DOTA vs. GIRLFRIEND

107 3 5
                                    

Sabi nila imba daw ako.

Hustler na kasi ako sa DOTA. Lahat ay gagawin ko manalo lang.

Ako nga pala si Rafael. 

Girlfriend ko si Shiela.

Pero isang bagay lang ang pinagsisisihan ko.

Mas minahal ko ang DOTA, kaysa sa taong nagmahal sa akin.

Mas pinahalagahan ko and DOTA, kaysa sa taong bumago sa buhay ko.

Ito ang istorya namin.

(May 6, 2012 5:00 PM)  

"Raf, samahan mo ako mamaya ha." nag-text saakin si Shiela.

"Sige. Tapusin ko lang tong paglalaro ko." 

"Nag lalaro ka nanaman ng DOTA?!" 

"Sandali lang toh." Ang saya talagang mag-DOTA. Lalo na kapag nananalo ka.

Lalong sumaya ang paglalaro ko. Nung dumating yung mga barkada ko. Sigawan kami, tawanan, "IMBA ka Rafael!" 

Sa sobrang saya ko sa paglalaro hindi ko na napansin ang oras. Tiningnan ko ang cellphone ko, puro text at missed calls. Kaya pinatay ko nalang ang Cellphone ko para kunwari, lowbatt.

Mga 9:00 PM na rin yun.

Nagsiuwian na ang mga barkada ko, umuwi na rin ako.

Pagka-uwi ko sa bahay... Nilapitan ako ng Kuya ko.

"Tol...... tumawag yung mama ni Shiela."

"Bakit? Anung sabi?"

 "May nangyari kay Shiela. hinold-up daw siya. Pero nanlaban siya. Kaya binaril siya sa ulo."

Hindi ko kinaya ang narinig ko.

Naupo ako...

Binuksan ko ang Cellphone ko.

"Raf, nasan ka na ba?"

"Raf, bakit nakapatay ang cellphone mo?"

"Raf, may mga lalaking sumusunod sa akin."

Napaiyak ako sa huling nabasa ko.

"Raf, Happy 9th Monthsary! I Love You!"

Namatay si Shiela....

Namatay yung babaeng bumubuo sa buhay ko.

Mas minahal ko kasi ang DOTA!

Mas pinahalagahan ko kzsi ang DOTA! 

Kaya ngayon nagsisisi ako.

Kung pwede ko lang mabalik......... kung pwede lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOTA vs. GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon