- 22 -

1 0 0
                                    

Miruelle

"Wooh the Goddess is finally here!" Rinig kong anunsyo ni Arkin habang kumakaway pa ito sa akin. Kumaway naman ako pabalik at naglakad patungo sa pwesto nila.

Magdadapit hapon na kaya hindi na masyadong maiinit dito sa tabing dagat. Nakahanda na rin ang bon fire para mamayang gabi pati na rin ang pag-iihawan namin ng BBQ at isda.

"Miru! Come here! Sit beside me please. I want to pinch your cheeks." Parang batang sabi ni Gina. Nakakatawa siya pero ang cute niya. Kaya naman tumabi ako sa kanya.

Napapagitnaan ako ngayon ni Margs at Gina. Kaso sa harap ko naman ay nakaupo sila Klea at Matt. Si Matt na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Babe, can we bring Miru when we go home? I want to see her always." Sabi ni Gina at ngumusi pa. Kumakain siya ng piatos na sinasawsaw niya sa catsup. Eh, anong lasa kaya nun?

"Pinaglilihian ka pa yata ni Gina, Elle." Nakangiting komento ni Ann.

Wooh, wait Deja vu? Ganito din nangyari sa panaginip ko ah? Waaah no way!

"Hmmm. Okay na yun. At least si beshy pinaglilihian. Sigurado tayong dyosa ang magiging anak." Sabat naman ni Margs habang sarap na sarap sa pagkakasandal kay Arkin. Aba, pumapag-ibig na talaga ang beshy ah.

"Miruelle, apple juice for you." Alok sa akin ni Gleo ng juice. Pikit-mata ko naman itong tinanggap.

"T-Thank you." Ngiti ko sa kanya.

"Drink it. Its fresh." How can I resist Gleo? He is being nice lang but... Apple juice? I can't drink it. I can't drink apple juice or even eat apples. Hindi naman sa kaartehan but apple is absolutely a no,no to me.

I'm allergic to apple.

"You don't like it?" Ang kaninang nakangiting si Gleo ay napalitan ng lungkot.

"No, I mean of course I like it." Mabilis kong sagot.

"Then drink it. Don't be too maarte." Irap na sabi ni Klea at saka ininom ang juice na hawak niya.

Napalinga-linga ako para hanapin si Margs but she's not here. Siya yata yung nagboluntaryong kunin yung iihawin kasama si Arkin. Kaya naman katabi ko na ngayon si Gleo.

Oh God. Paano na ang gagawin ko. Titiisin ko nalang ang rushes ko.

Huminga ako ng malalim at saka pikit matang dahan-dahan ng inilapat sa bibig ang baso ng juice.

"What the fvck man!" Natigilan ako sa pag-inom sa biglang pagsigaw ni Gleo sa tabi ko.

Paglingon ko sa kanya ay nakahandusay na siya sa buhangin habang hawak-hawak ang ilong niya. Agad naman siyang nilapitan nila Eros at Erol.

"Ops sorry man. The ball slip." Walang emosyon na sabi Matt saka tumayo.

"Cous' alis lang ako." Paalam nito kay Gina saka naglakad palayo. Pero bago pa man siya nakalayo ay nakita ko ang pagtapon niya ng tingin sa akin pero saglit lang dahil agad na umabresiete si Klea sa kanya.

"We'll have some our private time first. See yah later." Ayokong akusahang malandi si Klea pero damn! Ang landi ng pagkasabi niya nun. At talagang nakatingin pa siya sa akin habang sinasabi niya iyon.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Jealous Miru?" Hagikhik na bulong sa akin ni Gina saka kinurot ulit ang pisngi ko.

"Waaah why so cute Miru? Huhuhu." Napailing-iling nalang ako sa pagpapalit ng mood ni Gina.

Pero takte! Yung sinabi niya talaga kanina! Nagseselos ba ako? God! No way. Yun naman ang gusto ko diba? Ang layuan ako ni Matt. Anong inaarte ko para magseloselosan. Tss. Baliw kana Miruelle.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon