na kay Brinkiston ha ?
A-ano ? Neknek mo !
Tse ! Sigaw nito at umalis na. Lumapit sya sa mga kaibigan kong nagtataka paring nakatingin sakin.
Sumunod ako kay Arci upang lapitan sila ngunit iniwas ko sa kanila ang aking paningin. Dahil baka magtanong lamang sila
Hindi ko alam ang isasagot koTumahimik ako kahit na alam kong maingay ang paligid. Patay sindi ang mga ilaw. Daig pa namin nagdidisco.
Pinagkrus ko ang aking mga braso at itinuon ang atensyon sa stage. Nag-aabang sa kung anong banda ang unang lalabas para magperform. Gustuhin ko man na makisabay sa iba upang makisigaw subalit nagulo ang isip ko. Paanong nagkaroon ng ganoong epekto saakin ang lalaking 'yon ? Tsk, dapat talaga ay layuan ko na ang isang 'yon. Wala syang naidudulot na mabuti saakin !Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng marinig ko na mas lalo pang lumakas ang sigawan. Nalibot ko ang paningin ko at nagulat dahil ang iba ay para nang nagwawala.
Muli kong ibinalik ang paningin sa stage. Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang isa sa mga bandang ini-idulo koWoooo ! Calla Lily
Keaaaaaaaaan !
Kean Ciprianoooooooo !
Hiyaw ng iba
Good Evening students
Sigaw ng vocalist ng tumapat ito sa mikropono
YOU ARE READING
Ang Mayabang Na Si Lalaki At Ang Palaban Na Si Babae
Fiksi RemajaMayabang Walang sinasanto! Papalag kahit sinong makaharap !