Protektahan
RINNE
"Oh, pati yung phone ko sumasang-ayon sa inyo" sabi ni Sir JV na tumatawa pa.
"Naku sir, kung alam mo lang na ako yung pumindot HAHAHA" parang ang saya-saya lang ng araw na ito. Parang may partnership kami ni Destiny hihihi. Sana magtuloy-tuloy na ito.
Lumipas ang tatlong araw at panay pa rin ang pananakot ko sa kanila. Nasa kalagitnaan ako ng pagpaparamdam ko sa kanila ngayon sa set ng G2B.
Balak ko na sanang basagin yung basong ginamit ni Dj kani-kanina lang nang biglang may lumiwanag sa aking gilid. Naaninaw ko ang paparating na si kuya Les.
"Rinne, pinapatawag ka ni Katsumi" bungad niya agad saakin
"Ha bakit daw?" nakakagulat naman. At saka, ang tagal-tagal ko na ding hindi nakaka bisita sa langit.
"Pero teka, tatapusin ko- babasagin ko lang, madali lang 'to- hoy teka! Sandali!" paano ba naman kasi, hinila ako bigla! Nagmamadali ba siya?
"Oh, teka lang chill! Sasama ako ng maayos" then I smiled. Pero siya naka busangot lang. Anong problema ng isang 'to? Parang badtrip.
Habang naglalakbay kami patungong langit, bigla siyang nagsalita. "Hoy ikaw, ba't di mo agad sinabi sa akin?" tapos nakakunot pa ang noo niya. Teka galit siya?
"Ha? Ang alin?" nakapagtataka naman. Hindi naman ako nagsi-sikreto sa kanya. Siyempre nirerespeto ko siya bilang kuya ko.
"Inaway ka pala nung demonyong yun?" tapos hinarap niya ako. Ha? Inaway? Demonyo?
"Ahh... yung demonyong Seth? Oo, pero yakang-yaka ko yun! Hahaha grabe hindi din ako makapaniwala na nagawa ko yun. Mukhang natalo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.
"Hindi mo pa siya natatalo Rinne. Ito pa langsimula palang ang laban niyo." Kung siguro buhay pa ako, kinilabutan na siguro ako. May itatanong pa sana ako kaso nakarating na kami sa destination namin. Ang langit.
"Rinne! Long time no see! It's been what? A month?" Salubong agad sa amin ni Big Brother Katsumi. Binati ko rin siya.
"Hello! Ba't nga po pala ako pinapunta dito?" nagkatinginan silang dalawa ni kuya Lester tsaka bumaling ulit ang tingin ng dalawa sakin. Ano bang meron?
"Rinne, pinapaalala ko lang. Halos isang buwan na ang nakalilipas. Nasa ika dalawampu't walong araw mo na ito. Meron ka nalamang 72 days na natitira. Baka nakakalimutan mo na?"
Hala oo nga! Masyado akong preoccupied this past few days. Muntik ko nang makalimutan. Naku, buti na lang at pinaalala nila sakin. May expiry pala itong misyon ko.
"Opo" yumuko nalang ako kasi nahihiya akong humarap sa kanila na wala man lang improvement sa ginagawa ko.
"At isa pa, nakaharap mo si Seth noong isang araw?" tumingin siya kay kuya Lester bago bumaling ulit sakin. Tumango naman ako bilang sagot. Nanlaki bigla ang singkit niyang mga mata.
"Napakatapang mong bata" tsaka ngumisi siya. "Alam mo bang bihira lang ang kumakalaban sa kanya?" malamang hindi. Bago pa ako dito eh. Hehe joke lang.
"Nababasa ko yang iniisip mo" sabi ni Katsumi naka cross arms pa.
Tinakpan ko ang bibig ko dahil pinipigilan ko ang sariling tumawa "Hehe sorry po" nahihiya pa akong ngumiti. Gosh. Nakalimutan kong kanang kamay pala ito ng Diyos. Sorry po, Lord. Hindi na mauulit.
BINABASA MO ANG
My Fangirl Is A Ghost?! (KathNiel)
FanfictionOo sikat kami, maraming nahuhumaling sa aking kagandahan at sa kanyang kagwapohan. Gagawin ng fans namin ang lahat maging updated lang sa mga ginagawa namin mapa off cam man or on cam. Ang iba gusto magkaroon ng super powers, specifically: to be Inv...